Iniingatan
Hindi pa rin ako makapaniwala sa naalala kong iyon at tuwing naiisip ko ay labis ang kahihiyan na sumisibol sa puso ko, ang ala-alang iyon ay ang nagkumpirma sa akin na tunay kong mahal si Rav bago pa ako mahulog sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay nagawa niyang muling pahulugin ang loob ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung sinadya niya nga ba iyon o sadyang marupok lang ako? At sino ba kasing hindi mahuhulog sa lalakeng ito na kung makatingin sa akin ay akala mong ako ang pinakamahalagang kayamanan sa buong mundo, ang mga ngiti niyang nagpapatunaw sa kung ano mang depensa ang inilalagay ko sa sarili ko para hindi niya ako tuluyang mabihag.
Nag-init ang pisngi ko at muling hinarap ang salamin na kasing tangkad ko. Ang bestidang kulay abo na ipinasuot niya sa akin ay hanggang ibaba ng aking tuhod at sa konting ihip ng hangin ay sumasabay ang laylayan. Komportable man sa aking katawan ang abuhing bestida ay malakas pa rin ang tibok ng puso dahil makakasama ko ang lalakeng pinag-alayan ko ng sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Matiyaga niya akong hinintay na kahit ilang oras na ang lumipas ay wala man lang akong narinig na kahit anong reklamo sa kanya.
"Are you ready?" he asked me, he put the small straw hat on top of my head.
"Hindi ka ba nainip sa pag-aayos ko? Ang tagal ko kasing pinag-isipan kung ano ang damit na babagay sa akin. I want to be deserving to stand beside you," nahihiya kong sabi.
Sa limang iba't ibang klaseng bestida na binigay niya sa akin ay tunay akong nahirapan. Nahihirapan akong mamili dahil walang bumabagay sa akin, parang hindi ako sanay na makita ang sarili ko na ganoon ang mga suot, parang hindi iyon ang nakalaan at nararapat kong suotin.
"Kahit anong suotin mo ay ikaw lang ang babaeng may karapatang tumabi sa akin at samahan akong maglakad. You always bloom in my eyes. You are beautiful," sabi niya pagkatapos ay kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod.
Ngumiti ako nang tipid. "Hindi mo ako kailangang bolahin, Rav. Buo ang desisyon ko na sasama ako sa iyo ngayong araw. Huwag mo na akong paulanan ng mga mabulaklak mong mga salita."
Kumunot ang noo niya at ngumuso. "Kailan ka ba maniniwala sa mga papuri ko sa iyo? Hindi ba kapani-paniwala na ikaw ang pinakamagandang nahagip ng mga mata ko. If you only see yourself the way I see how stunning you are. Gustong-gusto kitang ipagdamot sa mundo."
Nag-init ang buong mukha ko. Rav is not only good with actions, but he is also good at playing with words. He always knows what to say and how he can make the girl fall in love with him in just a minute.
"Come on, Rav. It's almost noon, I'm starving," sabi ko na lang dahil hindi ko kayang pantayan ang mga salita niya.
He always makes me feel that he loves me whether it is with his sweet words or caring actions.
Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang mawalan ako ng alaala at manatili sa ospital na ito ay ngayon ko lang nakita ang kabuuan nito sa labas. Hindi ito mukhang ospital at mas mukha pa itong mansyon. Wala rin akong nakitang ibang mga pasyente at mga doktor o nurse, nakakapagtaka lang. Hindi ko na inabala pang tanungin si Rav dahil siguradong hindi rin naman niya ako sasagutin ng matino. Sumakay kami sa isang itim na kotse, naghihintay doon sa amin na tatlong lalake na malalake ang katawan, pormal na pormal ang suot at nakasalamin ng itim. Pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan ng isang lalake. Sumakay kami sa backseat at nakita kong tinanguan ni Rav ang nagmamaneho.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Rav na may isinuot na itim na salamin. Ngumuso ako dahil hindi ko na makita ang mga mata niya.
"Papasyal tayo sa Highland Market, konti lang ang tao ngayon doon dahil araw ng trabaho. Ano gusto mong kainin pagkarating natin doon?" Kinalabit niya ang ilong ko.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...