FINAL CHAPTER

10.7K 458 161
                                    

" Pinanghahawakan ko parin yung sinabi niya na Mahal niya ko at sapat ng dahilan yun para umasa kong babalik pa siya at kung sakaling wala padin siya handa padin akong mag hintay kahit habang buhay pa .
" - Cyrus

- CYRUS -

Alam mo kung anong masakit, yun yung pakiramdam na para kang inutil na para kang walang silbi. Ginagawa ko naman lahat para sa kanya, ginagawa ko yun dahil mahal na mahal ko siya. Pero bakit pakiramdam ko hindi niya ko kailangan! Ang sakit lang na parang hindi niya nakikitang nag eefort ako ng sobra para sa kanya!

Wala naman akong ibang hinihinging kapalit sa ginagawa kong pag aalaga sa kanya ehh! Ang gusto ko lang gumaling siya, gusto ko lang bumalik na kami sa dati. Araw araw kong nakikita kung pano siya pinapahirapan ng sakit niya at araw araw din akong nasasaktan sa tuwing nakikita siyang nahihirapan.

Ang sakit sakit na makita yung taong mahal mo na nahihirapan ng sobra, na parang gusto na niyang sumuko. Sabihin na nating selfish ako pero wala akong planong isuko si Von kay kamatayan. Hindi ko nga maintindihan ehh! Part ba talaga ng Love ang masaktan? Diba pag binigyan mo ng definition ang love ang unang papasok sa isip mo masaya at nakaka kilig.

Haissttt bakit yung samin hindi! bakit lagi nalang sinusubukan yung relasyon namin bakit lagi nalang napaka komplikado ng mga nangyayari saming dalawa! Hindi paba sapat na mahal namin ang isat-isa. Bakit siya pa! Bakit hindi nalang ako! Lagi kong naiisip na sana ako nalang yung nagka sakit para sana hindi na siya nahihirapan tutal ganun din naman ehh! Nasasaktan din naman ako pag nakikita ko siyang nasasaktan!

"Anak naka uwi kana pala? Kamusta si Von? " gulat na tanong ni Mommy sakin. Mas lalo pa tong nagulat nang makita ang itsura ko at ang dumudugo kong kamao tinawag naman nito ang katulong para kumuha nang pang gamot sa sugat ko.

Lumapit naman ito saakin at tumabi sakin "Cyrus! What happen? Nag away ba kayo ni Von." Nag aalalang tanong ni Mommy sakin.

"Bakit ganun Ma? Mahal na mahal ko siya pero bakit parang wala siyang tiwala sakin, bakit parang kulang pa yung binibigay ko." Malungkot na banggit ko dito.

Napa buntong hininga naman ito bago nag salita. " pinag duduhan mo ba ang pag mamahal sayo ni Von?. Diba matagal na niyang napa tunayan sayo yan. Bakit napapagod kanaba?" Seryosong banggit nito sakin.

" Ma! Kahit kailan hindi ako napagod lalong lalo na kung para kay Von. Nasasaktan lang ako dahil pakiramdam ko hindi na niya ko kailangan. " galit na sagot ko dito.

" Yun naman pala ehh! Now tell me ano ba talagang nangyari? " banggit nito sakin.

"Sumusuko na siya Ma! Gusto niyang makipag hiwalay na ko sa kanya! " Umiiyak na banggit ko dito.

Nagulat naman ito sa sinabi ko at agad na niyakap ako. " Try to understand him Cyrus, mahirap ang pinag dadaan ni Von. Kaya niya siguro nasasabi sayo yun dahil natatakot siya na pag nawala na siya hindi mo kayanin. Ganun ka niya ka mahal anak isipin mo yun hanggang sa huli ikaw parin ang iniisip niya. " umiiyak naring banggit ni Mommy sakin.

Mas lalo naman akong umiyak dahil sa sinabi nito. Bakit ba ko nag wala! Bakit ba iniwan ko siya dun! Hindi nanaman ako nag isip! Mas inuna ko nanamam yung galit ko kesa intindihin yung ibig sabihin niya. Di sana pinaramdam ko nalang sa kanya na walang dahilan para iwan ko siya. Haisstt.

"Alam mo anak, nag papa salamat ako na nabigyan ako nang pagkakataon na mas makilala pa si Von. Alam mo bang sa kanya ko natutunan na kapag ang isang tao ay handang isakripisyo ang lahat para sa taong mahal niya. Yun ang totoong pagmamahal. Kaya kung ako sayo anak wag kang susuko! Dahil hindi kana makaka hanap ng isa pang Von sa buong buhay mo." Umiiyak na banggit nito sakin.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon