Chapter - 11

10.8K 416 30
                                    

- VON -

Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa sitwasyon na nakikita ko ngayun saaking harapan pero hindi kaya ng utak at puso ko ang sakit na nararamdaman ko hindi lang doble ang sakit kundi triple. Pakiramdam ko anytime tutumba ko sa kinatatayuan ko, gusto kong lapitan sila at komprontahin at sabihin kay Cyrus na tapos na ang lahat sa amin.

Pero natatakot ako, natatakot akong sabihin sa kanya na mag hiwalay na kami. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang mawala siya sa buhay ko, nakaka lungkot lang isipin na yung taong ayaw mong mawala sa buhay mo ay parang handa ng pakawalan ka.

Kesa komprontahin si Cyrus at Ariana ay tahimik akong umalis sa lugar nayun, sa tingin ko ito muna ang dapat kong gawin dahil hindi pa ko handang pakawalan si Cyrus at pakiramdam ko kase mas masasaktan lang ako kung mawawala na siya sakin dahil alam ko sa sarili ko na sobrang mahal na mahal ko siya.

----------

After 1 week, kumalat ang balitang si Cyrus at Ariana ay mag on na. Grabe yung sakit na naramdam ko nung malaman ko yung balitang yun halos hindi na ko pumasok sa school. Mas gusto ko na nagkukulong sa kwarto ko, ayaw ko nang may kumakausap sakin. Gusto ko lang matulog ng matulog, dahil sa twing matutulog ako nawawala yung sakit na nararamdaman ko pero sa twing gigising ako at maalala ko si Cyrus pakiramdam ko pinapatay ako ng Paulit ulit.

Nandito ako ngayun sa canteen ng school , pinilit kong pumasok dahil sobra ng nag aalala si Lolo at Lola sakin. Hindi ko naman masabi sa kanila ang problema ko dahil natatakot akong hindi nila ko matanggap.

"Ang lalim ng iniisip natin ahh. " banggit ni Arturo, hindi ko manlang napansin na katabi ko na pala siya. " Ano? gusto mo ba bugbugin kuna. " pabiro niyang banggit.

Pero hindi ko sinagot ang tanong niya " bakit hindi nalang kaya ikaw ang mahalin ko. " walang gana kong tanong sa kanya, parang nailang naman siya sa sinasabi ko.

"Baliw kana ata Von. " tumatawa niyang sagot sakin.

"Seryoso ako Arturo? " banggit ko sa kanya, Natahimik naman siya at parang namula.

"Ibabalik ko yung tanong sayo Von, bakit hindi nalang kaya ako ang mahalin mo. " Seryosong tanong niya.

Na pangiti naman ako sa tanong niya, siraulong Arturo to! Ako nagtanong tapos Ibabalik sakin pektusan ko kaya to. " Yan mas bagay mo ang naka ngiti. " pahabol niya pa.

Hinawakan ko naman siya sa balikat at Seryosong sinagot ang tanong niya " Mahal naman kita Arturo bilang kaibigan, at ayoko na dumating tayo sa parehas na sitwasyon namin ni Cyrus ngayun. " naka ngiti kong banggit sa kanya.

"Naiintindihan kita Von" sagot niya sakin "ano mag eemote kapa ba dito o balik na tayo sa room . " pahabol niyang banggit.

Tumayo naman na ko at sabay kaming nag lakad ni Arturo palabas , ng bigla namang sabay na pumasok sa canteen si Cyrus at Ariana na mag ka holding hands pa. Pare parehas kaming napa hinto dahil sa bigla, nag ka titigan kami ni Cyrus at purong pait at galit ang titig na binigay ko sa kanya . Samantalang siya ay parang nag papa awa na ewan at dahil ayaw kong gumawa ng eksena ay nagpanggap nalang ako na parang hindi ko sila nakita.

Lalabas na sana ko ng biglang hawakan ni Cyrus ang kamay ko. " Tulungan mo ko Von, mahal na mahal kita. " pabulong niyang sabi sakin, sapat lang yung lakas ng boses niya yung tipong ako lang yung makakarinig at kitang kita sa mga mata niya na sobra siyang nasasaktan. Hindi ko tuloy maintindihan yung nararamdaman ko, sobrang galit ako sa kanya pero heto siya humihingi ng tulong sakin anong gusto niyang mangyari matuwa ako sa sitwasyon namin.

Hinila ko naman yung kamay ko at tumakbo palabas, hindi kuna naisip si Arturo basta kailangan kong makalayo sa lugar nayun. Pagdating ko sa park ay umupo ako sa swing at doon umiyak ng umiyak.

Ano ba yung sinasabi niya na Tulungan ko siya? May nang yayari ba na hindi ko alam, meron ba kong dapat malaman? Bat ba kase ayaw pa kong diretsohin ni Cyrus. Tapos sasabihin niya mahal na mahal niya ko, gago ba siya pagkatapos niya kong itapon na parang isang sirang laruan at ipag palit sa bago. Sasabihin niyang mahal niya ko, ganun ba ko katanga sa paningin niya. Sa tingin niya ba hindi ako nasasaktan akala niya ba ayus lang lahat sakin to.

Patuloy lang ako sa pag iyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, nag mahal lang naman ako . Kaya nga ko nag mahal dahil alam kong magiging masaya ko pero bakit ganun nasasaktan ako ng sobra sobra.

"Von" pag tawag sakin ng isang pamilyar na boses inangat ko ang muka ko para titigan siya ng masama at para ipakita sa kanya na sobra akong nasasaktan sa mga ginagawa niya. "sorry, sana maintindihan mo ko ginagawa ko to dahil mahal na mahal kita. " naluluhang banggit niya sakin.

Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. " naririnig mo ba ang sarili mo Cyrus huh! pano mo nasasabing mahal mo ko gayung may karelasyon kanang iba, ganyan din ba ang sinasabi mo kay Ariana pag mag kasama kayo. " galit kong banggit sa kanya.

" Wala akong ibang MAHAL kundi ikaw lang alam mo yan. Nangako ka sakin Von na hindi mo ko iiwan, mahal na mahal kita. Sana tuparin mo ang pangako mo" nag mamakaawa niyang banggit sakin.

" Hindi kita maintindihan Cyrus, gusto mong ipaglaban kita. Gago kaba!! Pano kita ipag lalaban kung ikaw mismo sumuko na." umiiyak kong sagot sa kanya.

" Dahil mahal mo ko, matibay ng dahilan na mahal mo ko kaya ipag lalaban mo ko. " sagot niya sakin.

" Pano mo naman nasabi na mahal kita, sa tingin mo ba mahal padin kita pagkatapos ng mga ginawa mo sakin. " galit na banggit ko sa kanya.

" Oo alam kong mahal mo padin ako, dahil pinanghahawakan ko yung pangako mo na hindi mo ko iiwan kahit na anong mangyari. " Seryosong sagot niya sakin.

" ako lang ba ang may pinangako sa relasyon na to Cyrus! Diba nangako ka rin na ako lang, na hindi ka gagawa ng bagay na makaka sakit sakin. Pero ano huh! Anong nangyari nag mahal ka ng iba na hindi manlang tinatapos yung relasyon natin. Nag tiwala ako sayo Cyrus sinuportahan pa kita sa gusto mo, hindi ako nag reklamo kahit sobra na kong nasasaktan. " umiiyak kong banggit sa kanya.

" Hindi ko intensyon na saktan ka Von, hindi ko mahal si Ariana. Ikaw lang ang mahal ko pero may dahilan ako kung bakit ko to ginagawa, kaya please Von wag mo kong sukuan para sayo to kaya ginagawa ko to. Mahal na mahal kita at mas masasaktan ako pag nakikita kitang nasasaktan. " umiiyak niyang sagot.

" Hindi kita maintindihan Cyrus, sabihin muna kase sakin kung anong kalokohan to. Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayun. " malungkot kong sagot sa kanya.

" hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan, ang gusto kong gawin mo maniwala ka sakin at pang hawakan mo na wala akong ibang MAHAL kundi ikaw lang. " Seryoso niyang sagot sakin.

"Gusto mong maniwala ako sayo Cyrus, pano ko gagawin yun huh! " mag sasalita pa sana ko pero lumapit siya sakin at siniil niya ko ng halik, sinubukan kong umiwas pero hindi kuna nagawa, may naramdam akong tubig saaking muka at pag titig ko sa mata niya lumuluha na pala siya.

Hindi kuna kinaya at gumanti narin ako sa kanyang mga halik,sobrang tagal kong inasam na mahalikan ang taong mahal ko ramdam kong mahal niya ko pero hindi yun ang pinapakita ng sitwasyon.

Anong gagawin ko Cyrus, pinapakapit mo ko sa isang relasyong walang kasiguraduhan. Ipaglalaban kita sa paanong paraan, bakit ba kase mahal na mahal kita.

End of Chapter - 11
VOTE and COMMENT
Follow: VeronSo

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon