Chapter - 15

11.6K 355 26
                                    

- VON -

Nandito na kami ngayun sa kwarto ko at pag uusapan na namin ang tungkol sa gulong nangyari saming dalawa. Kung pano nag umpisa at kung pano nangyari ang mga bagay bagay at sa tingin ko naman dapat lang bigyan ng second chance ang love story namin. Kaya dapat pag usapan namin to, para masagot na yung mga tanong ko at maayos pa namin yung relasyon namin.

"So bakit nga nangyari satin to Cyrus?" malungkot na tanong ko sa kanya. Lumapit naman siya sakin at niyakap ako parang nagulat siya sa malungkot na reaksyon ko.

"Akala ko ba ok. na tayo, bat malungkot ka parin?. Smile ka muna mahal ko." nag aalalang banggit niya sakin.

Ngumiti naman ako para mawala nayung tensyong nararamdaman niya at niyakap ko rin siya pabalik. " Nalulungkot lang ako kase sobrang mahal kita. " sagot ko naman sa kanya.
Pero parang nagulat siya sa sinabi ko kaya agad ko itong dinugtungan. " I mean, nalulungkot ako kase hindi ko kayang mawala ka kase mahal na mahal kita Cyrus. " natatarantang sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sakin at bago nag salita, hinalikan nya ko saking mga labi at syempre gumanti ako, as in iba yung pakiramdam ko ngayun talagang napahawak pa siya sa bewang ko at ako naman napakapit sa kanyang mga braso.

"Hindi halatang na miss mo ko Mahal, sobrang diin mong humalik hahaha . " pang aasar nito sakin.

Dahil sa sinabi niya namula ko ng sobra at dahil feeling ko napa hiya ako sa kanya, umatras ako palayo sa kanya at tinalikuran siya. Kunyari nag tatampo ako. Lumapit naman ito kaagad saakin at nag paawa face pa. Ang nakaka asar lang talaga dito wala akong magawa kase sobrang GWAPO niya kaya imbis na maasar ako, kinikilig pa tuloy ako.

"ui kinikilig siya" pang aasar pa ulit nito.

"umuwi kana nga." galit galitan kong banggit sa kanya.

Nagulat naman siya sa sinabi ko kaya biglang lumungkot yung muka niya, tapos tinignan niya ko kung seryoso talaga ko. Kaya hindi ako nag patinag hindi ko talaga siya tinitignan, tapos nagulat nalang ako ng kinuha nya yung bag niya tapos aktong lalabas ng kwarto. Kaya agad agad akong tumakbo para harangan yung pinto tapos parang nagulat naman siya sa ginawa ko.

"akala ko ba pinapa alis muna ko. " malungkot nitong banggit sakin.

"ikaw naman kase ehhh!! Pinansin mo pa yung pag halik ko sayo ehhh!! Alam mo namang sobrang na miss kita tapos ganun pa sasabihin mo feeling ko tuloy iniisip mo na ako lang yung may gusto na mag kiss tayo tapos tatawan mo pa ko. " tuloy tuloy kong banggit sa kanya napatigil lang ako ng siilin niya ulit ako ng halik.

"Grabe ka Cyrus huh! Nakaka rami kana ngayung araw na to. " asar na banggit ko dito.

"Ang lakas kase ng boses mo, baka marinig ka nila Lolo at Lola. " banggit nito sakin.

"Pwede mo namang takpan yung bibig ko huh! " sagot ko dito.

"Tinakpan ko naman ng labi ko diba " tapos tinaas taas niya pa kilay niya habang sinasabi yun.

"haysssss pilosopo ka talaga" asar na banggit ko dito.

Pagkatapos pa ng onting asaran, artihan, lambingan na parang landian nadin balik kame sa seryosong usapan.
"Sorry Mahal sa mga nagawa ko. Ang tanga tanga ko dahil nasaktan kita, akala ko kase yun yung tamang gawin para maligtas kita. Kaya hinayaan ko yung sarili kong maging sakripisyo para lang hindi ka masaktan." malungkot na banggit ni Cyrus.

"Si Ariana ba? Siya ba ang dahilan kung bakit nangyari to? " tanong ko sa kanya, tumango tango naman siya bilang sagot sa tanong ko.

"Tinakot kaba niya na sasaktan niya ko? " nag tatakang tanong ko kay Cyrus.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon