• VON •
Umuwi ako ng bahay na malungkot, ewan ko ba naasar kase ako sa sinabi ni Cyrus eh! o sabihin na nating nag seselos ako. Ang corny diba ano namang karapatan kong mag selos tsaka hello grade 9 palang kaya kame bawal pa siyang mag girlfriend.
Nasa ganun akong pag iisip ng lumapit yung lola ko sakin. " Von apo may naghahanap sayo kaibigan mo daw Cyrus daw pangalan niya." Napasimangot naman ako nang marinig ko yung pangalan ni Cyrus.
" Sabihin nyu po Lola wala ako dito may pinuntahan ako sa malayong lugar yung hindi na niya na ko makikita. " sagot ko kay Lola , lumapit naman ito sakin at hinampas ako sa braso." Ano ba Lola masakit po".
"Inuutusan mo ba kong mag sinungaling bata ka ! Tumayo ka dyan at puntahan mo sa labas yung kaibigan mo. Kelan kapa natuto mang bastos huh! " singhal nito sakin. Kaya tumayo na ko at pumunta sa labas bago pa ko mahampas ulit.
Pag labas ko naman nakita ko si Cyrus na nakatayo sa tapat ng gate at matyagang nag aantay bat naka uniform pa siya? Ibig sabihin sinundan niya pa talaga ko dito! Pasaway talaga, nang makita nya ko ngumiti siya sakin pero umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi na ko mag papadala sa mga pag papa cute nya sakin, mag sama sila ng crush niyang mukang isda!.
"Galit kaba sakin Von? Bat bigla kanalang umalis kanina. Diba sabe ko naman sayo sabay na tayo umuwi.? " malungkot na banggit niya sakin. Parang nataranta naman ako sa ganung itsura niya , naaasar tuloy ako kung magagalit ba ko o maawa ako sa kanya tsk.
"Bat naka uniform kapa ? Hindi kapaba umuuwi baka hinahanap kana sa inyu." Sabe ko naman sa kanya.
" May nakita akong Park malapit dito tara mag usap tayo dun." Hindi niya sinagot ang tanong ko hinawakan nya yung kamay ko at may naramdaman akong kakaiba ! Kuryente? Gumapang mula sa kamay ko diretso sa puso ko? Ano yun ang weird. Napabitaw ako sa kamay niya pero hinawakan niya to uli, Wala na kong nagawa kundi ang sumama sa kanya.
Pag dating namen sa Park umupo kame sa kahoy na mahabang upuan at pinanuod ang mga taong dumadaan. Hindi na siya nag salita tahimik lang siya at mukang may malalim na iniisip. " May problema ba Cyrus? Bat hindi kapa umuuwi baka hinahanap kana sa inyu. Tsaka baka mapa galitan ka. " tanong ko dito.
" Ayaw mo ba kong kasama bat parang tinataboy mo ko palayo." Inis na banggit nito "Umalis kase si Mommy at Daddy bukas pa sila uuwi mga katulong lang yung kasama ko sa bahay." Banggit niya.
"Don't tell me takot ka sa multo kaya ayaw mong mag isa, kalalaki mong tao." Sagot ko sa kanya.
" Baliw kaba ? Hindi ako takot sa multo ! " Sumeryoso naman yung muka niya. " Takot akong mag isa." Banggit niya sakin.
Tignan mo tong ungas na to siya pa galit tsk. " Sige na nga dun ka muna sa bahay namin matulog! Ngayun lang huh! " masungit na banggit ko dito. Tumingin naman siya sakin sabay ngumiti. Pasalamat ka lang talaga at malaki ang utang na loob ko sayo.
Pag uwi sa bahay ay sinabi namen kay Lolo at Lola na dito muna matutulog si Cyrus pumayag naman sila , sila narin daw ang tatawag sa magulang ni Cyrus para ipaalam na dito muna siya samin. Tuwang tuwa naman ang Lolo at Lola ko sa kanya buti pa siya tsk.
Pagkatapos namin kumain at mag linis ay pumunta na kame sa kwarto ko. " Dun ka sa lapag matutulog Cyrus huh! " banggit ko dito, ayoko siyang katabi baka may magawa ako o kaya baka ano basta ayoko napatingin naman siya sakin. Pero wala naman siyang sinabi nilatag na niya yung binigay kong sapin at unan pagkatapos humiga na kame.
"Birthday ko sa sabado gusto ko sanang nandun ka." Banggit niya sakin.
"Wala akong pang regalo ayus lang ba sayo? " tanong ko naman sa kanya.
"Ang sabe ko Von gusto kong nandun ka! Hindi ko sinabi na pumunta ka sa birthday ko dahil gusto ko ng regalo." Galit na sagot niya sakin.
"Sinasabi ko lang, nakakahiya naman kase pumunta sa Party ng mayabang tapos wala kang regalo tsk." Masungit na banggit ko sa kanya.
"Sinong mayabang ako? Gwapo lang ako pero hindi ako mayabang" nakangisi niyang sagot sakin.
"Ewan ko sayo Abnormal" banggit ko sa kanya sabay talikod , hindi ko na siya pinansin at natulog nalang ako.
Nagising ako bigla pag tingin ko sa labas madilim pa tumayo ako para tignan ang oras pero pag tingin ko kay Cyrus gising pa siya. " Hoy ungas bat gising kapa! " banggit ko dito.
"Hindi ako makatulog hindi ako sanay matulog sa ganito. Pwede bang tabi nalang tayo " nag mamaka awang banggit niya sakin. Kinabahan naman ako pero ayokong mag damot kawawa naman kase siya.
"Sige na nga lumipat kana dito." banggit ko sa kanya ngumiti naman siya at agad agad na tumayo. " Pero bawal malikot matulog huh! "
" Oo na sige na! Pwedeng matulog na tayo, antok na antok na kase talaga ko eh! " banggit niya sakin na halatang naiirita na. Tumabi na siya sakin at humiga, tumalikod ako sa kanya bigla naman niya kong niyakap at bumulong sakin " Salamat Von " nanginig ako bigla ang init ng hangin binuga niya sa aking tenga may naramdaman akong tumigas sa aking baba!! Ooopppsss. Bad!!
Dahil sa gulat ko humarap ako sa kanya napatingin ako sa kanya naka ngiti siya sakin. Nilapit niya ang muka niya sakin at hinalikan ako sa noo, napapikit naman ako matagal bago niya inalis ang labi niya sa noo ko. "Von wag kanang magalit sakin alam mo naman na sobrang importante ka sakin eh!".
Hindi ko maintindihan pero yung marinig ko na importante ako sa kanya masaya na ko sobrang saya.
End of Chapter - 2
Vote and Comment
🥀 VERON SO 🥀
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomanceNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...