Kabanata 25

1.2K 38 18
                                    


Night to Remember

Nagising ako nang magaan ang pakiramdam hindi dahil sa sobrang lambot ng hinihigaan ko ngayon, kung hindi dahil sa nangyari kagabi. Hindi pa rin makapaniwala sa sarili ko na pumayag akong magpakasal kay Raviro kahit sobrang gulo pa ng lahat. Tinaas ko ang kaliwang kamay ko at pinako ang tingin sa daliri kung saan nakasuot ang napakaganda at siguradong napakamahal na singsing. Kuminang iyon nang matamaan ng kaunting ilaw, ang gandang pagmasdan, parang imposible pero nandito na.

Bumangon ako nang marinig ang pagkatok sa pinto ng kung sino man. Siguro ay si Morgan na naman ito at mambubulabog na naman. Anong oras na ba kasi? Pakiramdam ko ang aga-aga pa.

"Ang aga mo naman?" tanong ko pagkabukas ko ng pinto.

Napatingin ako sa hawak niyang puting bestida at isang tray na sa palagay ko ay ang agahan ko.

"Para saan 'yang bestida?" tanong ko at pinapasok siya sa kwarto.

Nilapag niya muna ang tray sa mesa na nasa tabi ng kama at isinabit ang bestida para siguro hindi malukot.

"Pinapasuot ito sa inyo ng prinsipe ngayon. Pinauna na rin niya ang agahan niyo para makakain na kayo nang mas maaga," sagot niya.

Ano na namang meron? Ang dami ko pang damit dito, bakit meron naman siyang binibigay?

Ininom ko ang hot chocolate na kasama sa breakfast ko. Tinitigan ko nang mabuti ang puting damit, iniisip kung para saan ba iyon. Halos mabilaukan ako nang mapagtanto kung para saan ang puting bestida na ito. Kahapon lang siya nag-propose, huwag mong sabihin na...

Hindi ko natapos ang kinakain kong french toast at naglakad papunta sa silid ni Raviro na ilang hakbang lang mula rito sa aking kwarto. Kumatok ako ng tatlong beses sa nakasaradong pinto. Hindi naman siya excited, 'no?

Bumukas ang pinto at tumambad sa akin si Raviro na tuwalya lang ang takip sa katawan. Hindi ko namalayan na nasa baba na pala ang tingin ko. Tumikhim ako at inangat ang tingin ko. Tumingin ako sa paligid at nakitang may paparating na maid. Tinulak ko papasok sa kwarto si Raviro at ni-lock ang pinto. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Pinagbuksan mo ako ng pinto nang nakatapis lang tuwalya? Paano kung ibang tao ang nasa labas at hindi ako?"

Nilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang bewang at mataman akong tiningnan. "Ikaw naman ang nasa labas kaya wala akong problema ngayon. Bakit hindi ka pa nakabihis? Hindi ba kasya sayo ang damit?" Nagtaas siya ng kilay.

"Para saan ba ang damit na 'yon?" Pinantayan ko ang taas ng kilay niya.

Huminga siya nang malalim at saka lumapit sa akin. "I talked to Father Resnick and he agreed to marry us this day."

Nakumpirma ang kaninang hinala ko lang at parang nalunok ko ang dila ko dahil hindi ako nakaimik. Seryoso ba siya?

"Raviro..."

Tumango siya. "I know. Alam kong nabibilisan ka sa mga nangyayari. Kahapon lang kita inayang magpakasal, ngayon ay ikakasal na tayo." Bumuntonghininga siya. "Pero masisisi mo ba ako? Ilang araw na lang ay hindi na naman kita makikita. I want an assurance for this relationship. Ayokong darating ka na naman sa puntong itutulak na naman ako palayo pagbalik mo sa palasyo. I want you to feel that you are committed to me even if we are far away from this each other. Marrying you will put my worries in peace."

Nag-iwas ako ng tingin. Handa na ba kami sa ganitong sitwasyon? Wala naman talagang kasiguraduhan ang relasyon namin. Kapag nalaman pa ng hari at ng university kung anong itong ginagawa ko ay alam kong hindi maganda ang mangyayari.

"Paano ang mga kapatid mo? Paano ang hari at reyna? Hindi nila tayo mapapatawad kung susuway tayo sa gusto nila?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Yes, they will never forgive us for doing this, but listening to them, to other people, will never make us happy and contented. This is about us, not them. If we are wrong about this decision, then they should let us learn our lesson. Kung susundin natin ang gusto nila at makikinig tayo sa mga ayaw ng mga tao na gawin natin, hindi natin malalaman na pwede pala ang mga bagay na akala natin ay imposible. This will make me and you happy. For now, let's close our ears and eyes to the world, and listen only to what our hearts saying. Please, Kyra. Let's be selfish just for now." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon