Chapter - 19

10K 355 34
                                    

(A/N): sorry sa matagal na UD, busy lang po sa school. Sana po maintindihan nyo. Sobrang thank you din sa lahat ng nag comment at nag message sa wall ko. Hindi ko naiisip na aabot ako sa chapter nato at dahil po yun sa suporta nyu salamat po.

--- G A M E ✌

- VON -

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. Tumayo na ko at diretsong nag tungo sa banyo, tinignan kong mabuti ang aking sarili sa harap ng salamin at hindi ko mapigilang maiyak sa mga ala alang paulit ulit na bumabalik sakin.

Alam kong nasaktan ko si Cyrus at hindi ko tinatanggi yun, alam ko na galit kayo sakin kase naging mahina ako at Naging tanga ko, pero sana maisip nyu rin na malaki yung sinakripisyo ko para sa ika bubuti nang lahat. Para sa ikakabuti namin ni Cyrus, nasaktan din naman po ako at alam kong kasalanan ko yun.

Malaki na ang nagbago sa itsura ko, maraming nangyari sakin simula nang umalis ako at iwan si Cyrus. Pero ang puso ko patuloy paring naka kulong sa kanya. Gustuhin ko man siyang makita pero hindi ko magawa, natatakot ako na baka hindi niya pa ko napapa tawad at mas natatakot akong makita siyang may mahal ng iba.

Sa loob ng apat na taon sinubukan ko naman na kalimutan siya pero hindi ko magawa, alam mo yung tuwing susubukan kong gawin na kalimutan siya ang sunod na pumapasok sa isip ko ay patayin ang sarili ko. Pakiramdam ko kase yun nalang yung tanging paraan na meron ako para mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Binabasa na ng bumubuhos na malamig na tubig mula sa shower ang buong katawan ko at kasing lamig na ng tubig na to ang puso ko. Hindi ko na muling binuksan ang puso ko sa kahit na sino, alam kong hindi na ko mahal nung lalaking may ari ng puso ko, pero sakin walang nagbago siya parin yung lalaking mahal na mahal ko.

Inalisan ko narin ng karapatan ang sarili kong mag mahal, sobrang durog na durog na ko. Wala na kong maramdaman sa ibang tao, hindi kuna hinayaang may maka pasok pang iba sa buhay ko. Ayokong dumating yung panahon na pag sobrang mahal kuna sila, bigla nalang silang kukunin at hindi ko manlang magawang ipaglaban sila.

"Kagaya ng nangyari samin." malungkot na banggit ko sa sarili ko.

Pag labas ko ng banyo ay agad akong nag bihis at nag ayos ng sarili at kagaya ng plano ko kahapon mamimili ako ng mga pagkain ko dito sa condo. Pag labas ko ng unit ko ay bigla nalang akong napatingin sa katabing pinto ng unit ko. Hindi ko alam kung bakit pero meron akong nararamdaman na hindi ko mapaliwanag, bigla nalang kumabog kabog yung dibdib ko.

"Haisssssstttt. Ang weird naman. " banggit ko sa sarili ko at tuloy tuloy na kong lumabas.

Nandito na ko sa grocery at nag titingin tingin nang mga kailangan kong stock sa bahay. " Bakit ba kase hindi ako nag lista ng mga kailangan ko yan tuloy nalilito ako." iritableng banggit ko sa sarili ko. Wag po kayong mag alala normal pa naman ako, sadyang nitong mga nakaraang taon ng buhay ko wala akong ibang kausap kundi ang sarili ko.

"Napaka cute mo parin hanggang ngayun." banggit nang lalaki sa likuran ko. Napa lingon naman ako dito at tinitigan itong mabuti, matangkad ito sakin siguro mga nasa 6ft. Ito matangos ang ilong, makapal ang kilay, mestiso, maganda katawan in short gwapo pero hindi ko siya kilala.

"I'm sorry pero kilala ba kita." seryosong sagot ko sa kanya.

Natawa naman to sa sinabi ko sa kanya. Tinaasan ko naman siya ng kilay at iritableng tumalikod sa kanya. Nagulat nalang ako ng takpan nito ang aking mga mata, tapos isang alaala ang bumalik sakin na galing sa nakaraan. Tinanggal naman na neto ang mga kamay niya at humarap na ko sa kanya.

Hindi ako maka paniwala na siya nato, grabe ang laki na nang nagbago sa kanya, ang gwapo gwapo na niya ngayun.

"Hi babe, buti nalang pumunta ko dito hindi ko pa malalaman na naka balik kana pala kung hindi pa kita nakita." naka ngiting banggit nito sakin.

"Arturo." wala sa sariling banggit ko sa kanya. Ngumiti naman ito nang napaka tamis para ikumpirma na tama ako na siya na nga yun.

-------------------

Nandito kami ngayun sa isang kilalang fast food chain ( love ko to) para mag almusal, hindi na ko tumanggi ng yayain ako ni Arturo. Hindi parin naman ako nag aagahan ehh.

"Parang hindi ko manlang nalaman na may nangyari na pala satin at mas lalong hindi ko alam na naging tayo pala." nang aasar na banggit nito sakin.

"oo na alam ko naman na kasalanan ko yung nangyari samin, pasensya na kung nadamay pa kita." sagot ko naman dito.

"kaya pala nung isang beses na mag kita kame kasama ko girlfriend ko nun, mga 2nd year high school at kame nun sa isang mall. Bigla nalang ako nitong sinapak at galit na galit to sakin. Yun pala.. " banggit nito sakin.

" Yun pala dahil sakin, sorry huh! May nangyari palang ganun na hindi ko manlang nalaman dahil pa sakin nasaktan ka niya." malungkot na banggit ko sa kanya.

"hindi Von, ako dapat ang mag sorry kase wala ako nung mga panahong sobrang nasasaktan ka! Tapos iniwan pa kita sa ere nung mga panahon na kailangan mo ng kadamay. Alam muna broken hearted din ako nung mga panahon na yun.

"Naku Arturo wala nayun, masyado pa tayong bata nung mga panahon nayun hindi pa natin naiisip kung tama ba o mali yung mga ginagawa natin." pilit na ngiting banggit ko sa kanya.

"Von ramdam kong hindi kapa buo, baka naman kinukulong mo parin yang sarili mo sa nakaraan, wag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari. Kaya kalang naman nag desisyon kase ayun yung tama diba." seryosong sagot nito sakin.

"Kung Tama yung naging desisyon ko bakit hindi ko maramdaman na tama yun." sagot ko sa kanya.

"Kase mas pinili mong maniwala na mali ka! Alam mong kaya mo siyang ipaglaban pero hindi mo ginawa, napaka selfish mo sa sarili mo. Inisip mo yung kung anong pwedeng manyari at maramdaman niya pero ikaw! Hindi mo manlang inisip kung anong epekto nun sayo." seryosong banggit nito sakin.

"Kase nga nung mga panahon nayun mas importante sakin kung anong mas makaka buti sa kanya. Diba ganun naman dapat, pag mahal mo ang isang tao dapat piliin mo ang tama para sa kanya kahit masasaktan kapa." malungkot na sagot ko sa kanya.

-------------------
Natapos ang usapan namin ni Arturo na sobrang seryoso, nagbigay naman kami ng contact number namin sa isat isa para kung sakaling gusto namin mag kita ulit, madali nalang namin masi-set . Nakasakay na ko sa taxi at papunta na ko sa bahay nila Lolo at Lola ang tagal ko rin silang hindi nakita. Sobrang na miss kuna sila.

Pag baba ko ng taxi ay agad akong pumasok sa loob ng bahay, naabutan ko naman silang kumakain ng donnut na kapareho ng dala kong pasalubong para sa kanila.

"Hi po Lolo and Lola." banggit ko sa dalawa. Nang mapatingin sila saakin ay parang gulat na gulat sa pag dating ko. Napatayo naman agad silang dalawa at mahigpit na niyakap ako.

"Apo ko, ang laki laki muna. " banggit ni Lola sakin.

"Na miss kana namin Von, bat ngayun mo lang kami naalala. " nagtatampong banggit ni Lolo sakin.

"Lolo naman nag da drama pa! Ito nga po ohh! May pasalubong ako kaso kapareho po nang kinakain nyu." sagot ko dito.

"Ahh oo apo, bigay ni Cyrus yan. Kakaalis niya palang bago ka dumating. Sayang at hindi kayo nag abot. " banggit ni Lola.

Nabigla naman ako ng bigla nilang banggitin ang pangalan ni Cyrus, nandito siya panong? Takang tanong ko sa sarili ko. Sunod ko nalang na nakita ang sarili kong tumatakbo palabas ng bahay.

"Sana makita ko siya, sana maabutan ko siya" banggit ko sa sarili ko. Patuloy ako sa pagtakbo at sa hindi inaasahan nakita ko siyang pasakay na sa kotse nila. May chance pa kong lapitan siya pero biglang napako yung mga paa ko sa kinatatayuan ko. Ibang Cyrus na ang nakikita ko ngayun, alam nyu naman diba kung gano ka gwapo ang mahal ko. Mas lalo na ngayun, kung kayo mismo ang nakaka kita sa kanya.

Hanggang tinggin nalang ako sa kanya,hindi ko manlang magawang lapitan siya. Sunod na nangyari dumaan yung sasakyaan sa gilid ko at kitang kita ko siya sa loob ng sasakyan. Hindi ako magkaka mali alam kong siya yun alam ko ang itsura niya kahit mag bago pa siya sa kahit na anong paraan. Alam kong siya yun, pero kung ano man ang nararamdaman niya ngayun. Yun lang ang hindi ko sigurado.

END OF CHAPTER - 19
VERON SO
Vote and Comment.

Kung meron kayong personal na tanong sa mga characters ko. Pwede nila kayong sagutin sa susunod na chapter para masaya.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon