Don't need
Paglabas ko ng Interrogation Room, unang bumungad sa akin si Raviro na nakakunot ang noo. Alam kong magtatanong siya kaya nginitian ko siya at hinila na palabas ng Cops Station bago pa siya makasabi ng salita. Ayokong mag-drama ngayon, gusto kong sulitin ang bawat sandali na pwede pa kami na ganito kalapit.
"Do you have a car?" tanong ko sa kanya kahit na sinabihan ako ni Dr. Summer na sa sasakyan na lang niya ako sumakay.
"Yes, where do you want to go?" malumanay niyang tanong at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
"Gusto kong makita si Risha sa palasyo," sabi ko bago niya sinara ang pinto at umikot para makasakay sa driver's seat.
"You are staying at the palace? My brother let you?" Nagtaas siya ng kilay.
Tumango ako at kinabit na ang seatbelt. Imbis na matuwa ay lalong kumunot ang noo niya. Alam niya yata na may mangyayaring hindi maganda.
"Bakit sa akin mo piniling magpahatid? Bakit hindi sa boyfriend mo? I saw him earlier," walang ganang sabi niya habang ang mga mata ay nasa kalsada.
"I don't have a boyfriend. Sorry for lying." Nag-iwas ako ng tingin.
"Why?"
Bumuntonghininga ako. "I just thought that you will stop chasing me. Nakalimutan kong pursigido ka nga pa lang tao. I want to hurt you so you will leave and will never face me again."
"You hurt me, but not enough to make me leave you," sabi niya bago iniliko ang sasakyan papasok sa tarangkahan ng palasyo.
Mukhang kailangan ko pang gumawa ng script, iyong tipong pangpelikula para tigilan na ako ni Raviro. Bilang lang ang oras namin at pagkatapos ay wala na pero bukas pa naman iyon...
"We are here," anunsyo niya at nauna na sa pagbaba ng kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin. A gentleman as always.
"Nana!"
Lumingon ako sa pasilyo kung saan narinig ang matinis na sigaw. Sinalubong ako ng yakap ni Risha na hingal na hingal dahil sa pagtakbo kasunod niya si Irish at Anthony. Nahuhuli naman si Darius pero malaki rin ang ngiti.
"Stay ka na, Nana? Hindi ka na alis? Miss na kita, eh," sabi ni Risha tsaka ngumuso.
Marahan kong pinisil ang pisngi niya. "I'll stay...for now. We can play until tomorrow."
"Ay, tomorrow lang. Hindi pwede everyday? Aalis ka ulit after tomorrow, nana?" tanong ni Irish.
Huminga ako nang malalim. Gusto ko rin namang palagi na lang nasa tabi nila, I want to watch them grow, lalo na si Risha. I want to be there when she can finally attend school, meet new friends, and explore the world outside the palace but it will never happen.
"Let's not think about, we have this day and tomorrow. It's a long time pero kung magiging sad kayo dahil iniisip niyo na konti lang ang time natin, hindi natin masusulit ang araw. Smile na." Ngumiti ako para ngumiti na rin sila.
Tumingin ako kay Raviro pero nag-iwas din kaagad dahil sa kakaiba niyang mga titig. Ayoko munang makipagtalo sa kanya ngayon. Hinayaan ko siyang dalhin ang gamit ko habang hinahatak ako ng mga bata sa kung saan.
"Where are we going?" tanong ko sa kanila.
"Play!" sigaw ni Anthony at pumalakpak pa.
"Okay."
Tinuro ni Risha ang pinto na nasa tapat na namin ngayon. This is her playroom. Ang alam ko ay hindi siya iniiwanan ng mommy niya rito na walang kasama.
"Mommy can't play now, baby is sick," malungkot na wika ni Risha.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...