ScreamsTulala ako habang inaalis ang mga damit ko sa maletang dinala ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko at panaka-naka rin ang pagtulo ng luha. Hindi ko pa rin nakikita si Raviro, hindi ko alam kung nasaan siya, hindi rin siya nag-reply sa text ko. Alam na kaya niyang alam na ng hari ang sikreto namin? At sa tingin ko naman ay wala ring ibang pinagsasabihan pa ang hari dahil normal pa ang pakikitungo sa akin ng reyna at ngininginitian pa rin ako ng mga staff ng palasyo. Ano nang mangyayari ngayon? Pinababalik niya ako sa opisina para makapag-usap pa muli kami nang hindi siya sumisigaw. Gusto ko sana ay nandito rin si Raviro kaya binabagalan ko ang pag-aayos. Panay din ang text ko sa kanya. Bakit ngayon pa siya hindi nagparamdam kung kailan kailangan ko siya?
Nagbabad ako sa paliligo at doon nag-isip kung ano ang sasabihin ko sa hari. Hindi na ako makakapagpalusot. Hindi magtatagal ay malalaman na rin ng university ang ginawa ko. Wala rin kaming magagawa ni Raviro kung hindi ang maghiwalay.
Pero, at least, naranasan kong maging masaya kahit sa sandaling panahon. Dapat ko na ring ipagpasalamat iyon. Na sa loob ng mga panahong kasal ako kay Raviro ay pakiramdam ko ay sobrang halaga kong tao, na kapag nawala ako ay may maghahanap sa akin.
Mabagal ang paglakad ko at malalim ang iniisip. Nagbabaka sakali rin na baka susulpot si Raviro bigla sa harapan ko, pero wala, hanggang sa buksan ko na nga ang pinto ng opisina ng hari. Natigilan ako nang makita si Raviro na nakaupo katapat ng hari. Tumingin siya sa akin at kaagad na tumayo para salubungin ako. Niyakap niya ako kahit na kaharap namin ang kapatid niya na hindi tanggap kung ano man ang meron kami. Bahagya ko siyang tinulak para makita ang mukha niya. He is smiling yet his eyes are screaming sadness and fear. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya, making him feel assurance that I will not let him go. Whatever might happen, so be it. I don't care, I want to be selfish with him.
"Let's go," mahinang sabi ko at ako pa ang humila sa kanya palapit sa hari.
Magkahawak-kamay kaming umupo at matapang kong itinaas ang tingin ko sa hari. Nagtaas siya ng kilay at umiling-iling.
"You knew the consequences, Miss Suarez, we discussed it before. Hindi ka ba natakot o nag-isip man lang? Akala mo ay hanggang salita lang ako. Ikaw na ang kinausap ko dahil alam kong mas maiintindihan mo ang sitwasyon kaysa kay Raviro. Nagkamali ako." Inabot niya sa amin ang isang malaking kulay kayumangging envelope.
"I will never sign this." Binalik ni Raviro ang envelope sa hari at mas mahigpit pang hinawakan ang kamay ko.
It's an annulment paper.
Wala rin akong balak pirmahan iyon. Mananatili akong kasal kay Raviro. I promised him that I will forever hold his hand, kahit gaano kahirap, kahit buong mundo pa ang kalaban namin.
"I get it...I get that you love this woman, Raviro, but you are risking her life and future. Your love for each other is too destructive. Hindi makakatulong, walang patutunguhan kaya bakit kailangan pang patagalin kung nakatadhang matapos rin naman," sabi ng hari at pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.
"Sino ka para sabihin 'yan? Sa lahat ng tao dapat ikaw ang higit na nakakaintindi sa akin. Kayo ni Iesha, kayo ni Reynard. You let Iesha removed a law for Reneesh and Muriel, for Irish. You let Reynard marry Antoinette. You conquered everything to be with Iesha," usal ni Raviro at nag-igting ang panga niya.
"What's your point here, Raviro?" Bumuga ng hangin ang hari at sumandal sa kanyang upuan.
Bumalik ang tingin ko kay Raviro. Ganoon pa rin ang mukha niya. Maraming gustong sabihin, kita ko iyon sa mga mata niya.
"You are unfair with me," sagot niya sa hari.
"What? Ako pa ang unfair, Raviro. I am saving your asses from bigger trouble. Sa tingin mo ay ayos lang sa mga tao kung ipagsasabi mo na ikinasal ka sa isang nanny na hindi naman dapat ikinakasal?"
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...