- VON -
Patuloy sa pag buhos ang malakas na ulan pero sapat na ang init ng yakap ni Cyrus para mapawi ang lamig na nararamdaman ko. Kung pwede lang pahintuin ang oras, kung pwede lang na akin na lang talaga siya at kung pwede lang na ako nalang ang mahal niya at hindi si Ariana. Siguro sobra kong ma e-enjoy ang moment na to.
Pero alam kong may hindi tama sa ginagawa namin, maaring mahal ko siya pero ang tanong mahal niya rin ba ko? Ayokong hayaan ang sarili kong masaktan at umasa sa mga pinapakita niya sakin ngayun. Pero tang ina naman eh! Bakit niya ba ko pinapahirapan ng ganito sobra na kong nasasaktan.
Inalis ko ang kamay niya na nakayakap sakin at umatras palayo sa kanya, nabigla naman siya sa ginawa ko. Sinubukan niyang lumapit pero pinigilan ko siya . "Sorry na Von, please forgive me. Hindi ko sinasadya yung mga nasabi ko sayo. " pag mamaka awa niya sakin.
"You don't understand Cyrus." Umiiyak kong banggit sa kanya.
"Then tell me , para maintindihan ko. " umiiyak narin niyang banggit.
Napaupo ako sa damuhan, hindi ko alam kung dapat kuna bang aminin sa kanya ang lahat baka magalit lang siya sakin at mas lalo niya lang akong layuan. Kaya niya bang tanggapin na hindi ako straight na may gusto ako sa kanya na best friend niya.
"Mahal kita Cyrus" nakayukong banggit ko sa kanya nanginginig pa ko ng sabihin ko yun sa kanya.
Lumuhod naman siya sa harap ko at inangat ang muka ko nag ka titigan kame. " I love you too Von , mag best friend tayo diba. " mahinahon niyang banggit sakin.
Tinulak ko naman siya at tumayo ako " Ang manhid mo Cyrus. " umiiyak ko paring banggit sa kanya. " I love you more than that, more than best friend!! . Hindi mo ba nararamdaman yun." Galit na banggit ko sa kanya at alam nyu ba kung anong masakit sa part nayun tinawanan niya lang ako.
"Hahaha Talaga? Mahal mo ko? " tumatawa niya paring banggit sakin , hindi niya sineryoso yung mga sinabi ko. Kaya mas lalo akong nasasaktan.
Iniwan ko siya dun at nag lakad na ko palayo. Gago ka Cyrus hindi mo alam kung gano ko nasasaktan ngayun, ano bang tingin mo sakin isang malaking joke. Dahil sa bigat nang nararamdaman ko hindi kuna napigilang sumigaw " HINDI NA KITA MAHAL CYRUS, I HATE YOU. " wala naman makakarinig sakin eh! Wala nang tao sa school ng ganitong oras. Nag patuloy lang ako sa paglalakad at patuloy parin akong binabasa ng malakas na ulan.
"Sigurado kabang hindi muna ko mahal " banggit ng isang boses sa likod ko, huminto naman ako at galit na tinitigan siya. Lumapit siya sakin hinarap niya ko sa kanya hawak niya ang mag kabilang braso ko nilapit niya ang muka niya sakin at nagka titigan kame. Bigla naman ako nakaramdam ng ilang sa mga titig niya sakin ang seryoso niyang tignan ngayun. "Sabihin mo saking hindi mo ko mahal pagkatapos ng gagawin natin.".seryosong banggit niya , Bigla niyang nilapat ang labi niya sa labi ko , sobrang init ng hanging ibinubuga niya ang bango ng hininga niya at dahil sa init na dala ng halik niya kaya sumuko ako at gumanti narin ng halik sa kanya.
Inilayo na nya ang muka niya sakin at seryosong naka tingin sakin " ngayun sabihin mo sakin, hindi mo naba ko mahal? " seryoso niyang banggit, nakatingin lang siya sakin at inaantay ang sagot ko.
"Wag mo kong paasahin Cyrus, sobra akong masasaktan. " malungkot na banggit ko sa kanya.
Niyakap niya naman ako " wag mo naman akong sukuan Von ngayun palang mag uumpisa ang love story natin suko kana agad " malungkot na banggit niya. " ayaw mo bang mahalin kita ng higit pa kesa sa pag mamahal na kaya mong ibigay saakin. "
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinasabi niya , nag sasabi ba siya ng totoo? "Pano si Ariana" tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ko pinansin at binalik sakin ang tanong.
"Pano si Arturo? " seryoso niyang tanong, nabigla naman ako? Wala namang meron samin ni Arturo.
"Hindi kame ni Arturo " galit na banggit ko sa kanya.
"Alam ko" sagot niya sakin. " dito mo ba talagang gustong pag usapan yan? ang lamig na kaya baka magka sakit na tayo. " galit na banggit niya.
----------
Umuwi kame sa bahay at kasalukuyan na kaming nasa kwarto , napagalitan pa nga kame ni Lola eh! Dahil nag pabasa daw kame sa ulan . Pagkatapos maligo kumain na kame at ito kame ngayun sa kama ko mag kaharap at seryosong mag uusap.
"Syota mo si Ariana/Arturo diba?. " sabay naming banggit.
"Hindi ah! " sabay kame ulit.
"Wait lang ako muna " banggit ko sa kanya " wala kaming relasyon ni Arturo , nagulat nga ako sayo bat galit na galit ka sakin nun eh! " namula naman siya pagka sabi ko nun.
"Wala daw! Bakit babe tawag niya sayo " galit niyang banggit sakin.
"Nag seselos kaba?" Prankang tanong ko sa kanya.
Iniwas niya naman ang tingin niya sakin " hindi no, bat naman ako mag seselos mas gwapo at mas mahal mo naman ako kesa kay Arturo. " mayabang na sagot niya.
"Dati yun " banggit ko sa kanya , bigla naman lumungkot yung muka niya. " kase ngayun mahal na mahal na kita. " pahabol ko. Para naman siyang timang na ngiting ngiti na nakatitig sakin. " tsaka pang asar niya lang sakin yung babe! Napaka sira kase niyang ulo mo eh! Tamang hinala ka . Ikaw nga hindi muna nilayuan si Ariana eh! Muka kayung butiking dalawa." Galit na sagot ko sa kanya.
"Sus nag seselos ang mahal ko" nang aasar na banggit niya sakin. " hindi naging kame, niloloko lang kita dati kase ang tagal mong umamin na may gusto ka sakin. " pahabol niya pa.
"ibig sabihin dati mo pa alam na gusto kita " gulat na tanong ko sa kanya.
"Yung totoo Von hindi ko alam na gusto mo ko , pero ako alam ko na gusto kita matagal na at seryoso ako sa nararamdaman ko sayo . " naka ngiti niyang banggit sakin. Kinilig naman ako sa mga sinasabi niya.
"Seryoso din ako sayo Cyrus " naka ngiti kong sagot sa kanya. Nilapit niya ang muka niya sakin at aktong hahalikan niya ko ulit. Pero iniwas ko ang muka ko at nahalikan niya ang pader sa gilid ko.
"Arayyy" banggit niya " bakit umiwas ka akala ko ba mahal mo ko. " asar na banggit niya.
"Pag mahal kailangan laging nag hahalikan " asar na sagot ko sa kanya. Humiga na ko sa kama sumunod naman siya pinatong niya ang ulo ko sa isang braso niya at ang isa niyang kamay ang pinangyakap niya sakin.
"I love you Cyrus, Good night " banggit ko sa kanya. Halata namang kinilig siya kase nanginig yung katawan niya natawa tuloy ako.
"I love you din Von, ipangako mo na kahit anong mangyari hindi mo ko susukuan at hindi mo ko iiwan. " banggit niya.
"Pangako Cyrus, pangako " naka ngiti kong sagot sa kanya. Hinalikan niya naman ako sa noo at nakatulog na ko.
End of Chapter - 6
Vote and Comment

BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomanceNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...