Nanny"Mas masaya dito," sabi ko at saka tumingin sa kanya. Kahit maingay, mausok, masikip, at sobra ang dami ng tao sa pampublikong pamilihan ay hindi man lang nabawasan ang galak na aking nararamdaman.
"I totally forgot that you are more fond of crowded places. You are more excited to blend with lots of people because you never experienced that." He held my hand and kissed the back of it.
Suot niya pa rin ang itim niyang salamin at hindi niya ako pinapayagang alasin ang bigay niyang sumbrero. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lang siya sa kung ano ang gusto niya dahil baka magalit siya at hindi na matuloy ang date namin.
Dinala niya ako sa isang maliit na souvenir shop. Mukhang kabisado rin niya ang lugar na ito at kakila niya ang mga namamahala. Malaki kaagad ang ngiti sa kanya ng matandang babae na nagbabantay sa kahera ganoon rin sa akin.
"Buenos diàs, Señor y Señorita! Bienvenido!" bati nito sa amin.
"Buenos diàs," bati ko pabalik, ngumiti ito sa akin.
Humarap si Rav sa akin. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Stay here, pumili ka ng mga magugustuhan mo. I will leave you here for a moment, babalik din ako kaagad."
Kumunot ang noo ko at biglang nakaramdam ng pangamba. "Where are you going me? Don't leave me." Hinawakan ko ang laylayan ng kanyang puting long sleeves.
Hinaplos niya ang pisngi ko. "I'll be back, mabilis lang ito. Don't worry, you are safe here," sabi niya at hinalikan ang noo ko.
"Okay." Tumango ako at hinayaan na siyang umalis.
Nilibot ko ang aking tingin sa buong lugar. Ako lang yata ang customer at ang limang tao na nandirito ay mga empleyado na. Ang mga mata nila ay nakatuon sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang. Tanging nahihiyang ngiti lang ang naibibigay ko sa kanila.
"Kyra," sambit sa pangalan ko ng babaeng kahera. Kilala niya ako?
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang malaki ang ngiti. Sa mukha niya at pagtingin sa akin ay mukhang matagal na niya akong kilala, siguro nga ay magkakilala kami pero...
"Napakatagal mong hindi bumisita. Kumusta ka na?" tanong nito at niyakap.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago sumagot. "Maayos na po ako ngayon."
Kumalas ito sa yakap at giniya ako sa pandalawahang upuan na malapit sa mga stuffed toys.
"Ang balita ko ay nasangkot ka sa isang aksidente kasama ang anak ng hari at mga principe, anong nangyari?" tanong nito na ikinagulo ng isip ko.
"Màma!"
Lumapit sa amin ang isang babae at lalake. Ang lalake ay may ibinulong sa ina habang babae ay nakangiti lang sa akin. Paulit-ulit namang tumatakbo sa aking isipan ang sinabi ng matandang babae. Bakit ko kasama ang anak ng hari at mga prinisipe sa kinasangkutan kong aksidente?
"Kyra, 'wag mong alalahanin ang sinabi ni màma. Nagkamali lamang siya. Ang tinutukoy niya ay ang isa sa mga kaibigan ko na nasangkot rin sa isang aksidente," sabi ng babae.
Ngumiti ako at tumango kahit na nangangamba pa rin. Hindi ko alam kung dapat ko bang isipin iyon, I only believe what Rav's saying to me. He is my light to this darkness.
"Kung ganoon ay malapit ang kaibigan mo sa Royal Family. Paano niyo nga pala ako nakilala at si Rav?" tanong ko sa babae na sa tingin ko ay nalalapit lang sa aking edad.
Sandali siyang natigilan pero kalaunan ay ngumiti rin. "You always visit our store. Lagi kayo rito ni Rav. Gustong-gusto mong bumibili ng mga keychains. Tuwang-tuwa si Màma sa inyo kaya sobrang nalungkot siya nang marinig na naaksidente ka."
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...