(A/N): This story is a work of fiction : Names, Chararcters, Places and incidents are products of my imagination. Any resemblance to actual events, places or person, living or dead, is entirely coincidental.
P R O L U G U E - SECOND CHANCE
Grade 4
"Bakla , Bakla , Bakla , Bakla , Bakla" Paulit ulit na sigaw nang mga kaklase ko sakin hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan nang mga to at pati ang pagiging bakla ko ginugulo nila , hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakla ba talaga ako o kung pano manlang masasabi sa sarili ko na bakla ako.
Syempre wala pa ko sa stage na kinikuwesyon ko yung kasarian ko basta ang alam ko lang hindi ako kasing tigas ng mga kakilala kong lalaki at meron akong mas malaking atensyon para sa mga lalaki. 9 years old. lang ako grade 4 at hindi ko alam kung bakit ko na-e-experience ang ganitong sitwasyon sa mga kagaya kong edad. Na hindi ko maintindihan bakit malayo ang loob nila saakin at mas pinipili nilang paiyakin ako kesa gawing kaibigan nila.
Kung makasigaw sila nang Bakla , Bakla akala mo napakasama ko ng tao. Pag ako lumaban sisigawan ko rin sila ng Lalaki, Lalaki tsaka ng Babae , Babae pero pag ginawa ko yun mag mumuka lang akong tanga. Pagkatapos nila akong sigawan at paiyakin ay natapos na ang party nila saya nila diba, naupo ako sa isang swing dito sa playground nang school at dito umiyak ng umiyak.
"Bata? bata? bakit ka umiiyak" tanong sakin ng isang gwapong bata pero hindi ko siya pinansin mas lalo lang akong umiyak, napakamot naman siya sa ulo niya at parang nataranta dahil nga mas lalo akong umiyak. Maya maya lang kinalabit nya ko sa balikat tinignan ko naman siya na nagtataka bakit ba kase ang kulit kulit neto eh! Kita na ngang nag eemote ako eh!
Ngumiti siya saakin at sabay may kinuha sa bulsa niya panyo inaabot niya sakin ang panyo pero nakatulala lang ako sa kanya sobrang gwapo niya pag naka ngiti parang may anghel na ibinaba ang langit para saakin ito na ata yung tinatawag nilang First Love , ang landi ko lang diba partida grade 4 lang ako niyan.
Inabot ko na ang panyo at pinunas ko sa muka ko umupo naman siya sa kabilang swing sa tabi ko at tinitignan lang ako. Pagkatapos kung mag punas ng muka ay binalik kuna yung panyo niya (medyu dugyot lang) kinuha niya naman yung panyo at nilagay sa bulsa niya.
"Hi ? Bakit ka umiiyak? " Tanong niya uli saakin ng nakangiti tinignan ko uli siya sa muka , nag aalangan akong sabihin sa kanya ang totoo baka kase pag sinabi ko sa kanyang pinaiyak ako ng mga kaklase dahil sa bakla ako baka awayin niya rin ako.
Kaya kesa sagutin ang tanong niya tumakbo nalang ako palayo sa kanya malay ko ba kung anong pang aasar ang pwede niyang gawin sakin baka umiyak lang ako uli.
Grade 9
Wala paring nagbago mga kupal parin ang mga kaklase ko at kagaya ng dati hindi ko parin maintindihan kung anong masama sa pagiging bakla, una wala akong ginagawa na pwede nilang ikagalit , pangalawa hindi naman ako yung type ng gay na nag susuot ng damit pang babae or act like a girl. I'm not into that thing , oo bakla ako pero I know how to respect my self hindi ko sinasabi na yung mga gay na nag susuot nang damit pang babae ay walang respeto sa sarili huh !!! Iba yun.
Papunta ako sa canteen ngayun pero yung mga classmate ko may ibang trip. Hinablot nila yung bag ko sabay takbo sa playground , bakit ba paborito nila kong pagtripan sa playground , syempre hinabol ko naman sila alam ko na yung ganitong senaryo pag papasa-pasahan nila yung gamit ko hangang sa mapagod sila tapos aalis na sila mga bobo talaga eh!
Papagudin pa nila sarili nila "Pwede bang paki sauli nalang yung bag ko , wala naman akong ginagawa sa inyu ah! " banggit ko sa kanila pero ang mga hinayupak parang walang narinig sinimulan kunang agawin yung bag ko at nag umpisa narin nilang pag pasa pasahan ito syempre dahil kupal din ako hinabol habol ko naman yung bag ko.
Hangang sa mapagod na sila , bakit kaya tuwang tuwa silang nakikitang nahihirapan ako. Bago sila umalis ay binuksan nila yung bag ko sabay tinapon lahat nang laman nun kinalat talaga nila lahat ng gamit ko sabay tumakbo at iniwan akong mukang tanga.
Umiiyak akong dinampot yung mga gamit ko , yung totoo nahihirapan na talaga ko sa sitwasyon ko dito sa school gusto ko nalang sumunod sa sa mga magulang ko bakit ba kase hindi pa nila ko sinama sa Singapore eh! Edi sana hindi ako nahihirapan nang ganito. Syempre pagkatapos kung i-bully nang mga classmate ko ang paborito kung gawin ay ang umupo sa swing at doon umiyak .
Ewan koba naka-sanayan kuna yung dito ako tatambay tapos iiyak lang ako ng iiyak. Nagulat ako ng may nag aabot saakin ng panyo tinignan ko kung sino yun nagulat ako nang makilala ko siya.
"Lage kanalang bang iiyak? Sa twing nakikita kita lage kana lang umiiyak eh!" malungkot na banggit niya sakin kagaya ng dati inabot ko uli yung panyo niya at pinunas sa muka ko , mas gwapo na siya ngayun kesa nung mas bata pa kame. Hindi ko alam kung bakit gagawin ko to pero kagaya ng dati tumayo ako uli.
"Tatakbuhan mo ba ko uli? " tanong niya sakin , pero hindi yun yung ginawa ko niyakap ko siya na sigurado akong kinagulat niya at ang sunod kong naramdaman niyakap niya rin ako pabalik dun ako umiyak ng umiyak.
End of Prolugue
Vote and Comment
🥀 Veron So 🥀
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomanceNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...