Kabanata 14

1.3K 44 15
                                    


Friends

Bumangon ako nang hindi ko na kinaya ang pagkabagot. Wala akong kasama ngayon sa loob ng kwarto dahil umuwi muna sandali si Winter sa bahay nila. Si Dr. Rainier naman ay kagagaling lang dito para tignan ang vital signs ko. Pitong araw, pitong araw na akong nandito sa Vera, hindi ko namalayan. Mapait akong napangiti, sa pitong araw na iyon ay hindi talaga ako nahanap ni Raviro. Dapat masaya ako, hindi ba? Ito ang gusto ko at ng pamilya niya. Ayos lang kaya siya ngayon? Paano kung malungkot pa rin siya hanggang ngayon? Paano kung hinahanap pa rin niya ako?

Pumikit ako nang mariin at kasabay ng panlalamig ng katawan ko ay ang pagbuhos ng mga nakalimutang alaala na ngayon ay nagbabalik na.

Bumuntonghininga ako, pilit na pinapakalma ang sarili habang iniisip ko kung anong buhay ang nahihintay sa akin dito sa palasyo. I was very lucky that the queen chose me to be the nanny of the Crown Princess, that's a big responsibility. Konting pagkakamali lang, kinabukasan ay baka humihimas na ako ng rehas. Bumuntonghininga muli ako.

"Eight times."

Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses na iyon. Napatayo ako at napayuko. Napalunok pa ako ng ilang beses nang makita kung sino iyon. Hindi ako sigurado kung sino siya sa anim na prinsipe dahil hindi ako masyadong pamilyar sa mga mukha nila. Narinig ko ang mga yabag niya na papalapit sa akin, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Walong beses kang bumuntonghininga mula nang umupo ka diyan hanggang sa sinabi ko na ang bilang. Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa loob ng palasyo?" tanong niya.

"R-Royal N-Nanny." Kinagat ko ang labi ko at palihim na kinurot ang sarili, anong klaseng sagot 'yon?!

"Ah, ikaw 'yung na-hire na nanny para kay Risha, hindi ba tatlo kayo?" tanong niya ulit.

Tumango na lang ako dahil baka wala na namang matinong sagot ang lumabas sa bibig ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at saka tinapik ang balikat ko.

"Ayos lang kabahan sa unang araw ng trabaho. Sa nakikita ko naman ay magiging mabuting nanny ka kay Risha. At isa pa..." Lumapit siya sa mukha ko at tinapat ang bibig sa aking tenga. " también eres hermosa (You are beautiful, too)," bulong niya.

Napaatras ako at naangat ang tingin sa kanya. Alam ko naman na gwapo silang lahat, pero hindi ko inaasahan na ganito kagwapo sa malapitan. Malaki ang ngiti niya na umaabot hanggang sa kanyang mga mata, makinis at malinis ang balat na akala mo ay hindi pa nadapuan ng kahit anong dumi. Mabango rin siya na sa tingin dahil sa perfume, mabango talaga siya. Nag-init ang pisngi ko at naibaba ang tingin nang ma-realize ko na nakikipagtitigan na ako sa kanya.

"Lo siento, Principe--" Naputol ang pagsasalita ko nang hindi ko maisip kung sino ba ang prinisipeng ito.

Kinagat ko ang labi ko at nahihiyang tumingin sa kanya. Napakamot siya sa kanyang batok at ngumiti ng tipid. "Raviro," dugtong niya sa huling sinabi ko.

"Lo siento, Principe Raviro. Maraming salamat sa sinabi niyo." Hindi ko yata makakalimutan ang kahihiyang ito.

"Ayos lang, hindi naman kasi ako kasing sikat ng mga kapatid ko. Wala pa akong ginagawang kahit ano na matatandaan ng mga tao. Si Rachim, ang umiwan sa trono. Si Richart na naging hari. Si Reynard na magaling sa Polo. Si Reneesh na babaero. Si Rafaelle na matalino at nag-top ng ilang beses sa university. Si Raguel na makulit at ayaw pumasok sa military. Wala pa akong nagagawang kahit na ano," sabi niya at bumuntonghininga.

Tumitig ako sa kanya ng ilang segundo, inisip nang mabuti ang tamang salita na sasabihin ko sa kanya. Masyado niyang binababa ang sarili niya para maitaas ang mga taong mahalaga sa kanya. He is a best cheerleader of his siblings. Hindi niya alam iyon dahil walang nagsasabi sa kanya at walang nakakakita.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon