Chapter - 28

9.9K 318 36
                                    


- Cyrus -

Nagising ako sa liwanag na dala ng sikat ng araw na nag mumula sa bintana ng aking unit, kagabi ang pinaka masayang gabi ng buhay ko. Hindi ko mapigilang mapa ngiti sa tuwing naiisip ko kung gano ka inosente ang taong mahal na mahal ko bonus pa yung malaman ko na ako talaga ang naka una sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na ok. na ulit ang lahat yung ang gaan gaan na ng pakiramdam mo yung alam mong buo kana ulit.

Pag bangon ko wala na sa tabi ko si Von, kinabahan ako na wala na siya sa tabi ko mamaya hindi niya gusto yung nangyari samin o baka pinapaasa niya lang ako ulit nakaramdam ako ng lungkot dahil dun. Agad agad akong tumayo at dali daling lumabas ng kwarto ko para silipin at puntahan kung nasan man siya tanging boxer short lang ang suot ko na hindi kuna maala kung pano ko nasuot kaka madali. Pag labas ko ng kwarto ay tumatakbo akong pumunta ng pinto para puntahan siya sa unit niya pero bago ko pa man mabuksan yung pinto nakarinig ako ng tugtog sa kusina, lumapit naman ako dito para silipin kung sino ang tao doon.

Napa ngiti naman ako ng makita kong siya ang nasa kusina, naka talikod ito saakin at abalang nagluluto ng pagkain. Hindi ako maka paniwala na ito na ulit yun na totoo na ang lahat na hindi na to isang panaginip. Pinag mamasdan ko naman siya habang sumasayaw siya habang nagluluto suot suot niya ang polo kong puti at tanging brief lang ang suot niyang pambaba napaka sexy at napaka ganda nitong pagmasdan. Lumapit naman ako dito at niyakap ko ito ng mahigpit sabay halik sa leeg nito.

"Ang bango naman ng niluluto ng Mahal ko." paglalambing ko dito.

Humarap naman to sakin at inalis yung kamay ko, napasimangot tuloy ako at naglakad palabas ng kusina. Nagulat nalang ako ng hawakan ako nito sa kamay.

"Bat naka simangot ka ang aga-aga.? " tanong nito sakin.

"Akala ko ba ok. na tayo? " naka simangot ko paring sagot dito.

"Ok. naman na talaga tayo ahh!" naka ngiting sagot nito sakin.

"Eh! bat pakiramdam ko naiilang kaparin sakin.!!" sagot ko dito.

"Hindi no amoy pawis po kase ako ayaw kong maamoy mo kong mabaho mamaya hiwalayan mo pa ko! Gusto mo bang mabaliw ako ulit? tsaka ano-a-a-ano kasi nakahubad ka ng damit " kinakabahan at nabubulol na banggit nito saakin.

Natatawang lumapit naman ako dito at yumakap ulit. " Bakit naiilang ka sa katawan ko? eh! diba mga bata palang tayo nakikita muna to at Kahit mahabo kapa! Hindi kita hihiwalayan pwede naman kitang paliguan ahhh!! " nang aakit na banggit ko dito bigla naman itong kumalas sa pagkakayap ko at sumigaw.

" Cyrusss!!! " sigaw nito sakin.

" ohhh!! bakit totoo naman ahhh! gusto mo sabay pa tayo maligo mamaya! ehh!" sagot ko dito habang tinataas taas ko pa ang kilay ko.

" Ewan ko sayo! ang aga-aga napaka L mo. " banggit nito sakin at bumalik na ulit ito sa kusina napansin ko naman na parang hirap itong maglakad siguro dahil sa nangyari kagabi hindi ko naman mapigilang mapa hagikgik dahil sa ala-alang yun naramdam ko nalang na nagagalit nanaman si junjun. PATAY TAYO DYAN!.

" Cyrus tara na dito kumain na tayo " pagtawag nito sakin.

Lumapit naman ako doon at tinakpan ang aking junjun nakakahiya naman kay Von baka isipin nya sobrang malibog ako eh! dahil naman sa kanya yun!.

"Anong ginagawa mo Cyrus? muka kang tanga." Pang aasar nito sakin.

" Nag iingat lang ako mahal muka kaseng gustong kumagat nang alaga ko. " banggit ko dito habang paupo sa katabing upuuan nito. Natahimik naman ito dahil sa sinabi ko at ng tignan ko ito sobrang namumula ang muka nito. Natawa nalang ako dahil dito.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon