AcceptNakatanaw lang ako sa malaking glass wall ng ICU, nandoon sa loob ang si Principe Reneesh at binabantayan si Raviro na dalawang araw na ring tulog. Wala pa ring sign ng brain activity, comatose pa rin siya at walang nakakaalam kung magigising pa. May kung anong mabigat sa puso ko na hindi yata maaalis hanggang hindi nagigising si Raviro. Ganito rin kaya ang nararamdaman niya noong ako nakaratay sa kama? Natatakot din kaya siya na baka hindi na ako magising at umaasa na lang siya sa wala? Kasi ngayon, ganoon ang nararamdaman ko. Kasalanan ko kasi kung bakit siya nandyan. Kasalanan ko lahat ito. Kung hindi lang ako pumayag sa gusto ng binibini noon ay hindi sana ako makikilala ni Raviro. Maayos pa sana siya ngayon.
"Kyra, pwede namang umuwi ka muna. Wala ka pang maayos na tulog." Umupo si Dr. Summer sa tabi ko at hinaplos ang likod ko.
"Ayos lang ako, hindi naman ako inaantok," sagot ko.
Umiling siya. "Sige, ganito na lang. Uwi ka muna sandali, malapit lang dito ang ni-rent kong apartment, kahit lakarin mo lang. Maligo ka at magbihis, kung gising man si Raviro ay hindi niya gugustuhing ganito ka."
"Gusto ko kapag nagising siya ay nandito ako," pagmamatigas ko.
"Gusto naman niyang malinis ka kapag idinilat niya ang kanyang mga mata. Come on, Kyra. Magkakasakit ka niyan," pilit pa niya.
Kahit naman maglinis ako ng katawan ay hanggang dito lang din ako sa labas ng ICU, hindi ko siya pwedeng lapitan. I just want to say sorry and goodbye one last time. Nagdadalawang-isip na rin ako ngayon sa pagsama kay Dr. Rainier sa Spain dahil pinayagan na rin ng hari si Louise na bumalik na sa kanyang mga magulang at hindi na sasampahan ng kaso kahit na tinuturing na accessory of the crime siya. They are both right, I can start a new life there. That is a great chance for me, kung dito ay makukulong lang ako sa nakaraan. Kung malayo ako kay Raviro ay malaki ang pag-asang iibig siyang muli sa ibang babae.
Bumuntonghininga ako at pumayag din sa gusto ni Dr. Summer. Walking distance nga lang talaga ang apartment niya mula sa ospital. Nagtagal ako sa banyo hindi sa paglinis ng katawan, kung hindi dahil pag-iyak. I feel so useless, gusto kong bumawi kay Raviro. Gusto ko siyang tulungan na umalis sa kamang iyon at matanggal ang malaking tubo na iyon na tanging dahilan na lang kung bakit siya humihinga. Mas lalong tumindi ang pagkawala ng pag-asa ko nang mismong pamilya na niya ang gusto siyang sukuan. Kung hindi pa rin kasi siya magpapakita ng kahit kaunting improvement sa loob ng isang buwan ay ititigil na life support machine sa kanya. Bakit nila kayang gawin iyon?! Mabubuhay pa si Raviro, eh!
Mabilis akong nagbihis at tinakbo ang daan pabalik ng ospital. Habang tumatakbo ay umaasa ako na dadatnan ko si Raviro na nakabukas ang mga mata at nakangiti sa mga taong nakapaligid sa kanya. I will never stop praying for him.
"Still no response from his brain. We want to consider him brain-dead, but if we do that, it will kill your hope. His brain trauma is very severe and we can do nothing about that. I will let you to keep hoping," sabi ng doktor at umalis na.
"We can't give up on Raviro! He is our brother!" sigaw ni Rafaelle sa kanyang mga kapatid na pare-parehong walang imik.
Lumapit ako sa kanila. "Give him more time. I know he will wake up. I can't give him up because he never did that to me. I was in the same situation months ago, but look at me now, I am alive because of him for not giving up on me. Let's do that to him, please. He just wants to rest for some time."
Pumikit nang mariin ang hari at saka tumayo. Tumingin siya sa glass wall at pinakatitigan ang kapatid. Ayokong mawalan sila ng pag-asa. If that happen, it is over for Raviro.
"Enter his room now and say your last words for him," mahinang sabi niya na naging dahilan ng tuluyang pagtulo ng luha ko.
Umiling ako. "No, please. Ayoko, nagmamakaawa ako. Let's wait more!"
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...