Kabanata 21

1.1K 33 28
                                    

Clear

"Date with me please, Kyra."

Hindi pa rin ako tinatantanan ni Raviro hanggang ngayon. Mag-aapat na linggo na rin niya akong kinukulit, eh, sa hindi nga pwede. I am still on duty, hindi pa rin umuuwi ang hari at reyna, ako pa rin ang kasama ni Risha, ayaw naman niya sa iba niyang nanny kaya sa akin lagi nakakapit. It's her seventh month birthday. Seven months old na siya at we are going to celebrate in an open park kasama ang mga batang ka-birthday din niya. It's not as grand as others imagine. Hindi pa naman kasi siya isang taon at wala pa ang parents niya. Simpleng celebration lang kasama ang mga uncles at godparents niya.

"I promise you a date when I get my day-off. Wala pa naman akong scheduled day-off at abala pa ako kay Risha. We will get there, Raviro. Huwag nang makulit or else, wala na talagang date," sabi ko at kinindatan siya.

Kung nakakapagsalita na si Risha at may malay na sa mga nangyayari sa paligid niya ay siguradong matagal na kaming nabuko. Ang uncle ba naman niya panay ang dikit sa akin kapag kaming dalawa lang ang magkasama, kung ano-ano pa ang mga sinasabi.

"Fine... Happy seven months, baby Risha. Nana and uncles muna ang kasama mo ngayon. Don't worry, it will be fun," sabi ni Raviro at kinuha na ang bag na dadalhin namin sa park.

Kasama ko sa limo ang limang prinsipe at syempre ang baby, nasa hiwalay naman na sasakyan si Daisie at Merly, sana ay ayos lang sila. Ito ang unang beses na lalabas ng palasyo si baby Risha under my supervision. Nag-aalala rin ako na baka nandoon ang binibini at gumawa ng gulo.

"Richart made sure that the security is very tight on that area. Sa malayo lang pwedeng mag-film ang media at nagkalat din ang mga Cordancian Cop at mga Royal Guard. This baby will celebrate her seventh month in the world in joy and peace," sabi ni Principe Rachim at kinuha sa kandungan ko si Risha.

"Mabuti at nandito ka, Reneesh. Hindi ka na busy sa kung ano man ang pinagkakaabalahan mo na ayaw mong sabihin sa amin?" tanong ni Principe Raguel habang nakataas ang kilay.

Principe Reneesh cleared his throat. "Magpapahinga muna ako at isa pa, it's Risha's day. I need to be here, wala na nga ang parents niya, a-absent pa ako."

"Si Reynard ang busy. Hindi ko maalis ang pakat sa Prass," sabi ni Principe Rachim habang pinapakain ng biscuit si Risha.

"Da-da! Ma-ma!" paulit-ulit na sabi ni Risha kaya napabaling kami sa kanya.

"Sorry, princess, they are not going to be there, but we will have fun. You will gain new and lots of friends there!" magiliw na sabi ni Principe Rafaelle at kinuha niya si Risha mula kay Principe Rachim.

Inaliw lang nila si Risha buong biyahe para hindi ito mainip at maalala pa ang mga magulang niya na hindi makakadalo sa kanyang party.

"Can I see her? I miss my baby so much," sabi ng reyna sa kabilang linya. Kitang-kita nga sa mukha niya ang pangungulila sa anak, halata rin ang pagod at puyat.

"Sure, Your Majesty." Hinarap ko kay Risha ang front camera ng cellphone para makuha siya sa video call.

"My sweetheart, ilang linggo pa lang tayo hindi nagkikita, ang laki-laki mo na."

Tumingin si Risha sa screen ng cellphone at tinuro iyon. Tumingin siya sa akin. "My?"

Tumango ako. "Yes, princess, that's mommy. Say 'hi' to mommy, she really misses you."

Inabot niya ang cellphone at hinalikan ang screen. My gosh! Paano ba hindi maiyak sa ginagawa ni Risha? Tuwing nakikita na lang niya ang litrato ng magulang niya ay hinahalikan niya. Hindi ko alam kung sino ang nagturo sa kanya no'n.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon