On itWalang imik akong tumakbo nang mabilis palayo sa kanya. Kahit hindi ako makakita nang maayos dahil sa mga luha sa mga mata ko. Tumakbo ako nang tumakbo, nararamdaman kong tumatakbo rin siya sa likuran ko.
"Kyra! Stop running away!" sigaw niya pero hindi ako huminto.
Sa kakatakbo ko ay narating ko ang bahay ni Dr. Summer. Kinuha ko sa bulsa ang susi ng bahay na pinahiram niya sa akin. Bago pa ako makapasok sa loob ay nahawakan na ni Raviro ang braso ko at hinila palapit sa kanya. Pumiglas ako pero sadyang malakas siya para sa akin. Bago sa akin ang pinapakitang emosyon ng kanyang mga mata nang titigan ko siya, hindi katulad ng dati na malamyos iyon at palaging may pag-aalala, ngayon ay purong galit lang ang nakikita ko.
"Principe Raviro, we need to stop. Let's stop here," nanghihinang usal ko, tinigilan ko na ang pagpiglas. Hahayaan ko na lang kung ano ang gagawin niya sa akin. I deserve everything, kung saktan niya ako ay ayos lang. I hurt him anyway.
"Why did you sign the paper? Why, Kyra? Pinagpalit mo ako sa pera? I can you give anything, just don't leave me like that." Tinitigan niya ako, ang mga mata niya ngayon ay nangungumbinsi.
Umiling ako. "They are punishing you instead of me because you are protecting me. I don't need that, mas mabuti na ang ganito. You will lose everything you already have just to have me and that's unfair. I'm sorry if I did that without your knowledge. Let's move on," nagmamakaawang sambit ko at ginamit lahat ng natitirang lakas para makawala sa pagkakahawak niya.
At dahil na rin natulala siya sa sinabi ko ay tuluyan ko ng nasarado ang pinto ng bahay.
If there is another life after this one, I will never be a nanny. Instead, I will find you, kahit nasaan ka, kahit sabihing imposibleng malapitan at makausap ka. Maybe this lifetime is not for us, Raviro. I'm so sorry.
Nagkulong ako sa kwarto na tinutulugan ko at doon umiyak nang umiyak hanggang sa hindi na kaya ng mga mata kong lumuha. They said crying makes you feel better, kahit naubos na ang luha ko ay hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko. I want this to end, I want the pain gone. Makulimlim ang panahon, hindi kagaya kanina na sobrang liwanag. Pawang nakikisabay sa nararamdaman ko ang mga ulap na nagbabadyang lumuha.
Lumbas ako ng kwarto, gabi na iyon. Nagpadala rin ng mensahe sa akin si Dr. Summer na baka gabihin siya sa pag-uwi. Sumilip ako sa peephole ng front door. Kumunot ang noo nang makitang nandoon pa rin si Raviro. Hindi siya umalis? Bahala siya, kahit lamukin siya sa d'yan, hindi ko siya sa papansinin. Ininit ko ang kanin na sinaing ko kanina at nag-air fry ng spam. Patingin-tingin ako sa pinto habang sumusubo ng pagkain. Hindi ko bubuksan 'yan kahit anong mangyari.
Habang naghuhugas ako ng pinagkainan ay narinig ko ang malakas na pagkulog. Sumilip ako sa bintana, bigla na lang bumuhos ang ulan. Ano ba? Iniiwasan ko na nga si Raviro, hindi ba? Bakit naman ganito?!
Wala akong naging choice kung hindi buksan ang pinto pero wala na si Raviro, siguro ay umuwi na rin siya kaninang nagbabadya pa lang ang ulan. Akala ko ba ay hindi mo bubuksan ang pinto, Kyra? Kahit kailan talaga ang rupok mo pagdating kay Raviro.
Umihip ang malakas na hangin, bahagya pa akong nabasa. Isasara ko na sana ang pinto nang bumulaga sa harapan ko ng basang-basang si Raviro. Napasinghap ako at wala sa sariling inaya siya sa loob. Pagkasara ko ng pinto ay hinubad na niya ang kanyang sapatos at pantalon. Teka, anong ginagawa niya?
Malamang, Kyra, basa siya at hindi naman siya pwedeng maglakad sa buong bahay na basang-basa ang damit. Sinunod niya ang kanyang pang-itaas, nag-iwas ako ng tingin. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...