Chapter - 36

6.6K 338 61
                                    

- CYRUS -

It's been 2 weeks since nung pinadala ko dito ni Mommy sa Dubai para pag aralan kung pano patakbuhin ang negosyo namin, nung una sobrang tutol ako sa planong ito ni Mommy feeling ko masyado pa kong bata para i-training dito and still college student padin ako gusto niya kasi habang bata palang daw ako alam kuna yung pasikot sikot sa negosyo namin, gusto niya rin na may mapatunayan ako kay Von para daw pag dumating yung tamang panahon para saming dalawa hindi daw pag sisihan ni Von na ako ang pinili niya kaya napapayag na niya ko.

Pero si Von ayoko siyang iwan mag isa dun. Ayoko yung feeling na magkaka layo kami, syempre hindi ko siya mababantayan. Tiwala naman ako kay Von na hindi yun mag hahanap ng ibang lalaki tsk. sa gwapo kong to sinong mag iisip na ipag palit ako sa iba. Hahaha de joke lang.

Kasi naman bago ko umalis nung hinatid nila ko ni Mommy sa airport nagka sakit pa siya. Bigla bigla nalang sumakit ang ulo nito nang sobra sobra, halos mamilipit ito sa sakit pero halatang tinitiis niya lang yung sakit para wag akong mag alala at para ituloy ko padin ang pag alis.

Flashback.

"Hindi na ko aalis." Seryosong banggit ko sa dalawa habang yakap yakap ko si Von. Wala kong paki alam sa mga naka tingin samin ni Von, yung iba halatang nanghuhusga yung iba naman parang naiingit at meron din namang onting humahanga. Pake ba nila kahit kelan hinding hindi ko ikaka hiya ang relasyon namin at mas lalong hindi ko ikakahiya ang taong mahal ko.

Tinanggal naman nito ang pagkakayakap sakin at inilayo ang sarili bago nag salita. " ano kaba Mahal, ok. lang ako sobrang pagod to dami kasing ginagawa sa school." Naka ngiting banggit nito.

"Sa tingin mo aalis padin ako dahil sinabi mo na ok. kalang? Sa tingin mo kaya kong umalis na ganyan ang kalagayan mo." Asar na banggit ko dito.

" Cyrus! " seryosong tawag nito sakin. " makinig ka nga sakin! ok. nga lang ako." Nakukulitang sagot nito sakin.

"Nope!" Matigas na sagot ko dito. " nakapag desisyon na ko, ayokong umalis na ganyan ka! Mag aalala lang din ako dun gusto mo bang bumalik lang din ako kaagad dito. Gusto mo bang mabaliw ako dun kakaisip kung ok. ka lang. Di bali ng mag hirap ako, di bali nang wag akong mag mana nung kung ano ano. Basta importante alam kong ok. kalang gets mo ba yun hub!" Naasar at naluluhang banggit ko dito.

Alam mo ba yung pakiramdam na hindi mo mapigilang maluha kasi aalis ka tapos yung taong iiwan mo yunh taong mahal mo parang hindi ok. Tsk. pano pa ko aalis kung hindi din naman panatag yung loob ko sa kalagayan ni Von.

Natahimik naman ito at bigla akong niyakap ng mahigpit. "I Love You Cyrus at alam mo ang dahilan kung bakit Mahal na mahal kita. " lumuluhang banggit nito." Please Cyrus sundin mo muna ang Mommy mo, makaka buti satin pareho yun. Wag kang mag alala sakin ok. Lang ako magiging ok. din ako." Banggit pa nito sakin.

Ohhh! Tignan mo pano pa ko aalis kung umiiyak siya sa harap ko. Alam nya naman na mahina ako pag nakikita ko siyang umiiyak ehh! Parang dinudurog yung puso ko. Napatingin naman ako sa Mommy ko at kita kong naluluha din ito. Nakaka gulat isipin na yung sobrang higpit kong nanay napalambot ni Von ang puso.

"I think Von is right anak and besides nandito naman kami para alagaan siya kaya wag kanang mag alala." Banggit naman ni Mommy.

Haisstttt kaya kahit mabigat sa loob ko ang pag alis ko tinuloy ko nadin.

"Ok. Sige aalis na ko. Pero Von please mag pa check up ka sa Doctor huh! Dapat pag balik ko ok. kana. Dapat laging open yung phone mo kasi oras-oras akong tatawag kahit may klase ka sasagot ka huh! " mabigat sa damdaming banggit ko dito.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon