DarlingI woke up still feeling dizzy, kahit wala pa sa katinuan ay bumangon ko at pilit na kinilala ang paligid kung nasaan ako ngayon. Hindi ito ang ospital kung saan ako nanatili, maliit at gawa sa kahoy ang dingding. Halos abot ko na rin ang pinto ng kwarto sa sobrang liit ng espasyo. Where am I? Nasaan si Rav? Bakit ako nandito?
At naalala ko si Louise, ang pagsakit ng ulo, at ang mga alaala ko. Napasinghap ako, kaya ba gusto ko ang mga baby foods? Ang mga batang iyon, si Irish, Risha, at Anthony, mga Royal child sila? Parte ng Royal Family? That Cordancia's Central University is a school where Royal Nanny is a course, I remembered. I've been studying there since I was six. I finally remember that important but who is Rav?!
Bumukas ang maliit na pinto at natagpuan ko kaagad ang pagod na mga mata ni Rav. Mabilis siyang lumapit sa akin, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang itim sa ilalim ng mga mata niya ay ebidensya na wala pa siyang tulog at kakaunti lang ang pahinga.
"Kyra," napapaos na sambit niya sa pangalan ko.
It feels so different right now. Ngayon nagbalik na ang iilang alaala ko, pakiramdam ko ay nag-iba ako o bumalik lang ako sa dating ako?
Sa gulat ko ay niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi na ulit siya nagsalita, tahimik lang siyang nakayakap sa akin na parang kumukuha siya ng lakas. Hinaplos ko na lang ang likod niya at hinayaan siyang ganoon. My heart literally broke when I heard his little sob. I can't even think of ways how can I comfort him.
"R-Rav... Are you alright? D-Don't cry." I hugged him too.
Narinig ko ang pagsinghot niya na ebidensya na umiiyak talaga siya. Lalong bumigat ang pakiramdam ko at parang gusto ko na ring samahan siyang umiyak kaso ako ang lakas niya ngayon. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay alam kong kailangan niya ako. Siya naman ang may kailangan sa akin. Hindi palaging ako na lang ang aalagaan.
"What's wrong? You can tell me. Nandito naman ako, hindi mo kailangang sarilihin ang problema," sabi ko.
Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang kanyang luha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, kung ano ang problema.
"I'm alright, you don't have to worry. Masyado lang akong natuwa at naginhawaan dahil nagising ka na," sabi niya pero alam kong nagsisinungaling lang rin siya.
"I'm sorry that I made you worry too much." Nagbaba ako ng tingin. Isa rin ako sa mga nagbibigay sa kanya ng problema.
"You've been sleeping for a week, hindi rin alam ng doktor kung gigising ka pa. I prayed a lot on those days. I asked Him if He could bring you back to me, in return, I will work hard to be deserving for you." Hinawakan niya ang kamay kong may IV na naman.
"Rav..." Hindi ko alam ang dapat sabihin.
"My family is a big mess, Kyra. Ang akala ko ay kuntento at masaya na ako sa ganoon. Masaya na akong kasama ko ang mga kapatid ko, pero noong nakilala ko ang ina ko na hindi ko man lang naalagaan, nasaktan ako. Nandoon ka noong mga panahong iyon, you made me feel the peace and taught me how to forgive. So, don't leave me. Hindi ko na kakayanin, Kyra." Niyakap niya ulit ako.
I don't want to leave him either, but something that is inside me saying that I should leave him, that I should run away. Paano ko iyon gagawin? I want him near to me always, sa ngayon, sa kalagayan ko ay siya lang pinagkakatiwalaan ko sa sarili ko. Siya lang ang meron ako.
"I-I will never leave you unless you want me to," I said.
"I will never ask you to leave me, never! Dito ka lang, kahit anong mangyari, dito ka lang sa tabi ko."
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...