Chapter - 27 " S.P.G "

11.8K 362 70
                                    

(A/N): Hindi ako ganun kagaling gumawa ng mga ganitong scence pag pasensyahan nyu na hahaha pero siguro kahit papano matutuwa naman kayo. Sana mag comment naman kayo pagkatapos nyung mabasa ang chapter na to! Kailangan ko lang malaman yung reaction nyu tungkol dito. Yan huh! pinagbigyan kuna kayo ng UD , pag bigyan nyu rin ako.

- VON -

Nagulat nalang ako ng bigla akong halikan nito, nung una sobrang madiin ang kanyang mga halik hanggang sa onti onti na itong naging banayad. Doon ko nalang naramdaman ang sarili kong gumaganti na ng halik dito. Habang dinadama ko yung nangyayari samin ni Cyrus nararamdaman ko rin ang tuloy tuloy na pagtulo ng aking mga luha. Ilan taon ko din inasam na mahalikan siya, na maramdaman ko ulit siya sa tabi ko, na maramdaman na mahalin niya ulit ako.

Parang nagising naman ako bigla dun sa huling sinabi ko! " maramdaman na mahalin niya ulit ako." Baka naman lasing siya kaya niya to nagagawa! o baka naman iniisip niya parin na ganun akong klaseng bakla dahil sa kaisipang iyon parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Umiwas naman ako sa pag halik niya pareho kaming hingal na hingal na bumitaw sa isat-isa. Nakadagan parin siya sakin at parang nagulat din siya sa ginawa niya.

"Sorry hindi ko sinasadya, sorry talaga." natatarantang banggit ko dito, tinulak ko naman siya pagilid para maalis siya sa pagkaka dagan sakin tapos tumayo ako at aktong lalabas na ng kwarto niya ng bigla niya kong hawakan sa braso ko at hilahin palapit sa kanya sunod niyang ginawa niyakap niya ko ng mahigpit. Napapikit naman ako dahil sa ginawa niya, ang tagal kong hinintay na madama ulit tong yakap niya hindi niya lang alam kung gaano kasaya ang puso ko ngayun, pero alam kong hindi ito tama masyado ko nanamang pina paasa yung sarili ko sa sitwasyong walang kasiguraduhan.

" Dito kalang, dito kalang sa tabi ko wag kang aalis. " seryosong banggit nito sakin.

"Lasing kalang Cyrus, baka wala kalang sa sarili mo kaya nagagawa mo to!" naluluhang banggit ko dito.

"Hindi ako lasing, alam ko yung ginagawa ko! " seryosong sagot nito sakin.

" Hindi ako ganung klaseng tao Cyrus! Hindi ako kagaya ng iniisip mo." umiiyak kunang banggit dito.

Inilayo ako nito sa kanyang mga braso at iniharap ulit ang muka niya sa muka ko. " Alam ko Von, alam ko." umiiyak naring sagot nito sakin.

Muli ay nagtitigan kami, hindi kuna napigilan ang sarili kong hawakan ang mga muka niya at siya naman hinalikan akong muli hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayun alam mo yung parang may hinuhukay sa sikmura mo pero hindi siya masakit masarap siya sa pakiramdam tapos yung kabog lang ng dibdib mo yung naririnig mo. Nagulat nalang ako ng bumaba ang mga halik nito sa leeg ko. Bigla akong napa singhap hindi ko pa na experience yun ngayun palang nakaka kiliti siya pero sobrang masarap sa pakiramdam. Nagulat naman ako ng buhatin ako nito at inihiga sa kama, muli ay dumagan ito saakin pero bago siya dumagan hinubad na niya yung tshirt niya.

Bigla naman akong nataranta sa ginawa niya, yung parang nanginig yung kalamnan mo basta ganun sobrang ganda kase ng katawan nito! Hindi ko akalain na ganito na kalaki yung nagbago sa kanya nang tignan ko naman siya sa muka naka ngisi na ito saakin parang nahiya naman ako sa kanya kaya umiwas ako ng tingin.

" Mag hu-hu-hubad nadin ba ako?" natatarantang tanong ko dito pero hindi parin ako naka tingin sa kanya.

Natawa naman to dahil sa sinabi ko, dumagan na ito sakin sabay bumulong . " Hahahaha Ako ng bahala dyan Mahal, wag kang mag alala mahuhubad din yan ng hindi mo namamalayan." banggit pa nito. nakiliti naman ako dahil sa init ng hininga niya sa tenga ko nag si taasan ang balahibo ko at ramdam kong sobrang namumula na ang muka ko. Hinarap ulit ni Cyrus ang muka ko sa muka niya at muli niya akong hinalikan. Automatic namang tumugon ang labi ko sa mga labi niya hangang sa naging mapusok na ang mga halik nayun muli bumaba ang mga halik ni Cyrus papunta sa aking mga leeg. Hindi ku naman napigilang umungol dahil sa sarap na nararamdaman ko.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon