Talikuran
Bago makarating dito ang mga kukuha sa akin ay naisipan ko munang humingi ng paumanhin kay Dr. Rainier dahil sa ginawa ko kanina. Iyon lang kasi ang naisip kong paraan para umalis si Raviro. Pero, nagi-guilty talaga ako sa ginawa ko. Hindi naman deserve ni Raviro ang ganoon. He deserve someone else, someone not like me.
"Pasensya na sa ginawa ko kanina. Hindi ko sinasadyang gawin iyon, wala lang akong choice," mababa ang boses na sabi ko.
Napakamot siya sa kanyang ulo at nahihiyang ngumiti. "Akala ko..." Tumingin siya sa akin. "Ayos lang 'yon. Hindi naman malaking bagay."
Tumango ako at niyakap siya. Naramdaman kong nanigas ang katawan niya, halatang-halata ang pagkagulat. "Salamat sa lahat ng itinulong niyo sa akin ni Winter. Masayang-masaya ako na nakilala ko kayo."
Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Why it's sounds like you are giving your farewell? Are you leaving Vera now?"
"Yes..." Bumuntonghininga ako. "Tapos na akong takbuhan ang lahat ng problema ko, hindi rin matatapos kung palaging ganito. Ang taong walang ginawa kung hindi protektahan ako ay patuloy lang na nasasaktan, hindi ko na kaya 'yon." Natawa ako kahit may mga luhang lumandas sa pisngi ko. "Huwag sanang magbabago ang tingin mo sa akin kung makikita mo akong poposasan sa harapan mo." Pinunasan ko ang luha ko at tumalikod na sa kanya para umalis.
Natigilan ako nang mahigpit niya akong yakapin mula sa likod. Nahigit ko ang hininga ko at naninigas ang buong katawan ko. "Dr. Rainier..."
"I will find you, Kyra. We will meet again, I'm sure of that," bulong niya malapit sa tenga ko bago ako pinakawalan.
Dahan-dahan ang paghakbang ko, hindi ko na siya nilingon. Kung mangyayari man ang sinasabi niya ay sana namn ay hindi sa loob ng kulungan o hindi na lang sana. Gusto ko na lang putulin lahat ng relasyon ko sa mga tao. Ayoko na lang maging malapit sa kanila dahil pakiramdam ko ay masasaktan ko lang sila. Kung sino ang mas malapit ay siya ang pinakamasasaktan.
"We will do some additional tests to make sure you are okay before you leave." Kinuha ni Dr. Summer ang kanyang stethoscope, hindi makatingin sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya at umiling. "I am completely fine, thanks to you and Dr. Rainier. Thank you for saving my life twice. Paano na lang kung walang mga tao ang kagaya mo? I will be forever honored that I met you." Niyakap ko siya.
"Kyra, are you sure that you want to get arrested? If you do, all the prince's effort will be wasted. Don't do this," sabi niya at niyakap ako nang mas mahigpit.
"Papalayain ko siya, walang masasayang sa mga ginawa niya dahil tatanawin ko na utang na loob ang lahat ng iyon. At bilang tao na may utang na loob ay kailangan kong tapusin na lahat ng nagpapahirap sa kanya, kasama na ako," sabi ko.
Sabay kaming napatingin sa labas ng bahay nang marinig ang sirena ng Cordancian Cops' Car. Nagkatinginan kami, tumango ako sa kanya.
"I will be fine, Dr. Summer. Goodbye," huling sinabi ko sa kanya bago ako lumabas at tinanguan ang mga pulis na naghihintay sa akin.
Tumingin ako sa paligid, noong isang araw lang ay mga ngiti ang binibigay sa akin ng mga taong ito, pero ngayon ay mga mapanghusga na tingin kahit hindi naman nila alam kung ano ba ang tunay na nangyari pero kahit na ganoon ay nginitian ko pa rin sila pati na si Dr. Rainier na mabilis na tumatakbo palapit sa akin. Sumakay na ako sa sasakyan para hindi na niya ako maabutan. From now on, Vera and its people will be just a part of a dream that once came true. Hindi na ako babalik, hindi ko na rin hihilingin na makita pang muli ang mga taong naging mabuti sa akin nang sagayon ay wala na akong masaktan na tao. Tama na si Raviro, sobra-sobra na. Hindi na tama.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...