Chapter - 1

21.6K 552 11
                                    

• VON •

Nandito ako ngayon sa Singaporian Airport pauwi ako ng Pilipinas, after 4 years I'm going back to Manila. I'm not sure if this is the right thing to do pero sa tingin ko ito yung unang tamang gagawin ko makalipas ang apat na taon and this time I have to follow my heart.

"Sure kanaba dito anak? You can stay here naman eh !!! Marame namang magagandang Universities dito na pwede mong pag pilian." Banggit saakin ni Mama , katabi ko siya ngayun sa waiting area ng Airport and in a few minutes tatawagin na kame para sumakay.

"Ma naman I'm sure about this!!." sagot ko sa kanya pero seriously hindi ko talaga alam. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya ganyan ang lambingan namen pag mag kasama kame. "Tsaka diba malaki na ko , I want to try something different in my life." banggit ko sa kanya.

"Parang kelan lang ang liit-liit mo pa tapos nung unang dating mo dito iyak ka ng iyak akala namen dahil sa sobrang saya mo na nakita mo kame yun pala dahil may naiwan ka sa Pilipinas." si Mama habang hina-haplos haplos ang buhok ko.

Naalala ko nanaman tuloy siya at naiiyak ako pag naaalala ko siya. Bigla naman na kameng tinawag at pinapa punta na sa eroplano. "Ma , I have to go mag iingat kayo ni Papa I love you po." banggit ko dito sabay halik sa pisngi niya.

"Mag-iingat ka anak" sagot saakin ni Mama pagka-yakap ko sa kanya umalis na ako at sumakay sa eroplano.

---» Philippine Airport

Pagkababa ko sa eroplano ay dumiretso agad ako sa Condo na tutuluyan ko , binili talaga nila Mama at Papa yun para daw pag nag-aral na ko mas malapit na daw yun sa school na pinapasukan ko. Nag Para ako ng taxi wala naman susundo saakin eh!! Matanda na si Lolo at Lola kaya hindi na nila magagawa yun.

Pag hinto nang taxi sa tapat ko , sumakay na ko dito. "San po kayo Sir.? " tanong nito sakin. Binanggit ko naman yung address at agad agad niyang tinungo yung daan. Nang makarating kame inabot ko lang yung bayad tas bumaba na ko.

Bago ko pumasok sa building tinanong muna ko nung guard kung saan ang unit ko. Sinabi ko naman sa kanya tapos yun hinayaan niya na kong makaakyat.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 4 na number para sa floor ng unit ko , may nakasabay naman akong mga lalaki na ka same age ko lang may mga dala silang Beer at amoy mga naka inom na sila. Pag bukas ng elevator nag si babaan din sila ka same floor ko lang din pala sila at hindi lang yun katabi ko pa sila ng unit.

Grabe kakatakot sila muka silang mga gangster pero maayus naman itsura nila actually malinis nga silang tignan eh! Tsaka mga gwapo sila nakakatakot lang talaga sila hahaha.

Pagpasok ko ng unit ko maganda ito kulay white ang wall na may lining na black malawak din ito at may dalawang kwarto, for sure kila Mama at Papa yung mas malaki kumpleto narin sa gamit kaya wala na kong poproblemahin. Ang kulang nalang is grocery siguro bukas ko nalang gagawin yun.

Pumasok naman na ko sa kwarto ko at inayus yung mga gamit ko nilagay kuna lahat sa cabinet para maka pag pahinga na ko. Humiga ako sa kama para maka pag pahinga maya maya lang ng saglit nakatulog na ko.

---» Panaginip Grade 9

Magkasama kame ngayun sa Park ng school kakatapos lang ng klase namen ni Cyrus kaya mag kasama kame tumambay dito simula ng maging magkaibigan kame nawala na lahat ng nang bubully sakin dahil halos lahat ng estudyante dito sa school takot sa kanya kaya simula nun napayapa na ko.

"Von may sasabihin ako sayo" masayang banggit nito saakin umupo siya sa kabilang swing.

"Ano naman yun? Bakit sobrang saya mo? " banggit ko naman sa kanya. Pero para siyang timang na kinikilig kilig pa tapos pangiti-ngiti parang timang talaga pero ang cute niya pag kinikilig siya. "Ano nga? " pangungulit ko sa kanya.

"Kilala mo si Ariana diba? " tanong niya saakin , tumango naman ako bilang sagot. "Kase ano liligawan kuna siya" sagot niya sakin na kinikilig kilig pa.

Hindi naman ako naka imik, hindi ko alam kung bakit basta nakaramdam ako ng kirot sa puso ko hindi ko naman idini-deny na may gusto ako kay Cyrus bakla nga ako diba pero syempre secret ko lang sa kanya yun.

"Oh? Wala ka manlang bang sasabihin? " takang tanong niya sakin.

"Ah ano- ahh - Good Luck sana maging kayo para maging masaya ka" banggit ko sa kanya pero nakaramdam ako nang papatulong luha kaya I decided na umalis nalang "Uwi na pala ko Cyrus baka hinahanap na ko nila Lola." banggit ko uli sa kanya.

"Tara sabay na tayo" sagot niya sakin pero hindi ako umimik "May problema ba Von? " tanong niya uli sakin. Hindi parin ako sumagot umalis nalang ako at umuwi sa bahay.

End of Chapter - 1
Vote and Comment

🥀 VERON SO 🥀

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon