Kabanata 26

1.1K 43 9
                                    


Complete

Kahit ayokong matapos ang mga sandaling iyon ay hindi ko na napigilan ang mabilis ng oras. That one week is the most memorable part of my life. Wala na yatang mas isasaya pa sa mga araw na nakapaloob sa isang linggong iyon. Ang nakakalungkot lang ay hindi na muli pa iyong nasundan. Mahigit isang buwan din na tanging tawagan at pagpapadala lamang ng mensahe ang naging komunikasyon namin. Noong Daddy Day naman ni Risha ay nagpasama sa akin ang reyna sa pinuntahan nitong spa. Kahit ayokong hubarin ang wedding ring ko ay kailangan ko pa ring gawin. Kasama iyon sa protocol naming mga nanny na bawal magsuot ng kahit anong alahas kapag nasa duty. Isa pa, kung hindi ko ito tatanggalin ay makikita ng reyna at hari, siguradong magtatanong sila kung kanino galing iyon. Nilagay ko iyon sa isang ligtas at tagong lugar sa aking silid. Ilang araw ko na ring tinatago ang engagement ring at ang wedding dito, hindi naman nawawala.

"It is surely pink," sabi ng reyna habang nakatingin sa magazine na dala ng kinuha nilang organizer para sa first birthday ni Risha.

Nakaka-excite nga dahil sa Concordancia pa ito gaganapin. Ang pinakamalaking Cruise Ship sa buong bansa.

"Of course, Your Majesty. Baby pink and gold will be the color motif. Traditional party foods of Cordancia and Philippines for the food and Risha's friends will be added to the guest list, got it, ma'am. This birthday will be known for centuries. The grandest birthday for the first Crown Princess of Cordancia." Ngumiti ang organizer habang nagsusulat sa kanyang planner.

"I just want my baby to enjoy her birthday kahit medyo gahol sa oras ang preparation. Sana lang ay umabot sa oras ang lahat. Salamat sa pagpunta mo," sabi ng reyna bago naglakad paalis ang organizer.

"Mum-mum!" sabi ni Risha at tinuro ang tubig na nasa drinking cup niya.

Kumakain na naman po ang prinsesa ng kanyang paboritong biscuit. Gusto ko sana siyang maghinay-hinay sa pagkain kaso kung hindi ko naman bibigyan ay magwawala na parang hindi pinapakain.

Tinapat ko sa bibig niya ang inuminan, siya na ang humawak no'n kaya nasilip ko sandali ang nag-vibrate kong cellphone.

Raviro:
Guess what?

Mabilis kong tinago ang cellphone ko ng lumapit sa amin ang reyna. Binitiwan kaagad ni Risha ang hawak niyang biscuit at drinking cup, at pilit na sumasama sa kanyang mommy na hindi naman na pwedeng magbuhat dahil malaki na ang tiyan, mabigat pa si Risha.

"Hindi ka na tumigil kakakain, anak. Baka naman hindi ka na matunawan niyan. Kakaubos mo lang ng milk mo." Pinunasan ng reyna ang kanyang bibig.

"Up!" sigaw ni Risha nang hindi siya buhatin ng kanyang mommy.

"No, princess. Mommy can't carry you na. Nana will do make you up na lang, okay?" sabi ko sa kanya.

"'Kay!" Nilahad niya ang kamay sa akin, ako naman ay dahan-dahan siyang inangat. She's so siksik!

"One month na lang, one year old na ang baby ko. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nang ilabas ko siya rito." Tinuro ng reyna ang gitna ng kanyang mga hita.

Bahagya akong natawa. "Mabilis po talagang lumaki ang mga baby. Mabilis din pong tumakbo ang oras kung masaya ka."

"True. Sandali lang nga." Lumapit siya sa pinto ng kwarto dahil may kanina pang kumakatok.

Pumasok ang hari na nakasimangot at mukhang nagtatampo sa asawa.

"Huwag mo nga akong nginungusuan, Richart. Hindi mo bagay, promise." Umirap ang reyna sa asawa.

"Kanina mo pa ako iniinsulto. Ano bang problema at kanina mo pa ako iniiwasan?" Bumaling sa akin ang hari. "Ako na muna ang magbubuhat sa anak ko, magmeryenda ka muna sa labas," sabi sa akin ng hari.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon