Wakas

3.3K 72 15
                                    


Home

Binuksan ko ang mga mata ko nang maramdamang may mga pares ng mga mata ang nakatitig sa akin. Napangiti ako nang makitang seryosong nakatitig sa akin si Raviro, ang asawa ko.

"Hey," namamaos na bati ko. "Good morning, handsome." Tinaas ko ang kumot hanggang sa balikat ko.

"Good morning," seryosong sabi niya.

Kumunot ang noo ko at kahit inaantok pa ay pilit na binuksan ang mga mata. "Ang aga mong nagising at ang aga mo ring nakasimangot."

"Hindi ako natulog." Umiling siya. "Hindi ako makatulog," sagot niya at nag-iwas ng tingin.

"Raviro..." Bumangon ako at hinarap siya. Hinuli ko ang mga mata niya na pilit niyang iniiwas sa akin. "Look at me, iniisip mo pa rin iyon? I said it's fine. Walang kaso sa akin iyon."

Umiling siya. "No! It's a very big deal. Hindi ako magiging maayos. This sex is useless!" iritadong sigaw niya at saka mabilis na tumayo.

Kinuha ko ang silk robe na nasa tabi ng kama at sinuot iyon. Pinulot ko naman ang boxer niya at ibinigay sa kanya. "Are you saying that having sex with me is useless?" Nagtaas ako ng kilay.

"No! You, having sex with me, is useless. I can't give you a baby." Iniwas niya ang mukha niya nang may tumulong luha sa kanyang mga mata.

"Raviro, no. Huwag kang ganyan mag-isip. We can have a baby. Marami pang paraan." Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang kanyang mga luha.

We are trying to get pregnant for almost 6 months, until we found out that he's sperm count is lower than normal. Ang sabi ng doctor ay malaking factor daw ang nangyaring aksidente sa kanya para mangyari iyon. At pagkatapos ng araw na iyon, ay hindi ko nakausap pa nang matino si Raviro. He never smile again like before. Sinabi ko na sa kanya na ayos lang kung hindi kami magkaanak, walang kaso iyon sa akin. Masaya na akong kaming dalawa lang pero responsibilidad pala niyang magkaroon ng tagapagmana kaya labis-labis na lang ang kalungkutan niya ngayon.

"Hindi tayo susuko, marami pang panahon at paraan. We are going to try them all. We are going to wait until God gives us a miracle, pero kung magiging malungkot tayo ay mas lalong magiging imposible ang gusto nating mangyari. If we stop making love, we don't know what will be our lost. At isa pa, I love making love with me. It makes me feel special and so connected to you. If we stop being a man and wife, we might lose our love for each other. I am afraid because I feel that it is happening now." Huminga ako nang malalim at tinitigan siya.

"I can't lose you again," sabi niya at hinalikan ang aking noo.

"Me either. Let's go back to what we are used to be, okay. Pasyal tayo sa Gavilla. Gusto kong magpunta ulit sa Open Market," sabi ko at hinila siya patayo.

Makahulugan akong ngumiti habang hinihila pa rin siya papasok ng banyo. Maligayang-maligaya ang aking umaga.

Sa loob ng anim na buwan ay kuntentong-kuntento ako sa buhay ko bilang asawa ni Raviro, sobrang maalaga at hindi nahihiya sa PDA. Minsan ako na nga pipigil sa kanya para lang tigilan ang paghalik sa akin sa harap ng maraming tao. Hindi pa rin kasi ako sanay na may nakakakita sa aming ibang tao, lalo na sa harap ng kanyang mga kapatid.

"Raviro, ayos ka lang? Ano bang nakain mo at sumusuka ka ngayon?" nag-aalalang tanong ko.

"Nahihilo lang ako. Masama ang pakiramdam ko ngayon," sagot niya pagkatapos ay naghilamos at nahiga sa kama.

Dalawang buwan na siyang ganyan, simula noong huling pagtatalik namin. Oo, hindi na muling naulit pa. Hindi ko alam, naiinis na nga ako minsan. Kahit anong pilit ko ay ayaw talaga niya, ang sabi ko na nga minsan ay ako na lang ang gagalaw.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon