Chapter - 20

9.8K 360 47
                                        

-VON-

Gusto ko sanang habulin si Cyrus at subukan ang pagkakataon na meron ako ngayun para humingi ng tawad sa kanya pero hindi ko magawa, may kung anong malakas na pwersa ang pumipigil sakin, at yung pwersang yun ay TAKOT.

After four years takot padin ako, takot padin akong lumapit sa kanya. Sobrang matagal ko pa namang pinaghandaan tong pagkakataon na magkita kame tapos ngayun bigla nalang akong bumaluktot. Haysssss hindi naman kase kasing dali yun ng iniisip ninyo. Yung tipong lalapit lang ako sa kanya tapos kakausapin ko siya tapos sasabihin ko yung nararamdaman ko,
Baka nga makita niya palang ako kumulo na agad dugo nun. 

Wala na kong nagawa kundi sundan ng tingin ang papalayong sasakyan nila Cyrus tsaka ko naramdaman ang pag patak ng aking mga luha.
Kanina ang Lapit niya lang sakin, kasing lapit ng mga puso namin dati. Tapos ngayun papalayo na siya, kaseng layo na nang pag mamahal niya sakin.
At ngayun wala na siya,  wala narin kaya ang nararamdaman niya sakin?.

Ang sakit lang na hinayaan ko yung sarili kong umabot sa ganitong sitwasyon at kagaya ng sinabi ni Arturo naka kulong parin ako sa sakit ng nakaraan, pano ko namang gagawing lumaya kung hanggang ngayun sinisisi ko parin yung sarili ko sa mga nangyari. Sabagay wala naman akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko.

May mga bagay akong dapat pag isipan bago ko gawin. Kagaya nalang ng baka maayus na at masaya na si Cyrus ngayun at baka pag nag pakita pa ko sa kanya magulo ko lang mundo niya Pano kung may karelasyon na siya, tapos nag pakita ako sa kanya baka pag mulan pa ko ng pag aaway nila.

Umuwi ako sa bahay nila Lolo at Lola na walang gana. Ang bigat parin kase ng nararamdaman ko ehh! 

"Apo ayus kalang ba? " nag aalalang tanong sakin ni Lola.

Tumango tango lang ako bilang sagot dito pero parang mas lalo lang itong nag alala. Tumabi naman sakin si Lolo at inakbayan ako.

"Mahal mo parin siya no?" seryosong banggit ni Lolo sakin.

Nabigla at napatingin naman ako dito dahil sa sinabi nito pero ngumiti lang ito sakin at dahil dun hindi kuna napigilang umiyak, niyakap naman nila ko para pagaanin yung nararamdaman ko.

"Baka naman hindi pa yun ang tamang panahon para sa inyu apo." banggit ni Lolo.

"Lo, hindi po! Nasamin na po ni Cyrus ang lahat ng tamang pagkakataon,  pero naging mahina po ko at hindi ko nagawang ipag laban siya." umiiyak na sagot ko dito.

"Alam naba niya ang totoo? Yung dahilan mo kung bakit mo nagawa yun. " si Lola na pinapakalma ako.

"Hindi na po siguro niya dapat malaman,  pagkatapos po nung mga ginawa ko baka isumbat niya pa sakin yung katangahan ko o kaya hindi narin siya maniwala." sagot ko dito.

" Baka naman Apo inaantay kalang niya kase bakit niya kame binabalik balikan dito kung wala na talaga siyang nararamdaman sayo. Imposible naman na kame ang dahilan kung bakit siya pumupunta dito." seryosong banggit ni Lola sakin. Napatingin naman ako dito at napa isip na sana nga inaantay niya pa talaga ko, dahil sa sinabi ni Lola parang nagkaroon ako ng maliit na chance na pwede pa kame maayos ni Cyrus.

Pero bigla ko nanamang naisip yung mga nangyari,  kung pano ko sinabi sa kanya na hindi kuna siya mahal at yung dahilan kung bakit siya naaksidente "Imposible po yun, kung alam nyu lang po kung ano yung ginawa ko sa kanya. Baka kahit kayo hindi nyu ko mapapatawad." malungkot na sagot ko sa kanila.

------------------

Bago ko umuwi ay dumaan muna ko sa dati kong school,  malaki na ang pinagbago ng school sa nakalipas na apat na taon pero yung playground ganun padin kagaya ng dati naka pwesto parin ito sa orihinal na pwesto nito. Ang dami kong alala sa lugar na to,  ito yung lugar kung saan ako madalas mag drama,  umupo ako ulit sa swing at dinuyan ang sarili ko ng dahan dahan.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon