Kabanata 37

1.6K 41 5
                                    


Spain

Pare-pareho kaming mga gulat at hindi alam ang gagawin. Napatingin ako kay Risha na nagtataka ang mukha, siguro ay nagtatanong sa sarili kung bakit hindi pa rin ako umaalis. Si Dr. Summer naman ay may katawagan na hula ko ay si Dr. Rainier at narinig ko pa na sinabi niya na ipaalam muna siya sa ospital na hindi muna makakapasok hanggang bukas. Hindi kasi kami pinayagan ng hari na umalis dahil baka nga raw ako unang balikan ni Lady Helen at sinabi pa niya na gustong-gusto talaga nitong kuhanin si Darius sa kanila.

"Nana, hindi ka na alis?" tanong ni Irish at kumandong sa akin.

"No, I want to be there!" sigaw ni Risha at tumakbo palapit sa akin.

Bumaba si Irish at pinagbigyan ang prinsesa. Umupo na lang siya sa tabi ko at niyakap ang braso ko.

"Ay, bad si Risha. Nauna ang hermana, eh." Tumingin ako sa kanya. Ngumuso lang siya at pinanindigan ang pwesto.

"Okay lang po, ate ako kaya give ako always," sabi ni Irish at ngumiti sa akin.

Hinaplos ko ang buhok niya. "Hindi muna aalis si Nana. Baka hanggang bukas pa ako nandito habang nasa labas pa ang bad woman."

"Are we going to be safe?" tanong niya ulit. May takot sa mga mata niya.

Tumango ako. "Oo naman. Your daddies and mommies will make us safe and uncles din."

Hindi rin naman ako sigurado kung mahuhuli nila si Lady Helen kaagad. Knowing her, she will do everything to succeed. Palaisipan pa rin sa aming lahat kung paano siya nakatakas.

"The CCTV footage is corrupted. We cannot view them anymore," sabi ni Princesa Astra na mabilis na nagpunta rito nang ipatawag ni Principe Rachim. She looks slimmer than I remembered.

"Is it possible that one of the cops inside did it?" tanong ng hari.

"Possible, lalo na iyong mga nasa IT department. They are in-charge to the system of the whole station, t'saka, mukhang maalam din sa hacking ang gumawa. Based on the algorithm, the cell door can be only open by the Chief of Police with his personalized card," sagot ni Princesa Astra.

Kung ganoon ay hindi pala nag-iisa ang binibini. Alam ko dapat iyon dahil nagawa nga niya ang malinlang sa mga salita at paawa niya. Swerte na lang ako dahil natuahan ako kaagad. Sino na naman kaya ang taong nauto niya?

Sabay-sabay kaming napatingin sa bumukas na pinto, it is a Royal Guard holding Louise. Tumingin sa akin ang matalik kong kaibigan na may pagsisisi sa mga mata. Naguguluhan ako, anong ginagawa niya rito?

"What is it?" tanong ng hari ng humarap ito sa kanila.

"This lady keeps on telling us that they need to talk to you and her best friend, Miss Kyra Suarez," sabi ng guard.

"Louise," tawag ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin at bigla na lang siya humagulgol at napaupo pa sa sahig. Kaagad ko siyang dinaluhan at inangat ang mukha. Niyakap niya ako at panay ang hingi niya ng paumanhin.

"Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

Tumayo siya at hinarap ang hari. "I'm so sorry, Your Majesty. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko pero hindi naman kakayanin ng konsensya ko kung ililihim ko ito." Bumaling siya sa akin.

"Kyra, I was the one who told the lady about you. She is giving me the money that I need to sustain my needs here in Cordancia. I was about to tell you that when met again at the seminar pero natakot ako na baka kamuhian mo nang malaman kong tumalikod ka na sa kanya. I'm so sorry, I didn't know that it will all come to this. Ako rin ang tumulong sa kanya na makalabas ng kulungan ngayon," pag-amin niya na ikinatahimik ng lahat.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon