AgainMabilis akong pinagbihis ni Raviro at mukhang hindi maganda ang mood dahil nabitin yata sa dapat na gagawin namin. Meron pa namang next time, ayos lang 'yan. Pabiro kong tinusok ang tagiliran niya para makuha ko ang atensyon niya, kanina pa kasi siya nakatulala sa may pinto.
"Masama ka pa lang binibitin," bulong ko at mahinang tumawa.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Anong sinasabi mo? Nabitin saan?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Kanina, iyong ginagawa natin." Nag-init ang mukha ko.
Ngumisi siya at bahagyang nilapit sa akin ang mukha kaya napaatras ako ng kaunti. "Ikaw yata ang nabitin, eh. Huwag kang mag-alala, itutuloy natin 'yon mamaya." Tumawa siya at lumayo sa akin.
Kinurot ko ang braso niya at ang tagiliran. "Ayoko na, hindi ka naman magaling." Umirap ako.
"Let's see. Get ready for me," sabi niya at saka tumawa ng nakakaloko.
Umiling-iling na lang ako, akala ko naman ay seryosong tao ang isang 'to. Maloko rin pala kaya ng Raguel na iyon. Oo nga pala, bakit kaya mabilis na umalis ang dalawang iyon? Nagalit ba si Raviro sa kanila? Huwag naman sana, hindi dapat sila mag-away-away dahil sa akin. Royal Nanny lang ako pero kung itrato ako ni Raviro ay parang mas mahalaga pa ako sa pamilya niya. Tama bang talikuran niya lahat para lang sa akin?
"Kyra, I can see already the Royal Limo from here. Are you going to be okay?" Ngayon naman ang seryoso niya.
"I am going to be fine. Base sa naalala ko, mabait naman sa akin ang reyna. Wala naman sigurong mangyayaring hindi maganda sa pag-uusap namin," sagot ko at ngumiti sa kanya.
Bumuntonghininga siya at hinawakan ang kamay ko. "Oo, mabait ang reyna sa iyo, noon...bago ka naaksidente at hindi ko alam kung paano ka niya pakikitunguhan ngayon. Ilang beses akong nakiusap sa kanya na hayaan munang makaalala ka bago ka niya kausapin. Wala ring mangyayari kung ngayon ka niya kakausapin, wala siyang makukuhang kahit anong impormasyon sa iyo. You still need to remember what happened before the accident occurred. Just let me know if you are not comfortable." Humarap siya sa limousine na huminto sa harap ng bahay.
Lumabas mula sa driver's seat ang isang lalakeng naka-tuxedo at pumunto sa backseat ng sasakyan. Napayuko ako at napahawak sa kamay ni Raviro nang mahigpit nang lumabas ang isang babaeng magara ang suot. Lumapit siya sa amin, ang itim na sapatos lang niya ang nakikita ko dahil hindi ko magawang iangat ang tingin ko.
"Long time no see, Raviro. Hindi ka na umuuwi ng palasyo. Richart still didn't like what you are doing. Don't worry, I just came here to talk with her," sabi niya sa mahinahong boses pero hindi ko alam kung bakit ako natatakot.
"Uuwi rin ako kapag may pagkakataon. Abala lang ako sa maraming bagay dito sa Gavilla." Humigpit ang hawak sa akin ni Raviro.
Hindi ko pa rin inaangat ang mga mata ko pero ramdam ko na nakatingin sa akin ang reyna. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, hindi ko rin siya binati.
"Hindi niyo ba ako papapasukin sa bahay niyo? Tatayo na lang ba tayo rito? Mainit, eh." Tumawa siya kaya naangat ko ang tingin ko.
Nagtama ang mga mata namin, nagulat ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Binuksan ni Raviro ang pinto, ako naman ay nakahawak lang sa braso niya. Naunang pumasok ng reyna kaya napagmasdan ko ang kabuuan niya sa likod. Pamilyar sa akin ang pigura niya pero hindi ko komportable. Siya ang nanay ni Risha, sila ang nag-hire sa akin bilang nanny ng kanyang anak. Mabait siya sa akin, alam ko. Pero hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa kanya.
"Na-miss ko ang ganitong bahay. Iyong maliit at tanaw ko lahat. Si Kyra ba? Komportable ba siya rito? Hindi ba siya humihiling ng mas malaking bahay?" tanong niya na ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...