Special Chapter 5

2.1K 49 7
                                    

"Grabe si Raviro, sharp shooter! Dalawa kaagad, babae at lalake pa!" maligayang sabi ni Reina Iesha habang pinagmamasdan ang kambal naming anak ni Kyra.

"Doble rin naman ang pagod at puyat," natatawang sabi ko at binuhat si Kayro na nagbabadya ng umiyak.

"Tiis-tiis lang, Raviro. Mahirap lang talagang mag-alaga kapag maliit pa." Tinanguan ako ni Reneesh.

Sabagay, dapat nga ay maging mapagpasalamat pa ako dahil noong una ay akala ko ay hindi na kami magkakaanak dahil sa mababa ang sperm count ko. Dapat pala ay naging buo lang tiwala ko. Kaya pala Niyang ibigay kahit imposible.

"Hindi ko makita kung sino ang kamukha nila, parang mix pero parang kamukha rin ni Risha noong baby pa," sabi ni Richart at humarap kay Iesha. "Gusto ko rin ng kambal." Ngumuso pa ang kapatid kong hari na parang batang nanghihingi ng candy.

"Gusto mong kambal na sapak? Ang hirap manganak at mag-alaga. Ikaw puro sarap lang!" Inambaan ng suntok ni Iesha ang asawa.

Ngumisi si Richart. "Sa susunod gagalingan ko ang paggiling para sure na kambal." Tinaas-baba niya ang kilay kay Iesha na iritadong nakatingin sa kanya.

"Ang tigas ng katawan mo, paano ka gigiling? 'Tsaka pwede ba? Uso naman magpahinga, hindi ba? Kakapapanganak ko lang kay Arie!" Tuluyan nang sinapak ni Iesha si Richart.

Ang gulo ng dalawang ito, parang hindi hari at reyna. Pero natutuwa na rin ako na kahit papaano ay nagagawa pa rin nilang magsaya sa kabila ng maraming responsibilidad nila sa bansa. Siguradong hindi matutulad si Richart sa papa namin. Masaya siya kay Iesha at kay Iesha lang siya magiging maligaya.

Iniwan ko sa mag-asawa ang mga anak ko at pinuntahan si Kyra na nagbabawi ng lakas sa kwarto namin. Tulog nang tulog kaya halos ako na ang kasama ng kambal. Hindi naman ako nagrereklamo dahil naiintindihan kong nakakapagod manganak at hindi lang isa ang sa amin. Madalas ay gising ang kambal sa gabi at nagsasalitan kami ni Kyra sa pagbabantay. Breastfeeding ang madalas gawin ng kambal kaya naman hapong-hapo ang asawa ko.

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Tulog na tulog at kahit ilang beses ko nang hinalikan ay hindi man lang gumalaw. Malamang ay pinuyat na naman siya ng kambal. Ang lalakas pa namang kumain. Kailangan na niyang gumising dahil lagpas na ng almusal at hindi pa siya kumakain.

"Mahal, gising na," mahinang bulong ko sa tenga niya.

Gumalaw siya para sumiksik sa akin pero hindi naman dinilat ang mga mata. Ngayon lang ang panahon niya para makakain ng payapa dahil tahimik pa ang kambal at nandito pa sila Iesha pero mamayang nagutom ang mga iyon ay hanggang mamayang hapon na naman aabalahin ang ina.

"Kakain ka na, ako ang nagluto." Marahan kong hinawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya.

Isang mata muna ang dinilat niya tsaka ako nginitian. "Talaga?" namamaos niyang tanong.

Bumangon siya at nag-inat. Mabilis siyang tumayo at hinila pa ako patayo. "Tara na! Habang hindi naghahanap si Kayro at Karylle. Gusto ko nang matikman ang luto mo, mahal."

Lumapad ang ngiti ko dahil sa pananabik niya sa mga bagay na binibigay ko sa kanya. Alam ko naman kahit anong ibigay at gawin ko sa kanya ay hindi matutumbasan ang mga sakripisyo niya mula noong ikinasal kami hanggang ngayong naipanganak niya ang kambal naming anak. At siguradong maraming sakripisyo pa ang magagawa niya sa hinaharap dahil kailanman ay hindi na matatapos ang pagiging magulang ng isang tao kapag nasimulan na.

"Amoy pa lang, masarap na. Mas magaling ka pa sa aking magluto." Ngumuso siya habang sumusubo ng niluto ko.

Simpleng putahe lang naman iyon at pang-agahan pa. Pero kung napasaya ng simpleng ginagawa ko ang asawa ko ay maligayang-maligaya na ako.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon