EverythingRaviro...
'Yun pala ang pangalan niya. Halatang nagulat siya nang banggitin ko iyon.
"Raviro...ang pangalan mo, hindi ba?" alangan kong tanong.
Nilayo niya ang sarili sa akin. Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago umiling.
Ha? Hindi siya si Raviro? Sino Raviro?
"P-Pasensya na, akala ko kasi ikaw iyon, baka isang tao lang sa ala-ala ko. Pasensya na talaga," sabi ko at sinubukan siyang abutin.
Bumuntonghininga siya at malungkot na ngumiti. "Ayos lang." Nag-iwas siya ng tingin.
"Sino si Raviro?" wala sa sariling tanong ko.
Napatingin ako sa kanya at sandali kong nakita ang malungkot na emosyon sa kanyang mga mata.
"Hindi ko alam, Kyra. You never told me about that man," sabi niya.
Nanginig ako at biglang nakaramdam ng pagkainis sa sarili. Bakit ko binanggit ang pangalan ng lalakeng iyon sa harap mismo ng lalakeng... Saglit akong napaisip. Ano nga ba kami ng lalakeng ito?
"Kung hindi mo mamasamain, kaano-ano kita? Sino ka?" tanong ko kahit pa malakas ang tibok ng puso ko.
"It's not important for now, but I'm telling you that you can trust me. I will be here as long as you need me." Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko.
Trust him? Madali bang pagkatiwalaan ang isang taong hindi man lang masabi sa iyo ang buong pangalan niya? Pero bakit? Bakit iba naman ang nararamdaman ko? Bakit wala akong kahit anong pagdududa sa kanya?
"I will take care of you from now on. You don't let me do that for the past days. Palagi mo akong tinataboy. You won't let me touch you. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Kyra." Ngumiti siya.
Natigilan ako. Ang ngiting iyon ay napakapamilyar sa akin. Gusto kong maalala kung sino ang lalakeng ito pero paano? He never let me.
"Kyra? Kyra ang pangalan ko?" tanong ko kahit naman na alam ko ang sagot.
Tumango siya. "Kyra Suarez."
Suarez? Ngumiti ako. Bakit kaya napunta ako sa ganitong sitwasyon?
"Bakit wala akong maalala? Kahit pangalan ko? Kahit ikaw lang sana?" Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya dahil pakiramdam ko ay aalis na naman siya para iwasan ang tanong ko.
Alam kong alam niya ang ginagawa ko ngayon dahil nakita ko ang takot sa mga mata niya. Takot saan? Takot sa kung anong mangyayari sa akin kapag nakaalala ako? O takot sa kung anong pwede kong maalala?
"You are not answering me, are you? Bakit parang takot ka?" lakas-loob na tanong ko na halatang ikinagulat niya.
"Kyra, of course I am afraid. Natatakot ako na may mangyari sa iyo kapag may naalala ka na naman. Please, stop asking such questions until you recover from your head trauma," he said.
Oo nga, bakit naman siya matatakot sa mga maaalala ko? If his concern for me is real and pure, he will never be afraid if I remember something in my past unless he is faking his care.
"You need to rest, my love." Tinulungan niya akong makahiga sa kama.
My love?
"Who are you? Why are you calling me your love?"
Mamamatay ako sa sobrang pag-iisip.
"Because I love you," he answered.
"Did I love you back?" My heart is pounding so fast.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...