Kabanata 27

1.2K 35 12
                                    


Peacefully

"You didn't entertain Miss Alisia." Narinig kong sabi ng hari habang kaharap niya si Raviro.

"I said, I don't want to get married yet. Ano bang mali roon?"

Umiwas na ako patungo sa kung nasaan sila habang hindi pa nila kami nakikita ni Risha. Hinawakan ko nang mabuti ang kamay nang lumiko kami, sinasanay ko siyang maglakad sa paligid ng palasyo. Kung pipilitin pa ng hari ay hindi magtatagal ay malalaman din niya na kasal na kami. Hindi ko alam kung mangyayari sa araw na iyon. Kung pwedeng hindi na lang sana mangyari.

Pumalahaw ng iyak si Risha dahil hindi ko namalayan na nasa damuhan na pala kami. Ayaw niya sa damo, eh.

"Yuck!" sigaw niya at nagpabuhat sa akin.

"Alright, aalis na tayo, huwag ka nang umiyak. Ito naman, parang kakainin damo." Binuhat ko siya at halos mapatid lahat ng ugat sa katawan ko sa bigat.

Hindi naman siya mataba pero parang bumubuhat ako ng isang kaban na bigas sa bigat niya. Naglakad na kami pabalik sa loob para mapalitan ko na ang damit niyang basa sa pawis. Ganoon na lumipas ang mga araw sa palasyo. Hangga't maaari ay iniiwasan ko na magkasalubong kami ni Raviro sa daan o pinipigilan ko ring makipagkita sa kanya habang nakatirik ang araw. Mahirap na, hindi kagaya ng Gavilla ang palasyo, maraming mata rito at sa tingin ko ay may tenga at bibig din ang mga pader.

Naibaba ko ang hawak kong pregnancy test stick nang makita ang dugo sa panty ko. I thought I am pregnant, ilang days na rin kasi akong delay sa menstruation ko. Napaupo ako sa toilet bowl at hindi na napigilang maiyak. Masyado yata akong umasa na buntis na ako at sa wakas ay may solusyon na rin sa problema namin ni Raviro.  Naninikip ang dibdib ko at parang gustong sumabog ng utak ko dahil sa inis. Anong problema? Gabi-gabi naman kami ni Raviro, hindi rin kami gumagamit ng kahit anong proteksyon. I should be pregnant by now.

"Kyra?"

Narinig ko ang boses ni Raviro mula sa labas ng pinto ng banyo. Pinigilan ko ang paghikbi nang marinig ang pagkatok niya at pagpihit ng doorknob. Bumukas ang pinto at kumunot kaagad ang noo niya nang makita ako na umiiyak. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. Bumuntonghininga siya at lumuhod sa harap ko. Kinuha niya ang hindi nagamit na pregnancy test stick at napatingin sa panty ko na may bahid ng dugo.

"I...I-I thought I was p-pregnant. Ilang days na kasi kaya naisip ko at umasa ako pero dinatnan ako ngayon. I'm sorry, Raviro, I am not pregnant. I'm so sorry." Yumuko ako at mas lalo pang bumuhos ang mga luha.

Niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko. I'm such a failure. Bakit hindi ako mabuntis? Ilang buwan na naming sinusubukan.

"Akala ko magkakasolusyon na ang problema natin. Akala ko magiging malaya na rin tayo sa wakas. Umasa ako, Raviro, kaya ang sakit-sakit sa dibdib. Patawarin mo ako." Niyakap ko siya pabalik nang mas mahigpit sa yakap niya.

"Why are you saying sorry to me? It's not your fault. Walang may kasalanan na hindi ka pa buntis ngayon. We can just try again and again. Hindi lang siguro ngayon ang tamang oras to have a baby. At isa pa, mali rin siguro ang dahilan natin kung bakit gusto na nating magkaanak. I know it is so upsetting to have high hopes and in the end, our expectations will not happen, but don't put the blame on yourself, it's not your fault." Ingat niya ang mukha ko at pinunasan ang mga butil ng luha na lumandas sa pisngi ko. Tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti. "Kahit hindi tayo magkaanak, hindi magbabago na ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama."

Tumango-tango ako. Ako na mismo ang nagpunas sa luha ko. I just thought that not getting pregnant is a woman's greatest failure and I was wrong. Getting the wrong partner is a woman's greatest failure. Good thing, I choose Raviro. Good thing that I am with a man that can see my worth even if I don't give him anything.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon