HilingMy heart skipped a beat. I just can't deny the fact that I am in love with this man despite my lost memories. It is true, it is so true.
"I know how much you love apples, so I brought you some."
Napatingin ako sa kanya, kapapasok lang niya sa aking kwarto at may dala-dalang isang plato na may mga nakahiwang mansanas.
"Hindi ko na binalatan dahil gusto mong kainin ang mansanas na may balat pa, sabi mo kasi nasa balat ang sustansya." Inabutan niya ako ng isang hiwa.
"Salamat," sabi ko.
Bigla akong napaisip, ilang araw na rin siyang nandito at kasama ko. Wala ba siyang ibang ginagawa?
"Uh, Rav?" tawag ko sa kanya.
Binaba niya muna ang hawak bago ako binalingan. "Bakit? May gusto ka pa bang kainin o gawin?"
Umiling ako. "Gusto ko sanang tanungin kung wala ka bang trabaho o kung ano man? Hindi mo naman na ako kailangang batayan palagi, kaya ko nang mag-isa."
"Ayaw mo bang nandito ako?" malungkot niyang sabi.
Bigla akong nakaramdam ng inis sa sarili. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin, nag-aalala lang na baka masyado na akong nakakaabala sa kanya at hindi na niya nagagampanan ang buhay niya sa labas. "Hindi naman sa ganoon. G-gusto kong nandito ka, masaya ako na lagi kang nakikita pero kasi...nag-aalala lang ako sa iyo. Baka masyado na kitang naabala," sabi ko at kinagat ang pang-ibabang labi.
Hinaplos niya ang buhok ko at inangat ang tingin ko. Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. Nahigit ko ang hininga ko at wala sa sariling naipikit ang mga mata.
"You are my priority, Kyra. Mananatili ako dito hanggang sa gumaling ka na, hindi kita iiwan," sabi niya at niyakap ako.
"M-magaling naman na ako, hindi muna kailangang mag-alala." Niyakap ko siya pabalik.
"Not really, you can't still remember me." Tumingin siya sa akin at kumalas sa yakap.
"Why can't you just tell me who you really are, mister?" hamon ko sa kanya.
"A little brave, aren't you? Seek for yourself, kahit naman sabihin ko sa iyo ay hindi ka rin maniniwala. Mahirap paniwalaan kung sino ako at kung ano ako sa buhay mo."
Mas lalo pang sumibol ang kuryusidad sa isipan ko, kahit anong gawin ko naman ay hindi ako makaalala. Gaano ba kalala ang nangyari sa aking aksidente? Bakit buong buhay ko ay nakalimutan ko? Bakit ako naaksidente? Paano ako nasangkot sa isang aksidente? Paanong nangyaring nabuhay pa rin ako?
Napahawak ako sa sentido ko nang may pumitik na sakit doon dahilan para dumilim ang paningin ko. Kaya ba ayaw akong pilitin ni Rav na makaalala, ganito ba ang mangyayari? Bumilis ang paghinga ko at parang kahit anong oras ay bibigay na ako. Wala si Rav at hindi ko alam kung huhupa pa ang sakit ng ulo ko. May kung ano akong nararamdamang tumutulo mula sa ilong ko pero bago ko pa malaman kung ano iyon ay tuluyan na akong tinakasan ng malay.
Puro iyak ng mga bata ang naririnig ko. Sa isip ko ngayon ay kailangan kong bumangon para masiguradong ligtas sila. Pero, ang katawan ko. Ayaw kumilos, hirap din akong huminga. Anong nangyayari? Kailangan kong iligtas ang mga bata!
Tulong!
Mabilis ang paghinga ko nang magising ako, pawis na pawis rin ang aking katawan at sobrang masakit ang aking ulo. Binaling ko ang aking tingin sa direksyon kung saan ako may naririnig na nagsasalita. Si Rav na nakatalikod sa akin na may kausap na isang lalake na nakaputi. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko magawa, ni iangat ang kamay ko ay wala rin akong lakas. Para akong naparalisa.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...