27

27 4 0
                                    

Tamad na tamad na tumayo si Suho habang pilit na ginigising ang sarili. Antok na antok pa siya. Paano, halos anong oras na rin siya nakatulog dahil sa tambak na gawain na iniwan sa kaniya. Kasalanan niya rin naman, e. Matagal ng binigay iyon sa kaniya pero ngayon niya lang tinapos lahat. Puro kasi Lay inaatupag.

Hinanap niya ang anak sa apat na sulok ng kwarto niya pero wala siyang nakitang ni-isang bakas nito (maka "bakas" naman 'tong author) kaya agad siyang bumaba kahit na di pa siya nakakapag-ayos.

Nadatnan niya si Jongdae sa sala habang nakaupo at may tinitingnan sa phone nito. Sobrang seryoso nito na parang anytime wawasakin niya na yung telepono niya. Nagkibit-balikat na lang si Suho saka tinitigan  na lang ang binata at nilagpasan ito. Wala siya sa mood na batiin ito. Una, puyat siya. Pangalawa, wala namang maganda sa umaga niya at pangatlo, mukhang seryoso talaga si Jongdae sa kung sino man ang katext nito kaya ayaw niya na itong guluhin.

Dumeretso siya sa kusina at doon niya nadatnan si Myeonie, kasama ang tatay nito. Huminga muna ng malalim si Suho bago tuluyang lumapit sa lamesa.

Nakita agad siya ni Myeonie paglapit niya pa lang. "Hi Papa!" Masiglang bati nito sa kaniya.

Ginantihan ni Suho ng isang ngiti ang anak. "Good morning, baby."

Tinitigan siya ng anak niya na parang sinusuri ang itsura niya. "Hindi po ba kayo nag-sleep, papa?"

Agad na umiling si Suho. "Hindi, e. May tinapos pa akong work baby."

"Pwede naman pong mag-sleep muna bago mag-work. Tingnan niyo po, ang laki ng eyebags niyo. Diba po ayaw niyo po maging ugly?"

Natawa si Suho sa sinabi ng anak. Gusto niya sanang sabihin na gwapo pa rin naman siya kahit malaki eyebags niya pero may kasama nga pala sila ngayon. Tumigil na rin sa pagtatanong si Myeonie kaya kumain na lang sila ng maayos.

Pero hindi nagtagal ay nagsalita muli si Myeonie.

"Daddy! Papa!" Biglang tawag nito dahilan kung bakit napatingin silang dalawa ni Lay.

"Yes?/Why baby?" Halos sabay na sambit nila ni Lay. Saglit na nagtama ang mga tingin nila pero sabay rin silang nag-iwas ng tingin. Josko, mga pabebe kala mo teenager.

Excited na nagtatalon si Myeonie sa upuan niya. "May camping daw po kami sabi ni teacher!"

Ngumiti ng tipid si Suho. "Talaga anak? Saan naman?" tanong niya samantalang si Lay ay tahimik lang na nakikinig sa kaniya.

"Sa Mt. **** daw po!" Muntik nang magkaroon ng puso ang mga mata ni Suho nang makita kung gaano ka cute ang anak niya. Kinuha niya ito at binuhat papunta sa kandungan niya saka pinisil ang pisngi nito.

"Sige baby! Pupunta tayo dyan."

Agad na naman na nagtatatalon ang anak niya sa lap niya. "Yehey!!!"

Sunod naman na bumaling ang anak niya kay Lay na kanina pa sila pinagmamasdan. Napatingin din doon si Suho pero agad niya ring iniwas ang tingin niya. Ang awkward, susko. Minsan nga nagsisisi din siya bakit niya pa hinalikan si Lay, mas nahihirapan tuloy siya sa sitwasyon nila ngayon.

"Daddy sama din po kayo ha!" Nanlaki ang mata ni Suho. No! Hindi pwede! Kabado siyang lumunok at pinagmasdan si Lay, iniintay na sumagot ito.

Sabihin mo busy ka, please.

Unti-unting ngumiti si Lay tapos sumagot nang, "Yes, sasama ako."

Oh no.

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon