Kabanata 23

1.1K 34 17
                                    


Mahigpit

"Just one last bite," sinubo ko sa kanya ang baby spoon na may lamang baby food. "And, we are done! Very good, Princess Risha. You finished your food just like that. Look, it's gone now." Pumalakpak ako, ginaya niya ako at pumalakpak din ng walang tunog.

Pinunasan ko ang bibig niya ng basang bimbo at pina-inom siya ng tubig. Tinaas niya ang kamay niya pagkatapos ko siyang painumin. "Dun!" sigaw niya.

"Yes, we are done. Come here, mommy and daddy are gonna be home any minute. Let's take a bath." Inamoy ko ang kili-kili niya, kumislot siya at natawa dahil sa kiliting naramdaman. "Risha is smelly na!" Kunwari kong nilukot ang ilong ko.

"No!" sabi niya at umiling-iling pa. Nagkataas pa ang hintuturo.

Aba! Natututo na ang isang 'to, ah. "Yes, you are. Let's go to the bath, you don't want some bub-bub?"

Paboritong parte yata niya ng kanyang buhay ngayon ay ang paliligo at paglalaro ng bula. Tuwing hinihiling ko na sana ay bumagal ang paglaki niya ay parang hindi naman ako pinabibigyan. Araw-araw na lang ay may bago siyang natututunang mga bagay. Araw-araw may gustong gawin o kainin. Kaya bawat araw ay hindi ko nakakaligtaang kumuha ng litrato niya at nilalagyan ng date.

"I miss Uncle Raviro," wala sa sariling sabi ko.

Lahat na ng paraan ay ginawa ko para malibang ako pero wala talaga. Mag-aapat na araw na ngayon simula nang pumunta siya sa Gavilla, wala na ring akong narinig na kahit ano mula sa kanya, kahit sa mga kapatid niya. Mas mabuti na rin siguro ang ganito, walang komunikasyon, walang balita sa isa't isa, mas madaling makakalimot.

Binihisan ko si Risha ng dress na pinadala ng kanyang mommy noong isang linggo. Napakamot ako sa pisngi nang hindi ko na maisara ang zipper ng damit sa likod. Paano na 'yan? Hindi niya pa nasusuot ay hindi na niya kasya. Kung wala siyang diaper ay magkakasya pa ito pero hindi naman pwede iyon dahil hindi pa siya marunong magsabi na naiihi na siya o kailangan na niyang dumumi. Wala akong naging choice kung hindi pumili ng ibang damit. Wala na ang mga luma niyang damit dahil sobrang bilis niyang lumaki, parang buwan-buwan yata ay nagche-change-wardrobe kami.

Nang mabihisan ay sinuklay ko ang mahaba at makapal niyang buhok. Sinuotan ko rin siya ng hairband na hugis tiara. "Ready na si Risha!" sabi ko at kinarga siya palabas dahil malapit na raw ang sasakyan ng hari at reyna.

"Yey!" Excited ang prinsesa na makita ang mga magulang niya.

Ilang minuto lang ay pumasok na ang kanilang sasakyan sa bakuran ng palasyo. Kasama ko sa pagsalubong ang tatlong prinsipe na hindi naman mukhang excited. They look bored.

"Bakit kailangang may pasalubong pang magaganap? Santo ba 'yan?" tanong ni Principe Raguel na humihikab pero bihis na bihis naman.

"Reklamo ka pa d'yan, ang aga mo namang nagising," sabi sa kanya ni Principe Rafaelle.

"Pasalubong ang sinasalubong ko, hindi sila. Malalaki na sila, hindi na dapat inaalalayan." Tumayo siya nang tuwid nang lumabas na sa kotse ng hari.

"Da-da!" Halata sa tono ni Risha na tuwang-tuwa siya na makita ang kanyang daddy.

Sunod na lumabas ang reyna, sapo ang kanyang maumbok na tiyan. Inalalayan siya ng hari sa paglakad papunta sa amin.

"My! Da-da!" Pumalakpak si Risha at saka pilit na nagpapababa para puntahan ang kanyang mga magulang.

Mabuti na lang at naisipan kong suotan siya ng sapatos. Kahit hindi pa niya kayang balansehin ang sarili ay sabik na sabik naman siya sa paglalakad. Binaba ko siya at hinawakan ang isang kamay, paisa-isa ang hakbang niya. Natahimik ang paligid at nahinto sa paglakad ang hari at ang reyna na tinitingnan lang ang anak. Nang makarating si Risha sa tapat ng kanyang daddy. Yumakap siya sa binti nito, doon ko binitiwan ang kamay niya. Kinarga siya ng kanyang daddy na malaki ang ngiti, ang reyna naman ay paulit-ulit na hinalikan ang kanyang pisngi.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon