- Von -Masyado nabang perfect ang love story namin ni Mahal? Muka nabang hindi totoo? Masyado nabang masaya? Akala nyu ba puro masaya nalang at kilig kilig nalang ang mangyayari. Pwes paghandaan nyu to!
Kung may masaya, may sobrang sakit din. Ang duga no? Tuwing magiging ok. na ang lahat tsaka talaga dadating yung pinaka mahirap na pag subok sa relasyon nyo at sa tingin ko ito nayung pinaka mahirap, alam mo kung bakit? Syempre hindi. Dahil sa pagkakataon na to, sumuko na ko. Oo tama ka! Ang hina ko, ang bobo ko, napaka tanga ko para iwanan yung kaisa isang lalaking nag paramdam sakin kung gano ko kahalaga.
Ang sakit lang isipin na dahil sakin nasaktan siya, hindi lang emosyonal pati pisikal. Halos hindi ko mapatawad yung sarili ko dahil sa nangyari kay Cyrus pero ano pa nga bang magagawa ko nangyari na ang nangyari, nasaktan ko siya at sa tingin ko hindi na niya ko mapapa tawad.
--------------
After ng birthday ko, balik school na kami ni Mahal. Maaga kong pumasok ngayun kase nga alam nyu na malandi ako hahaha joke lang, excited lang po akong makita si Mahal may usapan kase kaming maaga kaming mag kikita ngayun.
Naglalakad na ko papunta sa room ng maka salubong ko si Ariana, huminto ito sa harap ko at ngumiti ng wagas. Malakas yung pakiramdam ko na may hindi magandang binabalak ang bruha na to kaya inunahan kuna siya.
"Hoy Ariana! Tantanan mo kami ni Cyrus huh! Sa susunod na may gawin ka nanamang masama, hindi na ko mag titimping patulan ka!." asar na banggit ko dito.
"Hoy kadin bakla! Wala na kong Pake sa inyu ni Cyrus, gusto ko lang sanang humingi ng ginamit mong pang gayuma kay Cyrus hahaha joke! Gusto ko lang sabihin sayo na hindi na ko eepal sa inyu ni Cyrus ." mataray na sagot nito sakin.
"mabuti naman at inamin mong epal ka! kung ganun naman pala edi ok., alam mo namang walang magandang mangyayari kung manggugulo kapa. Tsaka pwede naman tayong maging mag kaibigan ehh!" sagot ko dito.
"Hephep! Sinong nag sabing pwede tayong maging kaibigan. Ang sabi ko lang hindi na ko manggugulo pero hindi ibig sabihin nun na kayo na ni Cyrus ang mag kaka tuluyan." mataray na banggit nito.
Napataas naman ako nang kilay dahil sa sinabi niya! " anong ibig mong sabihin!?" nagtatakang tanong ko dito.
Lumapit naman to sakin at bumulong." mag handa kana, makaka harap muna yung katapat mo at sa tingin ko sisiguraduhin niyang hindi kayo mag kaka tuluyan ni Cyrus. " bulong nito sakin, tapos biglang alis at pumasok na ito sa room.
Ako naman naiwan na tulala sa labas ng room, nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa sinabi ni Ariana! Sino kaya yung tinutukoy niya? Ano nanaman ba tong pagsubok nato! halos sumabog na sa sakit yung ulo ko kakaisip sa kung sino at anong gagawin nung taong yun samin ni Cyrus. Kailangan kong maging matatag para samin yun ang dapat kong isipin ang wag sumuko kahit na anong mangyari.
Nasa ganun akong pag iisip ng may mag takip ng mata ko sa likod ko.
"Sus!!! Mahal! Alam kong ikaw yan! Kanina pa kita inaantay. " naka ngiting banggit ko dito.
Tapos tinanggal na niya yung kamay niya. Pag talikod ko naman nakita kong naka simangot ito, pero hindi siya si Cyrus kundi si Arturo.
"Kelan mo pa ko tinawag na Mahal? " asar na banggit nito.
"Ewan ko sayo! Inaantay ko kase si Cyrus. Bakit ba kase trip mong takpan yung mata ko." sagot ko dito.
Nag umpisa naman tong mag lakad papasok nang room at hindi sinagot yung tanong ko. Sinundan ko naman siya hanggang sa maka upo kame sa pwesto namin.
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomansaNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...