Chapter - 12

11.5K 398 23
                                    

- VON -

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman , masyado akong nililito ng pagkakataon at iniiba nito ang emosyong nararamdaman ko. Diba dapat galit ako, diba sobra akong nasasaktan sa mga ginawa niya, pero bakit ganun heto ako ngayun at gumaganti pa sa halik niya.

Bumitaw na siya sa pag halik sakin at nag ka titigan kami, kitang kita ko sa mga mata niya na mahal niya talaga ko at hindi siya nag sisinungaling. Gusto kong maniwala pero may kung anong pumipigil sakin, iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nag lakad pabalik sa swing at umupo ulit.

Ayokong isipin niya na naaapektuhan parin ako sa mga pag papaawa niya ayokong makita niya na mahina ako. Hindi parin kase ako naniniwala sa mga sinasabi niya at hindi ko padin alam kung anong dapat kong gawin.

Sumunod naman siya sakin at umupo sa kabilang swing. "Hindi ka parin naniniwala sakin no? " malungkot na banggit nito sakin.

"Hindi mo ko masisisi Cyrus, Niloko mo ko at sinaktan. " galit na sagot ko sa kanya.

"Kahit ilang beses ko pang sabihin sayo to Von, hindi kita niloko at kung nasaktan kita mas triple yung sakit na nararamdaman ko. " malungkot paring sagot niya.

"Alam mo Cyrus, pinapa gulo mo lang yung sitwasyon. Sabihin muna kase sakin kung gusto mo na kong hiwalayan tatanggapin ko kahit masakit , kesa naman nag gagaguhan pa tayo dito. " galit ko paring sagot sa kanya.

"Bakit ba ganyan ka mag isip Von, diba nga gusto kong intindihin mo yung sitwasyon. Bakit ba ganyan kadali sayong bumitaw, ikaw lang ba ang nasasaktan. Ikaw lang ba ang nahihirapan?. " galit na rin niyang banggit sakin.

"Ikaw ang unang bumitaw Cyrus tandaan mo yan! Ikaw ang nag bigay ng dahilan para maramdaman ko to. Tsaka pano ko iintindihin ang isang sitwasyong hindi ko naman alam, sige nga ipaliwanag mo nga sakin. " sagot ko sa kanya.

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo ang dahilan Von. " Seryoso niyang sagot sakin.

"Tignan mo pano ko maniniwala sayo, gayung wala kang dahilan na maibigay sakin. Sige nga pano mo maipapaliwanag sakin yung halikan ninyo ni Ariana, wag munang subukan mag sinungaling dahil kitang kita yun ng mga mata ko. " galit at naluluhang sagot ko sa kanya.

Nanlaki naman yung mga mata niya sa gulat dahil sa sinabi ko. " Na-nandun ka, pe-pero bakit? " nauutal niyang banggit sakin pero hindi kuna siya pinatapos.

"pero bakit hindi ako nag pakita? Sa tingin mo ba kung nag pakita ako malalaman ko yung panloloko mo sakin. " sagot ko sa kanya.

"hindi Von, para sana nalaman mo yung totoo." sagot niya sakin.

"at anong totoo Cyrus? Na niloloko mo lang ako na kaya wala kanang oras sakin ay hindi dahil sa basketball kundi may kinababaliwan kanang iba." galit na sagot ko sa kanya.

"Kung nag pakita kalang sana agad hindi na sana nangyari yun, at kung nakita mo yun alam mong si Ariana ang humalik sakin at hindi ako. Hindi ko ginusto yun Von. " sagot niya sakin.

"so Kasalanan ko pa Cyrus? Kasalanan ko pa na hinalikan ka niya ganun? " galit kong sagot sa kanya.

"Hindi sa ganun, pero dapat nung hapon nayun sasabihin kuna sayo na umalis nako sa basketball team, na sinuko ko nayun dahil mas mahalaga ka sakin. Na wala akong paki alam kahit mawala payun sakin na hindi na ko papayag na isipin mong pangalawa kalang sakin dahil hindi totoo yun dahil kung meron mang una para sakin ikaw yun Von IKAW LANG ." Seryoso niyang banggit sakin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, hindi ko maisip na nagawa niya yun. Matagal na niyang pinaghirapan mapasali sa team nayun kaya hindi ko lubos maiisip na sinukuan niya yun.
"Pero diba pangarap mo yun? Bakit? " nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi paba malinaw sayo, ikaw lang ang pangarap ko Von. Kaya kong mawala ang lahat para sayo pero parang hindi yun yung nararamdaman mo. " malungkot niyang sagot sakin.

Nailang naman ako sa sagot niya, kung alam mo lang kung gano kita ka mahal Cyrus , kung gano ko ka gusto na bumalik na ang normal sating dalawa pero kagaya ngayun kailangan ko parin ng sagot.

"Hindi magiging malinaw ang lahat Cyrus kung hindi mo sasabihin sakin ang dahilan kung bakit nag kaka ganyan ka." malungkot na banggit ko sa kanya.

"Hindi pa talaga sa ngayun Von, yan lang yung hinihiling ko sayo na sana maintindihan mo. Sa tamang panahon sasabihin ko sayo ang dahilan kaya please sa ngayun wag ka munang sumuko. " pagmama kaawa niya sakin.

"Wala akong mai-papangako sayo Cyrus pagkatapos ng mga nangyari hindi kuna alam. " yun lang ang nasagot ko sa kanya at iniwan kuna siya dun na umiiyak. Umuwi naman na ko sa bahay at nag dahilan nalang sa teacher namin na masama ang pakiramdam ko.

------------------------------
Pag uwi ko sa bahay ay wala akong ganang pumasok sa kwarto ko, diretso higa ako sa kama at doon umiyak ng umiyak.

Mahal ko pa naman talaga si Cyrus eh! Naniniwala rin naman ako sa sinasabi niya na mahal niya rin ako. Gusto ko na ngang sabihin sa kanya na sige ayus lang sakin na mag landian kayo, mag halikan kayo ni Ariana sa harap ko basta ipangako mo lang na wag mo kong iiwan.

Kaso ayokong mag mukang tanga sa harap nila, ayokong mag panggap na hindi ako nasasaktan sa mga ginagawa nila. Kahit naman siguro gay ako deserve ko paring mahalin ako at irespeto.

Nasa ganun akong pag iisip ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, naramdaman ko nalang na may umupo sa kama ko.

"Apo ano kaba lagi kana lang ganyan, ano bang nangyayari sayo. " banggit ni Lola.

Bumangon naman ako at hinarap si Lola. "Wala po to La, pagod lang po talaga ko ngayun madami po kase kaming ginagawa ngayun sa school eh. " pag dadahilan ko sa kanya.

" Naku apo, sakin kapaba mag sisikreto. Pero kung handa kanang mag kwento sakin, lagi lang akong nandito kame ng Lolo mo wag kang mahiyang mag kwento huh apo. " banggit sakin ni Lola.

Tumango naman ako bilang pagsagot sa kanya, niyakap niya naman ako ng mahigpit. "Ang laki muna apo, marami na kong hindi alam sa mga nangyayari sayo lalo na siguro pag naka alis kana sobrang mami-miss kanamin ng Lolo mo." banggit nito na ikinagulat ko.

"Ako po aalis? San po ko pupunta? " kabadong tanong ko dito.

End of Chapter - 12
VOTE AND COMMENT
Follow @VeronSo

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon