Chapter - 30

8.7K 278 46
                                    

- VON -

" Galit ka parin ba? " malambing na tanong sakin ni Cyrus.Pero hindi ko siya sinagot, hinila ko naman siya sa tapat ng unit niya at kinuha sa bulsa niya ang susi nito tsaka binuksan. " Matulog kana, bukas na tayo mag usap. " banggit ko dito. Kinamot naman nito ang ulo niya na halatang naasar na at lumapit sa pinto para isara ulit ito. Nagulat nalang ako ng hilahin ako nito papunta sa Elevator.

" Anong ginagawa mo Cyrus? Lasing kana! Gabi na! ano bang ginagawa mo!" asar na banggit ko ulit dito.

Hindi parin ito nag sasalita at masamang tinitigan lang ako, natakot naman ako sa paraan niya ng pagtitig kaya natahimik nalang ako. Pagbukas nang elevator agad niya kong hinala papasok pero dahan dahan na niyang binitawan yung kamay ko. Hindi parin siya tumitingin sakin pero kita sa muka niya na sobrang seryoso siya, kaya nanatili lang din akong tahimik. Pagbukas ulit ng elevator hinawakan niya ulit ako sa kamay at hinila palabas sakto namang may padating na taxi kaya agad niyang pinara ito.

"Cyrus ano ba!" galit kong banggit dito.

"Pwede bang tumahimik ka muna! " seryosong sagot nito sakin.

" Pano ko tatahimik! kung agjdgsjkdjfbejbdkjcbsjgxq " sagot ko dito nang bigla ba naman akong halikan.Natulala tuloy ako at napatakip ng kamay sa bibig ko, pakiramdam ko nag init yung muka ko.

"Tatahimik kadin pala eh!!" seryoso paring banggit nito sakin tsaka ako hinila papasok sa loob ng taxi.

Kagaya kanina tahimik parin ito at hindi niya parin ako tinitignan, seryoso itong nakatingin sa labas ng bintana at mukang may malalim na iniisip. Kaya hinayaan ko nalang ito sa kung anong gusto nitong gawin, inihiga ko ang ulo ko sa likod ng upuan at pumikit medyo napagod ako sa mga nangyari sa buong araw nato hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng maramdaman kong huminto na ang taxi, pag mulat ko ng mga mata ko nagulat ako naka unan na pala sa hita ni Cyrus ang aking ulo." Ayokong nahihirapan ka kaya nilipat kita ng higa! Ganyan kaba ka manhid hindi mo manlang naramdam na nilipat kita ng pwesto! " seryoso parin niyang banggit sabay baba niya ng taxi.

Tignan mo tong taong to ang sungit sungit! Concern pa siya sa lagay nayan huh! kaka bwiset! sumunod narin ako dito. " Talaga bang ayaw mo kong nahihirapan? eh! bakit mo to ginagawa? " asar na sagot ko sa kanya.

" Masama bang matakot ako na mawala ka ulit sakin? masama bang Mahalin kita ulit? Masyado nabang mahirap sayo na mahalin ako?. " malungkot na sagot nito sakin nadudurog ang puso ko sa mga sinasabi nito ngayun saakin, nag umpisa naman na tong maglakad papunta sa isa sa mga lugar na kahit kelan hindi ko makakalimutan yung simbahan na pinuntahan namin dati pagkatapos ng birthday ko.

Pag pasok ko nandun na siya sa may unahang upuan na naka upo at mukang inaantay ako kaya agad naman akong lumapit at umupo sa tabi nito. Seryoso padin ito at hindi parin ako kinakausap, lumuhod naman ako at inumpisahan ng mag dasal.

" Kung dati po siya ang nag dasal ngayun naman po ako naman, Ipinapakilala ko po sa inyo ang buhay ko ang lalaking gusto ko sanang makasama habang buhay!, pero pano naman po mangyayari yun eh! hindi naman po ako ang ideal partner na pwede para sa kanya haiisttt. Gusto ko po sanang tanggalin nyu po yung takot niyang mawala ako hindi po mangyayari yun, gusto kong malaman niya na sobrang masaya kong malaman na Mahal niya parin ako at walang masama dun at higit sa lahat wag nyu po sanang isipin na nahihirapan akong mahalin siya, totoo po na sobrang mahirap yung mga pinag daanan namin pero kahit isang beses po hindi ko naisip na hindi ko siya mahal! Kahit sa lumipas na apat na taon wala pong nagbago sa nararamdaman ko siya parin po yung laman ng puso ko! " hindi ko napigilan ang mga luha ko. Naramdaman ko nalang na may malambot na telang pinupunas sa muka ko.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon