This day"You will never believe this, Rav, sa wakas, ipapasok na sa Military Academy si Raguel," tuwang-tuwang sabi ni Rafaelle kay Raviro habang ako ay pinapanood lang sila at mahigpit ang hawak sa towel na nakabalot sa katawan ko.
Napatingin sa akin si Raguel at Rafaelle, tinanguan ko sila at ngumiti naman sila sa akin. Parang hindi naman yata natutuwa si Raguel na papasok na siya ng Military Academy. Matanda na rin ang kanyang edad para ngayon lang pumasok. Bakit ba siya natatakot mag-training?
"Kaya lang, napakaswerte ng gago! Tayo, 5 years sa training, siya 6 months lang." Umiling-iling si Rafaelle habang si Rav naman ay tumawa ng mahina. Gwapo!
"Malamang kung magkaroon man ng gyera, siya ang unang tatakbo," sabi ni Rav at tuluyan ng pinagtawanan si Raguel na nakasimingot na ngayon.
Natawan na rin ako sa itsura niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Nagtaas siya ng kilay at mabilis akong nilapitan. Nahinto ako sa pagtawa at tumitig sa kanya.
"Anong tinatawa-tawa mo d'yan? 'Di naman hamak na mas madaling maging nanny kaysa pumasok sa Military Training," sabi niya kaya natigilan ako.
Tumayo si Rav at nilapitan si Raguel na halatang nagulat din sa nasabi. Tumingin ako sa kanilang dalawa, madilim ang mukha ni Rav, hinila niya palayo si Raguel at may ibinulong dito. Tumingin sa akin si Rav bago siya tinanguan ni Raguel. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang paalis ang dalawa.
Bumuntonghininga siya at napahilot sa sentido. "Sorry about that. Raguel didn't know what he just said. I--"
I cut him off. "I know," sabi ko na dahilan para sumibol ang pagtataka sa mga mata niya.
"What?" he asked. Hindi ko alam kung nalilito ba siya na baka alam ko na ang sinabi ni Raguel o hindi niya lang naintindihan ang sagot ko.
Yumuko ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa towel. "I already remembered that I used to work as a Royal Nanny."
Napasinghap siya at mas lalong lumapit sa akin. "Ano pa ang naalala mo na? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"
Nagkibit-balikat ako. "Nakalimutan ko." Ngumiti ako para maalis na ang pag-aalala niya.
Rav is such a sweet man. He may look tough outside, but inside, he is fluffy as a marshmallow. I really like it.
"Kailan mo na naalala?" tanong niya ulit at sa tingin ay mas kalmado na siya ngayon.
"Bago ako nahimatay noong nag-date tayo. Si Risha, siya ang Princesa Heredera, pamangkin mo siya. Isa ka sa pitong prinsipe ng Cordancia. Bakit hindi mo sinabi?" Ako naman ngayon ang nagtatanong at siya naman ang hindi makatingin sa akin.
Huminga siya nang malalim. "That's for you, Kyra. Hindi ko kayang makita ka na nahihirapan dahil lang sa gusto kong maalala mo ako. When you heard my real name, you collapsed and it took a week before you woke up again. Hindi ko kayang palagi na lang ganoon, na baka tuluyan mo na akong makalimutan kung pipilitin kong maalala mo ako, kahit ang pangalan ko lang. Mas mabuting na ang ganito, kahit hindi mo ako naalala basta maayos ka. Iyon lang ang mahalaga sa akin," sabi niya at hinalikan ang likod ng kamay ko.
Parang may kung anong natunaw sa loob ko at pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae ngayon dahil kay Rav. Hindi na ako nagtataka kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya noon. Bukod sa pagiging prinsipe at pagiging magandang lalake ay napakalinis pa ng kalooban. Wala na sigurong kagaya niya.
Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong maganda noon para ibigay sa akin si Rav... O Raviro...
"Principe Raviro," sambit ko kaya naangat niya ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Royal Nanny
Romance"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Rav. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa loob silid kung saan siya kinukulong ng lalake. And...