Chapter - 13

11.4K 381 34
                                    

- VON -

"Ako po aalis san naman po ako pupunta? " gulat na tanong ko dito.

Ngumiti naman si Lola na parang naluluha luha pa. Mas lalo tuloy akong kinabahan, hindi ko gusto yung ganitong pakiramdam. " Naku apo, natupad nayung matagal munang hinihiling. Makaka sama muna ang Mama at Papa mo. " emosyonal na banggit ni Lola sakin.

Napayuko naman ako at pilit na pinipigil ang mga luha ko. Pakiramdam ko nanadya na talaga ang pagkakataon, siguro ito yung patunay na dapat tapusin kuna yung nararamdaman ko para kay Cyrus. Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't-isa, siguro ito nayung sign na dapat makipag hiwalay na ko sa kanya.

"Apo? Bakit malungkot ka? Hindi kaba masaya? Diba matagal muna tong hinihiling sa mga magulang mo,makaka sama muna sila sa singapore at doon kana rin mag aaral diba magandang balita yun." nag aalalang banggit ni Lola sakin.

Hindi kuna napigilan ang umiyak. Naiisip ko palang na hindi na kami magkikita ni Cyrus sobrang nasasaktan nako, pano pa kaya pag umalis na talaga ko. Kakayanin ko kaya? . pano ko sasabihin sa kanya na aalis na ko.? Yan yung mga gumugulo sa isip ko ngayun.

"Pano po kung sabihin ko sa inyu Lola na bakla po ako ano pong mararamdaman nyo? " matapang na banggit ko dito. Pero ang nakaka pag taka lang hindi manlang siya nagulat, lumapit pa ito saakin at niyakap ako.

"Apo matagal na naming alam na ganyan ka, wala ka naman narinig samin ng Lolo mo diba. Minahal ka namin ng Lolo mo dahil apo kanamin dahil pamilya ka hindi dahil sa kung anong kasarian mo ! Tandaan mo to apo. Bumaba si Hesus sa mundo para iligtas tayong mga tao sa kasalanan natin, hindi para husgahan kung anong mga mali sa mga tao. " banggit ni Lola sakin.

Niyakap ko naman si Lola pabalik at nag pasalamat ako sa pag tanggap nila sakin. Yung malaman ko lang na tanggap nila ko sobrang nakaka gaan na sa pakiramdam. Iniwan na niya ko sa kwarto ko at ako naman iniisip ang tungkol sa pag alis ko, bakit ngayun pa kase sumabay tong pag alis nato. Kung kelan naman hindi pa maayos ang lahat samin ni Cyrus tsaka pa dumagdag to.

Humiga naman na ko sa kama ko at niyakap ang isang unan ko, dito ako umiyak nang umiyak hanggang hindi kuna namalayang naka tulog na pala ko.

----------

Kinabukasan

Late nakong nagising kaya nag mamadali akong pumasok, hindi na nga ako nag almusal para lang umabot sa klase namen. Nasa hallway nako papunta sa room namin ng maabutan ko si Cyrus malapit sa pinto na parang may inaantay, nang mapansin naman ako nito ay bigla itong ngumiti.

"Bakit ngayun kalang? " masayang tanong nito sakin ng makalapit ako.

Pero hindi ko siya pinansin,napakamot naman siya sa ulo niya dahil siguro naasar nato sa mga drama ko. Kasalanan niya naman kaya magdusa siya, aktong papasok na ko sa room ng hawakan niya ko sa braso. " I Love You Mahal, tandaan mo yan. " naka ngiti niya paring banggit sakin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, agad kong tinignan ang paligid kung may ibang tao. Baka may makarinig sa kanya patay kame pareho neto. Siguradong pag uusapan kame sa buong school. Aminin ko man o hindi pero kinilig talaga ko sa sinabi niya pakiramdam ko nga namumula ako ngayun ehh pero agad ko din namang binawi baka isipin niya nakalimutan kuna lahat ng ginawa niya sakin .

"Wag kang mag alala walang ibang nakarinig. " malungkot na banggit nito.

" Wag mo ngang sasabihin yung mga bagay na hindi mo naman kayang panindigan, tsaka Von ang pangalan ko hindi Mahal. " mataray na sagot ko sa kanya tapos tinaasan ko naman siya ng kilay " tsaka hanggang ngayun hindi mo parin kayang patunayan na mahal mo ko." asar na banggit ko sa kanya.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon