Kabanata 5

2.2K 83 18
                                    


Remember

"I will never harm the children kung 'yan ang inaalala mo," sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

He smirked. "Sa tingin mo maniniwala pa ako sa iyo? Hindi na, you will never deceive us again with that innocent face of yours. Those children almost died because of you!" sigaw niya.

Napasinghap ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. A-Almost died because of me? Hindi ko iyon magagawa. Hindi ko kayang gawin iyon.

"No, I will never do that! Galit ka lang sa akin kaya mo sinasabi iyan. Gusto mong iwanan ko si Rav kaya ka ganito sa akin." Umiling ako.

Tumawa siya. "Noon, wala akong pakialam sa inyong dalawa, problema niyo na kung paano niyo haharapin ang hari, pero, pagkatapos ng mga ginawa mo sa mga bata, kung paano mo kami naloko, hinding-hindi ko hahayaan na maloko mo ulit ang mga kapatid ko."

Ano bang mga sinasabi niya? Wala akong maintindihan. Ano bang ginawa ko sa mga batang iyon? Bakit nadamay ang hari ng Cordancia sa amin ni Rav?

"Wala akong maintindihan, I lost my memories kaya hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit mo," sabi ko.

Lumapit siya sa akin, napaatras ako, hindi ko siya gusto. Paanong muntik nang mamatay ang mga bata dahil sa akin? Hindi ko maintindihan! Wala akong maintindihan! Bakit kasi nawala pa ang mga alaala ko?!

"I know you are faking your amnesia! You are deceiving my brother again! Come on, Kyra! You can tell me your secrets, 'wag na tayong maglokohan dito. Wala ka naman talagang amnesia, ginagamit mo lang 'yan para makatakas ka sa pagbabayad sa kasalanang ginawa mo ngayong nasa poder ka na namin. You will never get away with what you did! Pagbabayaran mo iyon, sisiguraduhin ko iyon! Kaya umamin ka na!"

Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa nakakatakot niyang sigaw. Bakit ko pepekein ang pagkawala ng memorya ko? Gustong-gusto ko ngang makaalala pero tuwing sinusubukan ko ay may nangyayaring hindi maganda.

"Anong aaminin ko? Totoong nawala ang mga memorya ko at nahihirapan akong ibalik ang mga iyon. 'Wag kang mag-alala, kapag nakaalala ako, ikaw ang unang makakaalam," sabi ko at tinitigan siya.

Ngumisi siya. "Lagi kitang babantayan. Sa oras na makaalala ka ay makukuha mo na ang parusang nararapat sa iyo. Magpasalamat ka at wala ng parusang kamatayan dito sa Cordancia dahil wala ka ng karapatang mabuhay pagkatapos ng ginawa mo!" sabi niya bago ako iniwang tulala dahil sa mga sinabi niya.

Kahit naihanda na ang aking hapunan ay hindi ko iyon ginalaw dahil labis pa rin akong apektado sa mga sinabi ni Rachim. Gustong-gusto ko namang makaalala, gusto ko nang umalis sa lugar na ito at bumalik sa kung ano man ang buhay ko dati. Gusto ko nang maalala kung ano si Rav sa buhay ko at ano ang nagawa ko sa kanya para pahalagahan niya ako ng ganito. Sa paraan ng pananalita ng mga kapatid niya sa akin ay parang hindi ako karapat-dapat sa kanya. I want to remember all that happened, at kung ano man ang kasalanan ko na sinasabi nila na kailangan kong pagbayaran ay gustong-gusto ko nang harapin.

"Kyra, you didn't eat your food. You didn't like it? Gusto mo bang magpaluto ako ng iba?" nag-aalalang wika ni Rav habang titig na titig sa akin.

Umiling ako at yumuko. Halata sa mukha niya ang pagod at pag-aalala, I guess he was tired already with this set-up. Umuwi siya at malamang ay nakaharap na naman niya ang kanyang mga kapatid, nagkasagutan na naman sila at ako na naman ang dahilan.

"I don't have the appetite, I'm sorry." Hinawakan ko ang kamay niyang nasa tabi ko.

"What happened while I am away? Sumakit na naman ba ang ulo mo? May naalala ka ba?" tanong niya.

Ngumiti ako at umiling, may naalala lang yata ako kapag gusto ng utak ko. Maybe my brain is also protecting me from more serious damage, but Rav is protecting me even more. I am at peace when I am with him, pero tuwing naiisip ko ang mga nakalimutan kong alaala ay hindi ko mapigilang mangamba. I know on that memories, I hurt him and it breaks my heart. Gusto kong tanungin sa kanya nang paulit-ulit kung bakit siya nandito at araw-araw ay pinipili ako. I don't deserve him, I really don't. He is too good.

The Royal NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon