FallingThat's the right thing to do, stay away from him! Hindi ko naman sinasabing nagkakagusto na nga ako kay Raviro, pangalawang araw pa lang naming nagkakakilala ngayon. He is just being friendly, isa lang siyang tao na uhaw sa kaibigan. That's it! Bakit ko binibigyan ng malisya iyon?!
"Uncle Raviro is so nice, isn't he, Princess Risha?" Nababaliw na yata ako, pati ang walang kamalay-malay na sanggol ay kinakausap ko na.
She let out a soft 'ooh', parang naiintindihan ang sinabi ko, pati ba naman ikaw Princesa Risha. May umilaw na ideya sa isipan ko habang hinintay ang sanggol na maubos ang kanyang gatas. I can use Raviro for my plans. I can't use this baby, so I will be using his uncle. Makaganti lang sa kahit anong paraan. Wala akong pakialam kung hindi na niya ako ituring na kaibigan sa hinaharap...he is not a friend to me.
"Kyra," mahinang tawag niya sa akin nang pumasok siya sa kwarto.
Hindi ko siya nilingon. Bakit ba kasi siya lapit nang lapit sa akin? Talaga bang seryoso siyang maging kaibigan ako?
"Look at me, please. I have something to say," sabi niya at hinila-hila pa ang braso ko.
Bumuntonghininga ako at tumingin na sa kanya. Nawala ang ngiti niya at kumunot ang kanyang noo. "May problema ba? Masama ba ulit ang pakiramdam mo? Ilang araw mo na akong hindi pinapansin? Galit ka ba sa akin?"
Nag-iwas ako ng tingin. Tumayo ako at kinuha na ang walang lamang baby bottle ng natutulog ng si Risha. Inayos ko rin ang kanyang kumot bago bumaling ulit kay Raviro.
"Sinusunod ko lang ang sinabi ng kapatid niyo, Principe Raviro," sabi ko at walang ingay na lumabas ng kwarto.
Ramdam kong nakasunod pa rin siya sa akin. Binilisan ko ang bawat paghakbang ko at kagaya ng inaasahan ay naabutan pa rin niya ako. Marahan niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap sa kanya.
"Sinong kapatid ko? Anong sinabi niya?" tanong niya at kahit na salungat ang pinapakitang emosyon ng mga mata niya ay nakangiti pa rin siya sa akin.
"We shouldn't be friends, it's not appropriate," sabi ko at inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
"Who said that? Susuntukin ko," seryosong sabi niya pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Ako ang nagsabi! Susuntukin mo ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. War freak naman pala ang isang ito.
Umiling siya. "Sabi mo kasi ay isa sa mga kapatid ko. Joke lang iyon." Bumuntonghininga siya. "Akala ko naman ay ayos na sa iyo na magkaibigan tayo. Ayaw mo ba akong maging kaibigan? Mahirap ba akong maging kaibigan?"
Mahirap? Oo! Kasi baka hindi lang kaibigan ang maging tingin ko sa iyo kapag lagi mo akong nilalapitan at ginagamitan ng puppy eyes. Bwisit kang lalake ka!
Nilamukos ko ang mukha niya tsaka siya tinulak palayo sa akin. Bago pa siya makahuma ay tumakbo ako nang mabilis patungo sa Queen's Garden. Ano ba 'yan? Wala man lang pagtaguan rito, ang liliit ng mga puno? Pumasok na lang ulit ako sa loob ng palasyo at dumaan sa may kusina, lunch na rin naman kaya ayos lang kung magpunta na ako rito.
"Kyra, nandoon na ang pagkain mo, kinuha ni Principe Raviro. Siya na lang daw ang magbibigay sa iyo," sabi ni Chef Maria at nginitian ako.
"H-ha? Bakit niyo binigay sa kanya?" naiinis kong tanong.
Nagkibit-balikat siya. "Sabay daw kayong kakain sabi mo. Ewan ko sa inyo, ako naman ay sumusunod lang sa utos para hindi mawalan ng trabaho."
Kainis! Hindi na lang ako kakain. Napasabunot ako sa sarili ko at napaupo na lang sa gilid ng pasilyo. I don't want to use him either, parang mali kasi, hindi kaya ng konsensya ko. Napakabuti niya sa akin. Sa lahat ng tao rito, siya lang ang tingnan ako ng pantay. Nilagay ko ang noo ko sa nakatupi kong mga tuhod at nag-isip. Hindi pwedeng ganito, hindi pwedeng kada oras na lang ay makokonsensya ako. The Lady is right, madali nga nilang makukuha ang loob at ang simpatya mo.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...