Boyfriend"You can check now your bank accounts for your first salary. You did well in your first month here." Tumingin sa akin ang hari. "Especially you, Miss Kyra."
Yumuko ako. "Thank you, Your Majesty."
Ang bilis ng araw, mag-iisang buwan na rin pala ako rito. Dalawang linggo ka na ring hindi kinakausap o pinapansin si Principe Raviro. Nangungulit pa rin siya paminsan-minsan pero kapag nahahalata niyang naiirita na ako ay titigil na siya. Mukha namang natutuwa si Principe Reynard at ang reyna sa ginagawa ko.
Napainom ako ng tubig nang mapagtaasan ako ng boses ng binibini, hindi ko pa siya nakikita na ganito kagalit. She didn't like my slow progress inside the palace.
"Huwag mong sabihin na hindi mo na itutuloy ang plano natin. I helped you and you should help me. I want it fast!" sabi niya.
Tumingin ako sa paligid ng restaurant kung nasaan kami. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at hindi ako nahihiya ngayon.
"Hindi naman ganoon kadali ang pinapagawa mo. Paano ko palalabasin na namatay ang sanggol nang hindi ako pinaghihinalaa?. Gusto ko rin naman mabuhay pa pagkatapos ng lahat ng ito," mahinahong sabi ko para kahit papaano ay kumalma siya.
"Then, think! Kung tutunganga ka lang ay hindi mo magagawa ang mga pinapagawa ko sa iyo. I want them to suffer too, kagaya ng ginawa nila sa atin. Wala ka na bang pakialam sa lolo mo? They killed him and gave you nothing." Nasuklay niya ang buhok gamit at daliri at ilang beses na huminga nang malalim.
"Bakit ang baby pa? Wala siyang kasalanan, pwede naman 'yong iba na lang." Tumango-tango ako para makumbinsi siya.
Umiling naman siya. "So, ngayon naaawa ka na sa sanggol na iyon? Sinasabi ko na nga ba! You can't pity them, Kyra. Naawa ba sila noong pinatay nila ang lolo mo? Ni hindi sila nagkaroon ng kahit anong interes hanapin kahit iyong buto man lang ng matanda! Wala ka man lang natanggap na kahit anong tulong mula sa kanila. Ako, Kyra! Ako ang pumulot sa iyo noong walang-wala ka na. Ako ang nagmalasakit sa iyo kasi pareho tayo ng pinagdaanan. We should help each other, I did my part so, do yours." Nilapag niya ang isang maliit na container na may lamang isang likido na walang kulay sa mesa at inilapit sa akin
"Ano 'to?" Nagtataka akong tumingin sa kanya.
Tumingin muna siya sa paligid bago nagsalita. "A poison. Put that on that baby's milk, para hindi ka madamay siguraduhin mong ang nanay ang magpapakain sa kanya," sabi niya at tumayo na.
Nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon at wala sa sariling inilagay ko sa bulsa ng damit ko.
"I'll expect a result this month. Don't fail me, Kyra. This is for the both of us." Naglakad na siya palayo sa akin pero paulit-ulit pa rin ang mga salita niya sa tenga ko.
I know to myself that I can't do this. I can't poison the baby. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng minamahal kaya bakit ko naisipan na gawin din iyon sa iba? Bakit ako pumayag sa gusto ng binibini sa una pa lang? Dapat tumanggi na ako noon pa lang. I can't murder someone, especially an innocent baby.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ang mensahe mula sa binibini.
The Lady:
If you won't do it, I'll do it myself and I will surely drag you into that. You have no choice. Save the baby or save your precious life.Tinago ko na ang cellphone at hindi na nag-reply, but I can't stop myself from doing that. I promised my abuelo that I will live a great life. Pagkatapos ng lahat ng ito, babalik na ako sa simpleng buhay. Kung mamatay dahil sa akin si Princesa Risha, hindi rin ako matatahimik. Hindi ko makakayang matulog bawat gabi, iniisip ang ginawa ko. No, I can't do this. Abuelo, I'm so sorry for losing you so early. I also know that you don't want me to do this. I love you so much, I promise that even without your body, I will give you a proper burial. Kapag nakaipon na ako at kapag may oras na ako, I will fail you this time.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...