- VON -
Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ulit ang pinto ng elevator at lumabas si Cyrus sa loob nito. Masama ang mga titig nito saakin at ramdam ko yung tensyon sa muka niya. Yung parang gusto niyang sabihin sakin na sana hindi nalang ako nag pakita sa ka niya na mali na mag kita pa kami ulit.
"Bakit ka nandito Von? " malamig na banggit nito saakin.
Hindi ako makapaniwalang maririnig ko ulit yung boses niya, yung matitigan ko siya ulit ng ganito kalapit sakin.
"Bakit bumalik kapa!" banggit ulit nito saakin. Pero halata sa muka niyang nag pipigil lang siya ng galit. Hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit hindi ko magawang sumagot sa kanya.
Nagulat nalang ako ng hilahin nito ang braso ko at hawakan ako ng mahigpit pero imbis na masaktan ako parang may naramdam akong kakaiba. Yung pakiramdam na mahawakan ka ulit ng taong mahal mo may kuryente yun sa puso ko.
"Bakit hindi ka maka sagot huh! Nagsisi kanaba huh! Nagsisi kanaba!" galit na galit na banggit nito sakin.
Hindi ko naman napigilang mapaluha dahil sa nakikita ko sa harapan ko. Grabe! Ganun naba kasama ang tingin niya sakin. Ganun naba kasama yung nagawa ko sa kanya para maging ganito siya.
"Wag kang umiyak! Wag kang mag drama dito. Wag kang umarte na nasasaktan ka! Diba malandi ka! Diba pinag palit mo ko sa iba na pinag palit karin sa iba! Diba manloloko ka, mang gagamit ka. Siguro minalas kana sa buhay, siguro wala nang nag mamahal sayo! Siguro na karma kana! MANLOLOKO KA! Dapat hindi kana bumalik sana tuluyan kanang nawala dahil WALA KA NAMANG KWENTANG TAO. " galit na galit na banggit nito sakin.
Kagaya kanina ay wala rin akong naging sagot sa mga pinag sasabi niya sakin at napayuko nalang ako sa sobrang hiyang nararamdaman ko dahil sa mga kasalanan ko sa kanya basta ang alam ko lang nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil ganito na kababa yung tingin niya sakin. Na sa kanya pa mismo nang galing na sana nawala na ko. Ang sakit sakit lang na dahil saakin ganito na si Cyrus.
Naramdaman ko nalang na unti unti nang lumuluwag ang pagkaka hawak nito saakin mga kamay. Tapos pag angat ko ng aking muka wala na si Cyrus sa harap ko, tumakbo naman ako palabas para hanapin siya hanggang maka abot ako sa isang kalsada nakita ko si Cyrus na patawid sa kabilang kalsada at nagulat nalang ako nang may mabilis na sasakyan na bubunggo sa kanya.
"CYRUSSSSSSSSSSSSS."
--------------------------------
"Hoyyyyy Von gising!!!" nag aalalang banggit ng hindi ko kilalang tao.
Pag mulat ko naman ng mata ko nagulat ako na si Arturo ang nasa harap ko at nasa ibang lugar ako.
"Nanaginip ka Von. Ano bang nangyayari sayo? " nag aalalang banggit nito sakin.
"Teka lang Arturo nasan ba ko? Ano bang ginagawa ko dito? Si Cyrus nasan siya?. " nag aalalang tanong ko dito.
Parang nagulat naman ito sa mga pinag sasabi ko sa kanya.
"Nandito lang naman tayo sa Hospital. Dahil may tumawag sa phone ko na nahimatay ka daw kanina sa tapat ng elevator sa Condo mo. Ano bang nangyayari sayo Von, wag mo namang pabayaan ang sarili mo tsaka bat mo hinahanap si Cyrus eh! Wala naman siya dito." medyo asar na banggit nito saakin.
"Nagkita kami ni Cyrus!! " banggit ko dito.
Pero napapikit naman ito na parang hindi naniniwala sakin. " Von, walang Cyrus! Dinala ka dito sa Hospital na mag isa kalang. Yung Sinasabi mo na nagkita kayo ni Cyrus baka sa panaginip mo lang yun. " sagot nito saakin.
"Seryoso ako Arturo nagkita kami kanina tapos kausap ko siya tapos tumakbo siya tapos nabunggo siya ng sasakyan." sunod sunod na lumuluhang banggit ko dito.
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomantizmNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...