7

42 9 0
                                    

"GIVE. ME. HIS. ADDRESS." Gigil na gigil ang boses ni Suho. Kulang na lang wasakin niya na yung laptop na kaharap niya.

Nanggagalaiti si Suho. Sobra. Parang gusto niyang tirisin ang lahat ng parte ng mukha ng lalaking nagngangalang Lay Zhang. Never in his entire life daw na ma-seen at ma-block ng ganon. Like, no one can do that to Kim Junmyeon daw. Sa gwapo daw niyang 'yan? Medyo mahangin talaga siya. Okay?

"Para saan ba? Nakausap ko si Lay kanina, hindi ka naman daw niya kilala." Prenteng sagot ni Kris sa kabilang linya.

After maranasan ni Suho ang katakot-takot na pam-ba-block ni Lay sa kaniya, tinawagan niya agad si Kris para sa isang video call.

"Wow! Seriously?! Fuck him!" Hindi na maiwasang mapamura ni Suho. Like, the audicity?! Hindi niya matanggap na makakalimutan siya ni Lay ng ganun-ganun lang.

Una, sineen siya.

Pangalawa, binlock siya.

Tapos ngayon kakalimutan siya?

Nasa sukdulan na ang inis ni Suho ngayon kay Lay. Unti na lang. Lalo na ayaw pa ibigay ni Kris ang address ni Lay.

"Chill. Sabihin mo kaya sa akin kung ano ba talagang kailangan mo sa kaniya? Hindi naman pwedeng ibigay ko sa'yo agad 'yung address ng bahay niya, you know, nagalit na nga sa akin nung binigay ko account niya sa'yo eh." Kalmadong sagot ni Kris habang may hawak pa na snacks.

Napairap naman si Suho. May point naman kasi yung sinabi ni Kris. Hindi pwedeng ibigay ni Kris agad ang info ng kaibigan sa kung sino-sino. Nag-isip muna si Suho kung sasabihin niya kay Kris ang totoo. After a minute of thinking, he decided to tell Kris the truth.

"Okay fine!" Tila sumusukong sambit niya. "I'll tell you. But please, please, 'wag na 'wag mong sasabihin kay Tao." Nangunot ang noo ni Kris. Tila nag-isip ito sa sinabi niya but at the end, pumayag na rin ang huli.

"Fine. I won't tell Tao." Sabi ni Kris.

Bumuntong-hininga naman si Suho. After 4 years, meron na siyang isang taong pagsasabihan ng sitwasyon niya, maliban sa parents niya at kay Grace.

"I already have a son." Pag-uumpisa ni Suho.

Medyo nanlaki ang mata ni Kris pero agad rin itong nakabawi.

"Oh? Legit?"

"Oo nga!" Inis na sagot ni Suho.

"Eh ano namang kinalaman ni Lay sa anak mo?" Tanong nito. Kalmado pa rin habang kumakain. Napairap muli si Tao. Minsan daw talaga tanga 'tong asawa ng bestfriend niya eh. Hindi niya nga alam bakit 'to nagustuhan ni Tao.

"Ang slow mo no?"

"Eh ano nga?" Kalmadong tanong nito sa kaniya.

Suho made a 'tss' sound bago hinarap ang kausap.

"I have the same case as your husband duh!" Sagot niya pero lalo lang nangunot ang noo ni Kris. Napairap pa muli si Suho. Gusto na niyang sapukin si Kris kasi parang tanga.

"Tanga naman Kris ha!" Halos mapasabunot siya sa sarili. "Nabuntis din ako at yung kaibigan mong si Lay ang tatay walangya!" Kung kaharap niya lang 'tong si Kris, baka kanina niya pa nabalibag 'to sa sobrang inis. Sa susunod nga kakausapin niya si Tao para hiwalayan na 'to.

Nanlaki ang mga mata ni Kris at halos matapon niya na yung hawak niyang chichirya. Finally, hindi na rin naging kalmado si Kris. Achievement 'to guys! Party!

"Lah gago seryoso?!"

"Oo nga! Ulit-ulit ha?!" Konti na lang daw talaga masasapak niya na 'tong si Kris eh.

"W-wait h-how?" Halos mawalan na ng isip si Kris. Hindi kasi siya talaga makapaniwala. Si Lay ang pinakabanal sa kanilang lahat. Never been touch, never been kiss. Masyado itong inosente sa mga R-18 na bagay kaya how come na magkakaanak ito?

"Explain ko pa ba isa-isa? Explain ko ba pano niya ipasok sa akin yung talong niya—"

"Huwag mo ng ituloy!" Pinigilan agad siya ni Kris sa kung anong sasabihin niya. Nagtatanong kasi eh. Edi sasagutin lang ni Suho. Gulo din nito ni Kris eh.

"Fine! Ibigay mo na lang address niya kundi kakausapin ko si Tao na hiwalayan ka!" Panananakot niya kay Kris. Mukhang gumana naman dahil umasim ang mukha nito.

"Chat ko na lang sa'yo."

Napa "yes!" si Suho dahil finally makukuha niya na rin ang gusto niya. Parang tanga kasi tong si Kris. Kung ibinagay agad edi tapos.

Napairap na lang uli si Suho.

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon