- VON -
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Cyrus, hindi ko maintindihan pero malungkot siya sa pakiramdam. Hindi ko naman tinatanggi na may gusto ako sa kanya pero wala akong lakas ng loob na sabihin, natatakot kase ako na pag inamin ko sa kanya at nalaman niyang bakla ako baka layuan niya narin ako.
Tumayo na ko at lumabas ng kwarto naabutan ko naman sila Lolo at Lola na nag aalmusal na. " Gising kana pala apo tara na sumabay kana samin mag almusal." banggit ni Lolo sakin, umupo naman ako sa katabing upuan niya.
" Tsaka pala apo yung kaibigan mo sinundo siya ng Mommy niya kaninang umaga, ayaw pa nga umalis hanggat hindi kapa nagigising. Gusto niyang mag paalam sayo ng personal sinabi nalang namen na magkikita naman kayu sa school kaya ayun napapayag na naming umuwi." banggit ni Lola.
Natuwa naman ako sa mga narinig ko, akala ko hindi talaga ko naalala ng ungas na yun eh! Haisssstttt ayoko naman bigyan ng malisya yung mga ginagawa niya sakin pero hindi ko maiwasang umasa tsaka may gusto na nga siyang iba diba? BABAE ang gusto niya kaya kailangan kunang tanggapin na hanggang mag kaibigan lang kame.
- SCHOOL -
Naglalakad na ko papunta sa room nang may Abnormal na tumakip sa mata ko. " hulaan mo kung sino ako." pinalaki niya pa talaga yung boses niya para hindi ko siya makilala.
" Hoy Cyrus na abnormal! Alam kong ikaw yan." hula ko naman sa kung sinong nag takip ng mata ko. Tinanggal niya na ang kamay niya medyu malabo pa ang paningin ko. Nung unti unti natong luminaw, bigla kong nakita si Cyrus sa harap ko ang sama ng tingin niya samen. Wait Samin? so sino yung nag takip ng mata ko paglingon ko sa likod ko nagulat ako si Arturo pala.
"Hoy Arturo! Pagtitripan mo nanaman ba ko huh!" galit na sigaw ko dito, classmate ko si Arturo siya yung Leader ng mga nang titrip sakin dati pero nitong mga nakaraan nag iba siya nakonsensya na ata.
"Ganyan ba talaga ko kasama sayo?" tampu tampuhan niyang sabe. " Umalis na yung Boyfriend mo nag selos ata!! " banggit niya uli habang tumatawa. Humarap naman ako para tignan si Cyrus pero wala na siya dun.
"So kayo nga? " banggit ng Alien sa likod ko.
" Ewan ko sayo Unggoy ka." sagot ko sa kanya sabay alis, kung pwede lang bakit hindi eh! Banggit ko sa isip ko, Dumiretso na ko sa room pag upo ko may tumabi sakin yung Alien.
" Hoy Arturo tantanan mo ko huh! Kung mangungulit kalang wag ako." banggit ko dito.
" Mag tatanong lang grabe ka naman. " sagot niya sakin tinignan ko lang siya ng masama kaya nag tanong nalang siya ulit. " May gusto kaba kay Cyrus? ".
Napa ubo ako ng malakas napatingin samin yung mga classmate ko, nagulat naman sila ng makita ako tsaka si Arturo na mag kasama akala nila sila lang nagulat pati rin kaya ako. " Hindi karin obvious eh! " banggit niya sakin.
" Wag kangang tamang hinala. Wala akong gusto kay Cyrus mag kaibigan lang kame wag kang ano dyan. " naiilang na sagot ko sa kanya.
"Kung ganun edi pwede pala kong mag kagusto sayo." seryoso niyang banggit sakin. Napa nga-nga naman ako sa sinabi niya. " wag kang magulat seryoso ako" sabe niya pa.
" Alam mo pag tripan mo nalang ako baka matuwa pa ko sayo. Kung ano ano pinag sasabi mo dyan, nag aalmusal kaba sa inyu? Baka kulang kalang sa pag kain. Gusto mo agawin mo nalang yung pera ko ay wag na pala ibibigay ko nalang sayo para makakain kana at umayos nayang takbo ng utak mo." mahabang banggit ko sa kanya.
"Tingin mo talaga nagloloko ako? " seryoso niya paring banggit. Maya maya tumayo siya tapos pumunta siya sa pinaka harapan, inagaw niya ang atensyon nang lahat.
" Lahat kayo makinig sakin " Tumingin naman lahat sa kanya. " Simula ngayung araw na to wala nang pwedeng manggulo sa syota ko, subukan nyu lang siyang galawin bugbog ang aabutin nyu saken." banggit niya sa lahat.
Ako syota niya? Malakas na talaga tama ng Unggoy na to? Lumapit naman siya sakin sinundan siya ng tingin ng mga classmate namin. " Walang pwedeng lumapit sa kanya nang hindi nag papaalam sakin." banggit niya umupo naman siya sa tabi ko sabay akbay sakin. Nang asar naman yung mga tropa niya tapos yung mga classmate naming babae ang sama ng tingin sakin.
Kahit gwapo pa tong unggoy na to wala akong gusto sa kanya kay Cyrus lang. Inalis ko naman yung kamay niya na naka akbay sakin pero ang unggoy binalik niya tapos bumulong sakin. " wag kanang maarte babe pag ako nang gigil sayo hahalikan kita." banggit niya.
Natakot naman ako kaya tumahimik nalang ako, ano bang klaseng pang ti-trip to Arturo bakit ako pa!! Haisssttt badtrip naman. Sana hindi naman galit sakin si Cyrus.
Nag papa salamat naman ako na hindi niya ko ginulo habang may klase, ngayun breaktime nandito na ko sa canteen kasama si Cyrus buti hindi ako sinundan ni Arturo the Alien.
"Bat tahimik ka? Iniisip mo ba yung Boyfriend mo? " seryosong banggit ni Cyrus.
"Nag a-adik kanarin ba Cyrus? Ano bang sinasabi mo dyan hindi ako bakla." asar na sagot ko sa kanya.
"ok. Sabe mo eh! " walang gana niyang sagot.
"Hoy may kasalanan ka sakin! " banggit ko sa kanya pero parang wala siyang narinig mukang tinutopak nanaman siya, wala naman akong ginagawang masama sa kanya. " Hoy problema mo? " banggit ko ulit sa kanya.
"May nakita kase akong malanding bakla kanina na bwiset lang ako, ang landi landi." galit niyang sagot sakin, natahimik naman ako parang naapektuhan ako pero hindi naman siguro ako yung tinutukoy niya kase ang alam niya lalaki rin ako.
"Hayaan mo nayun hindi ka naman niya ginugulo siguro." mahinahon kong sagot sa kanya.
"Anong hindi!! " tumayo siya halatang galit na siya " kanina niya pa ginugulo yung utak ko! " sagot niya sakin.
Bigla namang sumulpot sa kung saan si Arturo at umeksena nanaman. " Von babe! " banggit niya " kita tayo sa room mamaya huh! " sabay kindat natulala naman ako sa kanya adik talaga.
"SINUNGALING" Galit na banggit ni Cyrus sabay walkout. Problema nun? Ka stress naman tong araw nato.
End of Chapter - 3
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomanceNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...