YesHindi ako makapagsalita at panay ang ikot ng mga mata ko sa silid na pinagdalhan sa akin ni Raviro, parang mas maganda pa yata ito kaysa sa mga silid sa palasyo. Nakakapanliit ang buong lugar at parang lahat ng gamit ay kaya ka ng buhayin. Umalis siya sandali dahil may kailangan pa raw siyang tapusin kaya rito niya ako pinaghintay. May iniwan pa siyang orange juice at iba't ibang klaseng tinapay. At saka iyong bag ko, wala na, kinuha niya. Nandoon pa naman ang mga pera ko. Sumilip ako sa bintana at nakitang malapit nang lumubog ang araw. Wala yata akong balak paalisin ni Raviro, naka-lock din ang pinto at mga bintana. Hindi naman ako aalis kung ayaw niya. Hindi naman niya ako kailangang ikulong.
Kinain ko na lang ang sugar cookies at uminom ng orange para hindi naman sayang. Isang linggo lang ang meron ako kaya dapat sulit na sulit. Napatigil ako sa pagkain nang bumukas ang pinto. And there is the handsome man in the whole duchy of Gavilla. Napalunok ako at napainom ng orange juice. Pinunasan ko rin ang bibig ko bago umayos ng upo. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Umusog ako ng kaunti para kahit paano ay may distansya pa rin sa pagitan namin. Nahihiya akong ngumiti sa kanya, siya naman ay seryoso lang ang mukha. He shaved his not-so long beard. Kanina, noong niyakap niya ako mula sa likuran ay naramdaman kong tumutusok iyon sa batok ko. Ngayon ay malinis na, parang Raviro na ulit sa palasyo.
Nagtaas siya ng kilay kaya nawala ang ngiti ko. Ano bang iniisip niya? Nakakatakot pala siya kapag hindi nagsasalita. Umusog siya papalapit sa akin, lalayo ulit sana ako nang hilahin niya ang kamay ko at hinawakan ang batok ko para mahalikan ako nang marahan. Napahawak ako sa balikat niya at napapikit nang marahanang gumalaw ang mga labi niya sa mga labi ko. Oh, I miss this. Sulit na ba ang bakasyon, Kyra?
Hindi...kulang pa!
Hinila ko ang kwelyo niya at mas pinagbuti ko ang paghalik. Hindi lang siya ang marunong humalik dito, akala niya, ha? Tahimik ang buong paligid at tanging tunog lang ng paghahalikan namin ang naririnig, pati na ang malalalim na paghinga. Ang marahang mga halik ay unti-unti ng nagiging mapusok. We need to stop! Kung hindi ay wala nang mas susulit pa sa bakasyon na ito.
Tinulak ko siya nang marahan. Naglayo lang ang mga labi namin pero hindi ang katawan. Tumatama pa rin ang dulo ng ilong ko sa matangos niyang ilong, ang mabango niyang hininga ay langhap na langhap ko. Kaya kahit naghahabol din ako ng hininga ay tinikom na lang ang bibig ko. Mahirap na, baka hindi kaaya-aya ang amoy ng sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa binti ko at ang isa ay nasa likod. Bumalik ang tingin ko sa mga mata niyang naghihintay sa akin.
"H-Hi," mahinang sabi ko. Ngayon ko pa talaga naisipang magsabi ng 'hi'. Ano 'to? Kainan muna bago bati?
"One week vacation, huh? What are you doing in Gavilla?" tanong niya bago ako pinakawalan.
"K-Kukumustahin lang kita. Mukhang ayos ka naman kaya, aalis na rin ako. Kaya lang iyong bag ko, saan mo dinala?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Ngumisi siya at umiling. "So, you will leave me just like that? At akala mo naman ay pagbibigyan kita? Ang tagal kong hinintay ang day-off na ito. Akala ko ay hindi mo na ako maalala, ang unfair kung ganoon."
Nagtaas ako ng kilay. "U-Unfair?"
Ngumiti siya sa akin. "Unfair kasi, iniisip kita araw-araw pero magagawa mo lang akong kalimutan ng gano'n kabilis."
Umiling ako. "Ikaw nga ang akala kong nakalimot na. Akala ko ay nagpalit ka na ng numero o ayaw mo na akong pansinin, dahil ang tagal mong mag-reply, inisip ko na ayaw mo na akong makita. Nainis ako sa'yo. Wala akong kaalam-alam sa Gavilla pero nagpunta pa rin ako para sa'yo, para makita ka kasi sobra na akong nangungulila sa iyo." Mabilis kong tinakpan ang mukha ko nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...