Chapter - 5

13.2K 481 10
                                    

- CYRUS -

Grade 10

May mga bagay talaga na hindi permanent , kagaya ng pag kakaibigan namin ni Von sa isang iglap nawala nalang bigla. Hindi ko naman siya masisi sa nangyari , nag padala kase ako sa galit ko . Naka pag salita ako nang masasakit na salita sa kanya at naiintindihan ko siya kung bakit hindi na nya ko kinakausap hanggang ngayun.

First day ng pasukan ngayun ,wala akong ganang pumasok hindi kagaya dati na sobrang excited ako dahil magkikita nanaman kame ni Von. Tuwing pasukan kase nagpapa gandahan kami ng mga bago naming gamit sa school napaka isip bata talaga naming dalawa at lagi siyang naasar dahil lagi siyang talo. Napapa ngiti ako ng mga alaalang yun kung mas nag isip lang siguro ko edi sana maayus parin kami hanggang ngayun.

May kinuha akong papel sa bag ko dun kase nakalagay kung saan section ako mapupunta ngayun taon, nag lakad na ko papunta sa room ko at nang mabasa kuna yung section pumasok na ko sa loob. Napahinto naman sa chikahan ang mga bago kong classmates nang pumasok ako sa room nila.

"Woah may gwapo tayong classmate. " banggit nung isang babaeng naka upo sa harap. Nag tawanan naman sila, sanay na kong tinatawag na gwapo alam ko naman na totoo yun eh! Hahaha yabang lang. Bigla namang may tumawag sakin na pamilyar yung boses.

"Hoy Cyrus! " banggit ni Ariana lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"May katabi kanaba? " tanong ko sa kanya may bakante kaseng upuan sa tabi niya.

"Wala pa nga eh! Tabi nalang tayo " sabe niya pa na parang nag papa cute. Pero hindi ko yun pinansin umupo lang ako sa tabi niya.

"Kamusta kana Cyrus? " tanong niya sakin pag ka upo ko. Pero hindi ko pa siya nasasagot ng biglang sumigaw ulit yung babaeng nasa harapan.

"Mga classmates yan na ang Love Team ". Tumahimik naman ang lahat pati ako natahimik inaantay nila, I mean namin kung sino man ang Love team na tinutukoy nila.

Nang biglang pumasok si Von kasama si Arturo na tumatawa pa. Nag sigawan ang lahat at nag palakpakan pa, kumaway kaway naman si Arturo na feeling artista at si Von tahimik lang na umupo sa kabilang pwesto namin ni Ariana.

Biglang naging abnormal ang heartbeat ko nakatitig lang ako sa kanya at kapansin pansin na mas pumayat siya. Ano bang ginagawa mo Von bat pinapabayaan mo ang sarili mo banggit ko sa isip ko. Nadudurog ang puso ko sa sitwasyon namin ngayun , hindi niya manlang napansin na nandito ako sa tabi niya gustong gusto ko siyang hawakan gusto ko siyang yakapin nang mahigpit pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka ipagtabuyan nya ko.

"Hi Ariana? Hi Cyrus? " banggit bigla ni Arturo na hindi ko napansin katabi na pala ni Von. Parang nataranta naman ako at kinabahan, bigla naman napatingin si Von sa pwesto namin nang marinig niya ang pangalan ko. Pag tingin niya sakin nginitian ko siya baka sakaling napatawad na niya ko pero hindi eh! yung ngiti niya kanina napalitan ng blankong ekspresyon.

Parang hindi kuna siya kayang maabot, sa pinapakita niya sakin ngayun parang wala nang pag asa ang friendship naming dalawa.

----------

Lumipas pa ang 3 buwan na hindi ako pinapansin ni Von , hinayaan ko nalang na ganun ang set up namin kailangan ko rin kase mag focus sa pag aaral. Pa minsan minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin pero agad niya ring binabawi pag napapansin niyang nakatingin rin ako sa kanya. Sinusubukan ko rin siyang lapitan pero sa tuwing gagawin ko yun ay bigla nalang sumusulpot si Ariana o kaya si Arturo kaya nawawalan ako ng chance para gawin yun.

Papunta na ko sa parking ng may tumawag sakin mula sa likuran. "Cyrus saglit lang " banggit ni Arturo na hinihingal pa, Huminto naman ako at inantay siyang makalapit.

"Anong kailangan mo?" Seryosong banggit ko dito.

"Chill kalang pre para ka namang inagawan ng syota! " tumatawa niyang banggit sakin.

"Hindi ako nakikipag lokohan sayo anong kailangan mo. " galit kong sagot sa kanya.

"Kailangan ko ng tulong mo. " seryoso niya ring banggit sakin.

"Anong tulong? " Takang tanong ko sa kanya.

"Meron kase akong kaibigan na sobrang malungkot ngayun actually hindi ngalang ngayun eh! Halos araw araw malungkot siya. Gusto ko siyang mapasaya kase napaka buti niyang tao kaya sana tulungan mo ko. " malungkot na banggit niya sakin.

"Bakit ako? Sorry hindi kita matutulungan. " sagot ko sa kanya sabay tumalikod at naglakad pero may sinabi siya na nag pahinto sakin.

"Alam kong ikaw lang ang makaka pag pasaya sa kanya, hindi ko nga alam kung bakit ikaw pa ang minahal niya eh! Samantalang muka namang wala kang paki alam sa kanya. Kung mahal mo talaga siya nandun siya sa park sa may swing at umiiyak sinubukan kuna siyang patahanin pero halos araw araw din siyang bumabalik dun baka ikaw ang sagot. " banggit ni Arturo at bigla nalang siyang nawala sa likod ko.

Hindi ko alam kung sino yung tinutukoy niya at sa paanong dahilan ko siya matutulungan pero parang ang sama ko namang tao kung hindi ko siya susubukang tulungan. Kaya ang ginawa ko bumalik ako sa school at pumunta sa park nang palapit na ko ng palapit may nakita akong tao na naka upo sa swing at umiiyak. Kilalang kilala ko ang iyak nayun dahil nung mga panahon na umiiyak siya ng ganun ako ang laging tumutulong sa kanya. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad pero natatakot ang mga paa ko na lumapit sa kanya.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan pag angat niya nang muka niya laking gulat niya nang makita ako. "Anong ginagawa mo dito Cyrus " pero hindi ako sumagot ,tumayo naman siya at aktong tatakbo pero nahawakan ko siya braso. Nag katitigan kame ang sama ng tingin niya sakin ".Wag mo kong hawakan. " galit na banggit niya sakin, sinubukan niyang alisin ang kamay niya pero hinila ko siya at niyakap.

"SORRY na Von, wag kanang umiyak. " banggit ko sa kanya.

END OF CHAPTER - 5
VOTE AND COMMENT

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon