- Von -
Bigla nalang akong nanginig at kinabahan ng makita ko ulit ang Mama ni Cyrus ng harap harapan, hindi ko alam kung bakit takot na takot ako sa taong ito o baka naman dahil sa takot lang siguro akong mangyari ulit ang nangyari samin ni Cyrsu dati.
Hinding hindi ko makakalimutan kung pano niya kami pag hiwalayin ni Cyrus dati, Physical at Emotional niya kong sinaktan noon kung ano anong masasakit na salita ang binitawan niya sakin at yung mga sampal niyang sobrang masakit para lang ipamuka sakin na hindi kami ang para sa isa't-isa ni Cyrus na naging dahilan para iwanan ko yung taong mahal na mahal ko!
Bakit ba sa tuwing magiging maayus na ang lahat tsaka naman dumadating ang mga problema! pero ngayun sa pagkakataon na to hindi na ko papayag na magpa talo sa kanya! pwede niya ulit akong saktan sabihin niya lahat ng gusto niya pero hinding hindi na ko papayag sa gusto niya! Hinding hindi na ko papayag na maghihiwalay pa ulit kami ni Cyrus.
Nagulat naman ako ng parang nanghina rin ito at halos mapa luhod na kaya agad ko naman itong nilapitan at inalalayan. Mas kinagulat ko pa ang pag iyak nito! hindi ko ini-expect na makikita ito sa ganitong sitwasyon ibang iba kase ang pagkaka kilala ko dito siya yung tipo ng babae na napaka strong ng personality mataray, masungit, malakas ganun ang tingin ko dito kaya hindi ko inaashan ang soft na side nito.
" So- soso - Sorry " banggit nito habang humahagulgol ito ng iyak na sobrang kinagulat ko. Totoo ba to? o naglalakas tama lang tong Mama ni Cyrus. Hinawakan naman nito ang mga kamay ko at tinitigan ako sa mga mata ko.
" I know you don't believe me right now, pero totoo ang sinasabi ko sayo Von! I am really really sorry sa nagawa ko sayo dati. Sobra kong pinag sisihan ang mga nagawa ko sana mapatawad muna ko please Von!. " umiiyak paring banggit nito.
Speechless ako hindi ko alam kung anong isasagot ko! Basta naramdaman ko nalang na tumutulo na ang luha ko, Oo masama ang loob ko dito pagkatapos ba naman ng mga nangyari samin alangan naman mawala agad yung galit ko dito. Pero sino ba naman ako diba! Tao lang din naman ako kagaya niya. Kaya niya lang naman siguro nagawa yun dahil gusto niyang mapunta sa tamang landas ang anak niya na kahit sinong magulang ganun din naman ang gagawin.
Sino ba naman ako para hindi mag bigay ng kapatawaran, kung ang diyos nga marunong mag patawad ako pa kaya na tao lang. Mas mabuti narin sigurong patawarin ko siya para naman mawala na tong takot at sakit sa dibidb ko atlis ngayun alam kong hindi na niya kami pipigilan ni Cyrus.
"Si-si-sige po pinapatawad kuna po kayo." utal-utal na banggit ko dito.
Napangiti naman ito at lalong napaiyak, nagulat nalang ako ng yakapin ako nito ng mahigpit " Salamat Von! salamat " banggit pa nito, pagtingin ko naman kay Eros naka tingin lang ito saamin at mukang nalilito sa kung anong nangyayari.
"Ano to? anong nangyayari? " banggit ng boses ng isang lalaki sa likod ni Eros. Napatingin kami dito at nagtataka ito sa nangyayari.
- Cyrus -
"Ano to? anong nangyayari? " banggit ko sa kanila.
Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Mommy, hindi ko naman kase siya pinapapunta dito ehhh! isa kasi siya sa mga sinisisi ko kung bakit kami nag hiwalay ni Von, kung hindi niya sana ako kinukulong dati edi sana hindi maiisip ni Von na hiwalayan ako pero ang mas kinagulat ko yung magkakilala pala sila at pag hingi niya nang tawad kay Von. Lalo lang akong nainis ng pareho silang magulat na makita ako.
"Bakit humihingi ka ng tawad kay Von?" galit na tanong ko dito. Lumapit naman sakin si Von at hinawakan ako sa kamay.
" Wag mo siyang sigawan Mommy mo siya Cyrus!" banggit nito sakin.
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomanceNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...