Special Chapter 3

1.4K 42 24
                                    

Isang beses pa akong bumiling pero hindi ko talaga makuha ang tamang pwesto para makatulog. Sa sobrang sarap naman ng tulog ni Raviro ay hindi man lang nagigising sa kalikutan ko. Sa sobrang pagkairita ko sa nararamdaman ko ay marahas akong bumangon at sinandal ang ulo sa headboard ng kama. Hinaplos ko ang tiyan ko at saka isang malalim na hininga ang pinakawalan. Ang hirap pala ang magbuntis tapos ang asawa mo ay sarap na sarap lang sa pagtulog at bubugnutan ka pa pagkagising.

"Anong gagawin natin, anak? Hindi tayo pwedeng mapuyat," kausap ko sa sinapupunan ko.

Ilang minuto kong pinarating ang antok ko pero ni paghikab ay hindi ko nagawa. Malapit nang mag-umaga at kaninang 7pm pa ako nagsimulang kuhanin ang tulog. Nang hindi ko matiis ay kinalabit ko si Raviro na hindi pa nagising kaagad.

"Raviro," bulong ko malapit sa tenga niya. Nilagay ko ang ulo sa kanyang dibdib at pinalupot ang isang braso sa kanyang bewang. Pinakinggan ko ang banayad na tibok ng puso niya.

Hindi ako makatagal sa ganoong posisyon dahil naiipit ang maumbok kong tiyan kaya umupo na naman ako nang tuwid. Ngumuso ako nang makitang gising na pala ang asawa ko at hinihintay lang akong magsalita.

"Hindi ako makatulog," sabi ko at bahagyang tinaas ang kumot pataas sa aking dibdib.

Naghikab siya at nag-unat bago umupo sa kama. Tinuon niya sa akin ang pansin, marahan niya akong hinila para makaunan ako dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok ko. "May gusto ko bang gawin kaya hindi ka makatulog? Anong oras na ba?" Mahinahon pero halata sa boses niya na kagigising lang.

"Wala, gusto ko ng matulog pero hindi ako makatulog. Bawal akong mapuyat, hindi ba? Hindi naman ako makatulog." May halong pagkainis at pagsusumbong ang boses ko.

Wala sa sariling napaiyak na lang ako dahil frustration. Normal lang bang maging ganito ang buntis?

Humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Raviro kaya tiningala ko siya. Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. "Bakit hindi mo kaagad ako ginising? Sana ay nasamahan kita."

Humikbi ako. "Baka kasi magalit ka na naman sa akin. Lagi kang galit sa akin tuwing nagigising kita nang wala sa oras. Gusto ko na talagang makatulog."

While I was busy crying because of a stupid reason, he started humming a song. Hindi ko alam kung ano ang kinakanta niya dahil hindi naman ako mahilig makinig ng musika. For some reason, I found his voice very soothing and it makes me calm. Kahit wala sa tono ay para akong hinehele ng kanyang awitin.

Humalakhak siya sa kalagitnaan. "You see? I am not singer. I can't sing."

Humilig ako sa kanyang dibdib at pumikit. "Hmm, please continue. I don't mind."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko at ang ang paghaplos ng kanyang kamay sa likod ko. "If you said so."

Sa mga gabing hindi ko maintindihan ang sarili ko ay hindi ko naman pala kailangang mangamba o sarilihin ang takot, I have a husband. A very understanding and caring husband. Minsan nga lang ay mas malala pa sa akin ang mood swings pero naiintindihan ko dahil kahit ang paglilihi ay inako na niya. Gusto kong kahit papaano ay maging magaan sa amin ang siyam na buwang pagbubuntis na ito.

Unti-unti akong hinatak ng antok na hindi ko akalaing darating pa pala. Ang huli ko na lang natandaan bago ako tuluyang makatulog ay ang paghaplos ni Raviro sa tiyan ko. He will be a great father, I know. Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang pagmamahal niya sa anak naming nasa sinapupunan pa lang. Simula noong malaman namin ang pagbubuntis ay mas naging maalaga pa siya sa akin. Sa mga oras na pakiramdam niya ay masusungitan niya ako siya na lang din ang dumidistansya dahil ang sabi niya ay baka may mga masabi siyang salita na hindi na naman niya mababawi at sumama pa ang loob ko. Alam kong hind biro ang paglilihi at sa kanya pa napunta ang bagay na iyon. Mahal na mahal nga niya yata talaga ako.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon