- VON -
Bakit ba sobrang minamalas ako ngayun! yung totoo? ano bang masamang ginawa ko para maranasan ko lahat ng to. Una sira na Lovelife ko , pangalawa aalis na ko ng pilipinas, pangatlo may empaktang/ mangkukulam/ halimaw/ higad na umepal sa relasyon namin ni Cyrus tapos ngayun tong pang huli, na kidnap pa ako! Napaka malas ko talaga.
Naalala ko nanaman tuloy yung mga panahon na lagi akong na bu-bully ! Lagi akong umiiyak nun dahil sa mga panglalait at pananakit na ginagawa sakin ng mga kaklase ko , hanggang dumating si Cyrus sa buhay ko siya yung superhero ko, na nagligtas sakin sa mga taong hindi ako gusto. sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil kung hindi ko siya nakilala hindi matitigil yung mga pang aapi sakin ng mga kupal kong kaklase .
Sobrang hinangaan ko siya noon dahil iba siya sa lahat ng kaklase ko, hangang yung paghanga nayun napunta na sa LOVE at sa hindi ko inaasahang pagkakataon nagkagusto rin siya sakin at naging dahilan kung bakit naging kami. Tapos ngayun naman hindi na kami pero hidni rin kami nag hiwalay ang gulo diba!
Sobrang bilis ng mga nangyari, nung nakaraan sobrang saya lang namin tapos ngayun sobrang sakit na ng nangyayari samin. Ganun pala yun no! kahit gano mo kamahal ang isang tao! pag nasaktan kana niya kahit alam mo pa sa sarili mo na sobrang mahal mo pa siya ! matatakot kana ! mawawala na yung trust! kase nakakatakot na baka pag binigyan mo siya ng second chance. Maulit lang ulit yung nangyari at masaktan ka lang ulit.
Naiiyak nalang ako sa mga ala-ala namin ni Cyrus, alam ko naman kase na kahit sobra akong nasasaktan sa mga pang gagago niya sakin sobra ko parin siyang mahal. Tapos idagdag pa yung pag alis ko papuntang Singapore na hindi ko parin alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanya. Ma mamatay na ata ako ngayun eh! diba ganito yung mga nangyayari dun sa sa mga pelikula, yung pag mamatay nayung bida inaalala na niya lahat ng nangyari sa kwento.
Kasalukuyan parin akong umiiyak ng may marinig akong nag lalakad na papalapit sakin. nakaramdam ako ng takot dahil baka ito nayung sinasabi nung lalaki kanina na baka hindi nako aabot ng buhay bukas. Nasa ganun akong pag iisip ng may nag tanggal ng piring ko sa mata, sunod naman yung tali ko sa kamay at paa tapos pang huli yung sa bibig ko. Hindi ako umalis sa upuuan pinakiramdaman ko yung tao kung anong susunod niyng gagawin.
Nagulat naman ako ng lumapit ito sa switch ng ilaw at binuksan ito. Laking gulat ko ng si Cyrus pala yun, agad naman akong tumakbo at niyakap siya, doon na ko umiyak ng umiyak. Niligtas nanaman niya ko, siya nanaman yung nandito na kahit sobrang sakit ng mga sinasabi ko sa kanya nandito parin siya para iligtas ako. Naramdaman ko naman na niyakap niya ko pabalik.
"Salamat Cyrus" umiiyak ko paring banggit sa kanya.
"Psssss.. Tahan na Von nandito na ko, wag kanang umiyak. " natataranta nitong sagot sakin "Tsaka sorry na Von" banggit nito sakin, nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya.
"huh? bakit ka nag so-sorry? diba nga dapat mag thank you pa ko dahil sayo naligtas ako sa mga kidnappers nayun ." sagot ko naman sa kanya.
Napakamot naman siya ng ulo niya " eh! kase ano ehh!" banggit niya na parang naiilang.
"bakit nga kase?!!" asar kunang banggit sa kanya na we-werduhan na kase ako sa mga sinasabi niya eh!
"eh! kase, ako yung nag padukot sayo ehh!!" kinakabahang banggit niya sakin.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ano? Anong sabi mo Cyrus. " galit na sigaw ko sa kanya.
"Sabi ko, ako yung nag pakuha sayo. " ulit na banggit niya sakin.
"Baliw kanaba huh! " galit ko paring banggit sa kanya. " Gusto mo naba kong mamatay?, wag kang mag alala Cyrus, nung iniwan mo ko parang pinatay mo narin ako kaya hindi mo nako kailangan pag tripan. " naluluhang banggit ko sa kanya at sa sobrang inis ko, inapakan ko yung paa niya. Napatalon talon naman siya dahil sa sakit.
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomansaNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...