17

41 8 0
                                    

Suho's POINT OF VIEW

"AHHHHHH!" Sigaw ko sa sobrang takot. (Actually, tili talaga 'yun. Baklang-bakla nga si Suho, e). Napapikit pa ako ng mariin at hahampasin na sana ang kung sino mang humawak sa akin pero agad din niya akong napigilan.

"Hey, ako 'to, Suho." Narinig ko ang pamilyar na boses. Doon ako napabukas ng mata at saka ko nakita ang mukha ng taong hinahanap ko. Si Lay. Napahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko multo na 'yung humawak sa akin!

Pero wait. Wait lang ha. Sheeeet! Totoo ba 'to? Ang lapit ba talaga ng mukha sa akin ni Lay?! Omg keleg eke! Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na halos ramdam ko na ang mabango niyang hininga sa mukha ko. Napalunok ako. Malaya ko ring nakikita ng malapitan ang wala man lang ka-pores na mukha niya. Yay sana all! Ano kayang gamit na sabon nito ng magamit ko din. Pwede nemen share keme. Hihihi. Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Gosh. May liptint ba na gamit 'to? Pero alam ko naman na natural 'yan eh. Pereng eng serep teley—

"What are you doing here?" Napatigil ako sa mga kaharutang pinag-iisip ko nang marinig ang seryoso niyang boses. Binitawan niya ang braso ko saka seryoso akong tiningnan.

Napalunok ako. Patay. Nagalit ata. Bakit ba kasi pasok ako ng pasok ha! Kasalanan ko talaga 'to eh! Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Jeske anong idadahilan ko?

"A-Ah a-ano..." Wala akong masabi. Kasi naman! Nagalit ata siya. Hindi ko tuloy maiwasang matakot sa kaniya. Tama nga sila. Nakakatakot magalit ang isang Lay. Naalala ko pa yung sinabi ni Jongdae noon.

"Huwag lang talaga magagalit 'yan si Sir Lay dahil nakakatakot talaga siya."

At ngayon, mukhang nagalit ko na talaga siya. Save me! Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at ibinaling na lang sa iba ang tingin ko. Doon ko napansin na halos lahat nga ng gamit sa kwartong ito ay purong itim! Simula sa floor, sa pader, sa kama, sidetable, closet and shelves! Lahat sila itim! B-bakit? B-Bakit ganun?

"I don't want someone who enters my room without my permission," he seriously said. Napabalik ako ng tingin sa kaniya at mukhang pagkakamali iyon dahil lumapit pala siya sa akin! Halos ilang dipa na lang ang layo ng mukha ko sa kaniya. Agad akonh napalunok. Lalong kinabahan dahil sa tono ng pananalita niya. Nagkadaleche-leche na! Patay ka Suho!

"S-Sorry, h-hindi na m-mauulit," kinakabahan na sambit ko. This is not me. Hindi ako 'yung klase ng tao na mag-so-sorry. Mataas ang pride ko. Pero bakit ngayon ang dali kong magpakumbaba. Why is he easily dominate me?

Bakit parang kontrol mo ako, Zhang Yixing?

Nakita ko na parang kinokontrol ni Lay ang sarili niya. He let a loud sigh bago tuluyang lumayo sa akin. Napayuko na lang uli ako. I am not scared to him. Pero bakit parang umuurong ang dila ko ngayon? Hindi na ikaw 'yan Suho. Hindi na.

"Pwede ka ng umalis," huling sinabi niya bago tuluyang lumayo sa akin at pumasok sa isang pinto pa ng kwarto niya.

Agad ko naman siyang sinunod at umalis.

--

A/N: since, christmas break ngayon at medyo marami akong time, here's an update for today!

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon